Chapter 29: Sign

10.4K 317 4
                                    

Chapter 29: Sign

**********

[ Fiera's POV ]

Unti-unti akong nagising dahil sa init ng katawan ko. Pag dilat ko at agad akong napalayo kay Kaizer. Shit bakit naka higa ako sa lap niya?!

Waaaaah nakakahiya! Feeling ko tuloy ay namula yung dalawang pisngi ko >___<

"Fiera, buti gising ka na. Kamusta pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni Kaizer.

"A-ayos lang naman ako. Ano bang nangyari sakin?"

"Nawalan ka ng control habang nakikipaglaban ka kanina tapos nawalan ka ng malay."

Biglang nag flashback sa isip ko yung mga nangyari kanina. Oo nga pala nakalaban namin yung Hungry wolf knight. Bwisit na Megan yun. Pag nagkita kami gigilitiin ko yung leeg niya.

"Oo nga pala. Asan sila Pat?" Tanong ko.

"Umalis si Patty, nag lakad-lakad yata. Si Ace ay tulog. Si Luke naman ay nag paalam muna sandali dahil mag hahanap daw siya ng pagkain natin." Sabi niya.

I just nodded. Buti naman ay ligtas kaming lahat.

"Hi guys!" Napatingin kami sa itaas ng biglang may nag salita.

"Patty?!" Gulat naming sabi ni Kaizer.

Oo si Patty. Lumilipad siya sa ere habang kumakaway samin. Pano siya nakalilipad?!

"Ako nga. Gising ka na pala Fiera." Sabi niya pagka tungtong niya sa lupa.

"Yeah. Pano ka pala nakalipad?" Tanong ko.

"Oo nga. Diba healer lang ang powers mo?" Tanong naman ni Kaizer.

"May ipapakilala pala ako sa inyo." Nakangiting sabi niya.

"Sino?" Tanong ko.

"Si---" Pagtingin niya sa kanyang likod ay naudlot ang sasabihin niya. May kasama ba siya?

"Asan na yun? Kasama ko lang kanina yun eh." Sabi niya habang luminga-linga na parang may hinahanap.

"Sino ba kasi yun?" Tanong ko.

"Si Cyrus!" Sabi niya.

Biglang may lumitaw na lalaki sa harap namin. Mahaba ang tenga at pinapalibutan ng makikinang na magical dust.

Wait Is that a fairy?!

"Hi Patty! Sorry naiwan kita. May limit kasi ang pag stay ko dito sa mundo niyo then babalik agad ako sa Fairy land. Pero tawagin mo lang ang pangalan ko at darating agad ako." Sabi niya at kinindatan pa si Patty.

Ayt ehem.

"Cyrus, sila pala yung mga kaibigan ko. Sila Fiera, Kaizer, at Ace." Pagpapakilala niya samin.

"Hi dude." Sabi ni Kaizer.

"Hello!!!" ^____^ ako yan.

Si Ace naman ay tumango lang kay Cyrus.

"Hello sa inyo. Ako si Cyrus! Ang blue fairy At si Patty ang amo ko. Nice to meet you all!" Nakangiting sabi niya.

Am daw? Umalis lang siya pag balik niya may fairy na siyang kaibigan?

"Yow guys!" Napatingin kami kay Luke na kakarating lang at may dalawang mga prutas na nakalagay sa basket.

"Siya naman si Luke." Sabi ni Patty.

"Hi Luke! I'm Cyrus." Pagpapakilala niya.

"Sino yan?" Nagtatakang tanong ni Luke.

"Bingi ka ba? Si Cyrus nga diba? Isa siyang blue fairy." Sabi ni Patty.

"Ahh mas gwapo padin ako." Pag mamayabang ni Luke.

Natawa nalang kami sa sinabi niya. Ang hangin talaga ng lalaking to.

"So kilala niyo na si Cyrus guys. Kaibigan na din natin siya." Sabi ni Patty.

"Nagugutom na ako!" Sabi ko.

Promise kumukulo na yung tiyan ko. Pag-gising ko kasi ay parang isang linggo akong hindi kumain.

"Tamang tama kakakuha ko lang ng mga pagkain." Luke.

"Wag na! Ako ang bahala." Patty.

"Cyrus, bigyan mo naman kami ng masasarap na pagkain oh." Patty.

"Sure! Sagot ko na ang mga pagkain niyo." Cyrus.

May lumabas na light ball sa kamay niya at bumaba iyon sa lupa. Habang tumatagal ay nag liliwanag iyon hanggang sa mawala yung liwanag. Tumambad samin ang isang lamesa na punong puno ng pagkain.

Woah. Napanganga kami. Lalo tuloy akong nagutom.

"Thank you!" Patty.

"Bye na Patty, tinatawag na ako ng Fairy god mother. Just call my name if may kailangan ka pa." Sabi Cyrus at biglang nag laho.

"Kainan na!!!!!" ^______^ sigaw ko.

Nagkainan na nga kami. Si Ace naman ay bumaba na sa puno. Nakapalibot kami sa lamesa habang sarap na sarap sa pagkain.

Yung lamesa nga pala ay pang Japanese table, kaya naman nakaluhod kami. May mga grass naman kaya hindi masakit sa tuhod.

"Ang sarap naman ng mga to! Pero teka, saan mo nga pala nakilala yung cyrus na iyon?" Tanong ko kay Patty.

Kinwento nga niya samin kung pano niya iyon nakilala, simula ng maglakad lakad siya hanggang sa makita niya yun na isang elf at tinanong kung pwede ba siya nito maging amo at pumayag naman siya at ayun, nag transform na si Cyrus. Elf into blue fairy.

Ang galing nga eh! Hindi ko akalain na may ganun pala. Sana magkaron din ako ng fairy na kaibigan.

"Guys mukhang uulan." Biglang sabi ni Luke.

Napatingin kami sa kalangitan. Madilim at kumikidlat pa.

"Anong nangyayari? Nalalanta na yung mga puno." Sambit naman ni Kaizer.

Pagtingin namin sa mga punong nakapaligid samin ay nalalanta nga ang mga iyon. Nag lalaglagan ang mga dahon at natutuyo ang sanga.

"Tignan niyo." Sabi naman ni Ace at tinuro ang mga damo na natatapakan namin ngayon. Maging ang mga ito ay patay na.

"Sandali." Sambit ni Luke. Sinubukan niya muling buhayin ang mga puno at halaman pero walang epekto.

"Hindi maganda ang nangyayari." Sabi ni Patty.

Parang may itim na aura ang bumabalot ngayon dito. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari.

"Siguro akong may meaning ang mga nagaganap ngayon." Patty.

"Anong ibig sabihin nito?" Kaizer.

"Hindi niyo ba napapansin? Isa itong sign." Sambit naman ni Ace kaya napatingin kami sa kanya.


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote and comment! ;'>

The Fire Princess [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant