Chapter 38: Dark Plan

8.7K 296 3
                                    

Chapter 38: Dark Plan

**********

[ King Liardo's POV ]

Nakangiti ako habang umiinom ng wine sa aking trono. Alam ko na nakuha na nila si Fiera at nasa Dark Academy na siya ngayon. Bukas na bukas ay gagawin ko na ang ritual kay Fiera upang makuha ko na ang fire element na nasa katawan niya.

Wala akong paki-alam kung ikamatay niya iyon ang importante ay mabuhay ang aking anak.

Napatingin ako sa isang gintong ata-ul na nakapwesto sa tabi ng trono ko.

Konting panahon na lamang. Malapit ka nang bumalik anak.

[ Fiera's POV ]

"Ehem." Kumalas lang si Ace sa pagkakayap sa'kin ng kunwaring umubo si Macao. Andito pa nga pala sila.

Pero bakit nandito si Ace? Paano niya nalaman na nandito ako. Hindi ba niya naisip na delikado dito.

"Ace, ikaw lang ba mag-isa?" Tanong ko kay Ace.

"Oo." Sagot niya.

"Bakit ka pumunta ng mag-isa dito? Delikado kaya yun!" Sabi ko sa kanya.

"Dahil gusto kitang iligtas." Sambit niya.

Natigilan ako at lumakas ang tibok ng puso ko. Bakit ganun? May sakit na ba 'ko? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bigla akong sumaya nung sinabi ni Ace na gusto niya akong iligtas.

"H-hindi mo naman kailangan gawin iyon dahil kasama ko na sila." Sabay turo kina Macao.

"Sino ba sila?" Kunot noong tanong ni Ace.

Oo nga pala hindi niya pa kilala ang mga to.

"Naalala mo ba yung misyon na binigay sa'tin ng head master?" Tanong ko kay Ace at tumango naman ito.

"Sila yung mga pinapahanap sa'tin. Kinulong din ako kasama nila kaya gumawa kami ng plano para tumakas." Tumingin naman ako kina Macao.

"Guys siya pala si Ace, isa sa mga kasama ko sa misyon." Sabi ko.

"Ikinagagalak naming makilala ka." Sabi ni Jovlin.

"I'm Jovlin by the way."

"I'm Evergreen."

"Ako si Macao."

"Dergora nalang."

"Laxus." Pagpapakilala nila.

Pansin ko na parehas ng ugali si Laxus at Dergora dahil bihira lang sila mag salita.

"Mamaya na tayo mag kwentuhan, sa ngayon ay kailangan na nating umalis dito." Macao.

"Agree. Tara na nga." Evergreen at naunang naglakad. Sumunod naman kami sa kanya.

"Sa likod tayo dadaan para hindi nila makita." Sabi ni Evergreen habang naglalakad kami.

"Pero diba may barrier ang nakapalibot sa academy. Pano tayo makakalabas?" Tanong ko.

"Ako ang bahala." Sabi ni jovlin at kumindat pa.

Nakarating na kami sa likod ng academy. Walang tao dito kundi kami lang. Tahimik at nakaka kilabot.

"At saan niyo balak pumunta?" Nagulat kami ng may magsalita sa likod.

Pagtingin namin ay may isang lalaking matanda na nakasuot ng itim na mahabang damit.

"Head master, ang laki ng kasalanan mo sa'min." Galit na sambit ni Evergreen. Tinanggal niya yung salamin niya at tinitigan yung head master. Ngunit hindi ito naging bato. Napapikit siya at nanghina.

"Evergreen!" Nag aalala naman tinulungan ni Jovlin si Evergreen.

"Hindi ako tatablan ng mahina mong kapangyarihan Evergreen." Sabi ng Head Master na nakangisi.

"Pero eto kaya." Sabi ni Dergora at nagbato ng ice blades kay Head Master.

Ngumiti yung head master at hinarang ang kamay niya. Walang kahirap hirap nitong sinalo yung ice blades at dinurog gamit lang ang isang kamay. Napanganga ako.

Woah. Kakaiba ang matandang to ah. Mukhang mahihirapan kaming kalabanin siya.


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote and comment ;)

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now