Chapter 13: Stuck with the Imps

14.2K 481 34
                                    

Chapter 13: Stuck with the imps

***

[ Fiera's POV ]



Grabe ano kayang trip ng mga imps na ito at naisipan pang bumalik?! Tinaboy na nga namin sila eh! Pag ako napuno sa kanila susunugin ko talaga sila! Bukod kasi sa sinasayang nila ang oras namin ay binibilad din nila ang maganda kong anyo sa araw!



"Ayaw talaga nilang mag patalo. Fiera at Patty mag tago nalang muna kayong dalawa jan hangga't hindi namin natatalo ang mga pangit na to." Sabi ni Luke samin.



Tumango naman kami sa kanya at tahimik lang na nag tago sa likod ng puno. Nakakainis! Dapat kumakain na kami ngayon eh! Badtrio talaga tong mga imps nato! Ginigigil nila ako!



"Mga tol, ano kaya kung subukan natin pag samahin ang mga elements natin? Siguradong magiging malakas ang epekto non na maaaring makatalo sa mga panget na to." Sabi ni Luke.



"Sang-ayon ako. Sige subukan natin." Sagot naman ni Ace.



Mukhang magandang ideya ang naisip nila. Pag ginawa nila yon ay maaaring malakas na kapangyarihan ang mabuo nila! At madali nalang nilang matatalo ang mga---



"RAAAAARW!" Sabay kaming napalingon ni Patty sa likod nang may marinig kaming parang alulong.



Nanlaki ang mga mata namin nang makita ang mga imp. Napa-atras kami at takot na takot na nakatingin sa mga pangit na imps. Ang lakas ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba.



"AAAAAAAAAAAH!!!!" Sabay naming sigaw ni Patty. Napatigil sa pakikipaglaban yung mga lalaki at napatingin samin.



"Shit!" Sabay na sigaw nila Kaizer nang makita kami at ang mga imps.



Nagyakapan kami ni Patty ng mahigpit habang sumisigaw parin sa takot. Napa pikit nalang ako dahil ayokong makita ang mga pag mumukha nilang panget na nakakadiring tignan.



I SWEAR, ANG PAPANGET NILA!



Mabilis na tumakbo si Kaizer papunta dito sa kinaroroonan namin. Nang makalapit na siya dito ay buong pwersa niyang hinawi ang mga imps gamit ang tubig na naka konekta sa kamay niya. Tumalsik sa malayo yung mga imps.



"Thanks you Kaizer." Sabi ko habang naka hawak sa puso ko. Sobra kaya akong natakot!



"Take care Fiera. Delikado ang mga imps." Sabi ni Kaizer bago bumalik sa pakikipaglaban sa mga imps.



"Ikaw lang talaga ang pinag ingat ah. Yieeee..." Sabi ni Patty at sinundot pa ang tagiliran ko. Aba nagawa pang mangasar sa ganitong sitwasyon! Ibang klase!



"Tumigil ka nga! Mabait lang talaga yun!" Sabi ko.



Aksidente akong napatingin kay Ace at nagulat ako nang mahuli ko siyang nakatingin sakin. Pero agad din siyang nag iwas ng tingin nang makita ko siya. Luh problema nun?



"Shit! Guys lalo silang dumadami!" Rinig naming sigaw ni Luke.



Pagtingin namin ay tinitignan ni Luke ay natanaw namin ang napakaraming imps na papunta dito sa kinaroroonan namin ngayon. What the heck hindi na sila nauubos?! Bakit yata sobrang dami nila?!



Kaya ba namin lahat yan?! Eto pa nga lang na komti hirap na hirap na kaming talunin eh! Yan pa kayang napaka rami?! Katapusan na talaga namin!



"Tumakbo nalang kaya tayo?" Natatakot ma sabi ko.



"Hindi pwede! Siguradong susundan lang din tayo ng mga yan." Sabi naman ni Luke.



"Gawin na natin mga tol, Pag samahin na natin ang mga elements natin." Dugtong ni Luke.



Tumango naman sila Ace at Kaizer bilang pag sang-ayon.



"Element of Water!"

"Element of Air!"

"Element of Earth!"



Lumabas sa kamay nila ang mga kapangyarihan nila at nag sama-sama. Sabay-sabay nila iyon ibinato sa mga imp. Malakas na pagsabog ang nagawa nun. Napapikit pa nga ako dahil sa liwanag na nakaka silaw.



Nung nawala na yung liwanag ay sabay-sabay na naglaho yung mga imp. Nakahinga kami ng maluwag. Talo na ba talaga sila? Baka may mga back up pang darating? Jusko ayoko na!



"Nagawa natin. Natalo natin sila." Sabi ni Luke.



"Medyo nakakapagod yun ah." Sabi ni Kaizer.



"It's just a piece of cake. Tss." Sabi ni Ace.



"Umalis na tayo dito. Baka may mga dumating nanaman." Sabi naman ni Patty.



"Mabuti pa nga." Sabi ko naman.



Nag umpisa na ulit kaming mag lakad paalis. Sana naman kumain muna kami! Gutom na gutom na kaya ako!




----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------




EDITED

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now