Chapter 12: Imp

15.5K 505 21
                                    

Chapter 12: Imp

***

[ Fiera's POV ]



Almost 5 hours na kaming palakad-lakad dito sa kagubatan pero hanggang ngayon hindi parin namin makita ang daan palabas. Sumasakit na nga ang tuhod ko at idagdag mi pa ang sikat ng araw na sobrang sakit sa balat.



My gahd sana pala nag dala ako ng sunblock! Ayokong magkaron ng sunburn ang napaka puti at kinis kong balat no!



"Guys mahaba pa ang lalakarin natin palabas dito sa kagubatan. For now kailangan muna natin gumawa ng tent para may tutuluyan tayo mamayang gabi." Sabi ni Patty habang nakatingin sa hawak niyang mapa.



Kainis naman! Ganun ba talaga kalaki itong gubat para abutin pa kami ng bukas?! Kung alam ko lang ay sana nag dala ako ng maraming pagkain!



"Ang init naman. Sumilong muna kaya tayo." Sabi ko habang nag lalakad kami. Grabe naman talaga kasi yung init eh. Nakakapaso ng balat!



"Parepareho lang tayong naiinitan dito kaya wag kang mag inarte jan. Tss." Sabi ni Ace. Sumagot nanaman siya eh hindi naman siya ang kausap ko! Epal talaga lagi!



"Hindi ako nag iinarte! Malamang natural lang na mainitian ako! Tirik na tirik kaya yung araw. Duh."



"Kung makapag reklamo ka sa init parang hindi ka naman fire elementalist." Sabi niya.



"FYI lang ha, hindi porket hawak ko ang fire element ay wala na akong karapatan mainitan!"



"Edi sana hindi ka nalang sumama dito kung mag iinarte ka lang jan. Hindi ka na nga nakakatulong nag iingay ka pa. Tss."



"Sino ba kasing nag sabi na pakinggan mo ang kaingayan ko? At tama ka, sana talaga hindi nalang ako sumama para hindi umiinit ang ulo ko ngayon dahil sa isang supladong gaya mo!"



"Ginusto ko bang pakinggan ka? Eh kahit yata bumalik pa ako sa sinapupunan ng nanay ko maririnig ko parin yang kaingayan mo. At sana talaga hindi ka nalang sumama para wala kaming maarteng kasama."



Sinamaan ko siya ng tingin at napayukom ang kamao ko. Napaka epal at pakilamero talaga ng lalaking to! Hindi ko naman siya kausap bigla nalang sasagot!



Pumagitna si Patty samin.



"Tama na guys! Walang magagawa ang pag aaway nyo eh. Nag iingay lang kayo." Awat samin ni Patty.



Nag katinginan kami ni Ace at sabay umirap.



"Naiinitan ka? Here." Sabi ni Kaizer. Nag labas siya ng water at binalot niyon ang katawan ko. Pero hindi naman nakadikit sa balat ko kaya hindi ako nababasa.



Napangiti ako dahil sa ginawa niya. Nawala nga ang init! Ang fresh pa ng pakiramdam ko. Bigla din nawala ang init ng ulo ko dahil dun sa supladong si Ace.



"Thank you Kaizer." Sabi ko.



Feeling ko nag blush ako dahil uminit ang dalawa kong pisngi. Kaya naman agad akong yumuko para hindi makita ni Kaizer at ng mga kasama namin. Nakakahiya kasi pag nakita nilang namumula ako! Baka tuksuhin pa nila ako.



"Always welcome basta ikaw." Sabi ni Kaizer at kumindat pa.



"Guys sandali..." Huminto kami sa paglalakad nang patigilin kami ni Luke.



"May nararamdan akong kakaiba sa paligid. Parang may naka masid sa'tin." Sabi ni Luke habang pinapakiramdaman ang paligid.



Nakiramdam ako. Bakit wala naman akong ibang nararamdaman kundi ang malakas na hangin? Baka naman nag iilusyon lang itong si Luke.



"Nararamdaman ko din. Hindi lang tayo ang nandito." Sabi ni Patty.



"Mag handa kayo." Sabi ni Ace.



"AAAAAHHH!" Napasigaw ako ng bigla nalang may lumabas na mga halimaw sa loob ng mga makakapal na halaman.



"Mga Imp!" Sigaw ni Kaizer.



"Patty, Fiera. mag tago muna kayo!" Sabi ni Luke.



Tinapat niya ang kamay niya samin ni Patty. Mula sa gilid ng aming kinatatayuan ay tumubo ang malalaking ugat at pumalibot samin ni Patty. Hanggang sa balutin na kami nito. Wala kaming ibang makita dito sa loob kundi itim.



"Ayoko nang lumabas! Nakakatakot ang mga itsura nila! Ang papangit!" Sigaw ko.



"Wag ka mag alala, ilalabas din tayo dito ni Luke kapag natalo na nila ang mga imp." Dinig kong sabi ni Patty.



Nakakatakot ang mga itsura nila! Ang tutulis ng kuko nila sa kamay at paa at may pakpak sila na kamukha sa paniki.



Ang dami pa nila! Sana lang matalo agad sila nila Kaizer.



Biglang bumukas yung mga ugat na pinagtataguan namin kaya bumungad samin ang nakakasilaw na liwanag. Nakita naman namin sila na kinakalaban yung mga imp.



"Umalis kayo jan! Mag hanap kayo ng matataguan!" Sigaw ni Luke.



Tumakbo kami ni Patty at nagtago sa likod ng isang malaking puno sa kung saan hindi kami mapapansin ng mga imp.



Nakita naming nag hiwa-hiwalay sila Kaizer at pinalibutan yung mga imp.



"Water blades!" Bigkas ni Kaizer. Lumitaw ang dalawang blue magic circle sa mga kamay niya at sunod-sunod na nagpapabas ng water blades papunta sa mga imp.



Nagulat kami nang maiwasan nilang lahat yun! Sobrang bilis nilang kumilos! Maliksi at agresibo.



"Earth stones!" Bigkas ni Luke. Lumutang ang mga bato sa paligid at lumipad papunta sa mga imp.



Ngunit laking gulat namin nang maiwasan nanaman nila ang mga iyon. Grabe bakit ang gagaling nilang umiwas?! Pano nila nagagawa yun?!



"Air tornado!" Bigkas ni Ace. Nag appear ang isang white magic circle sa lupang nililipadan ng mga imp. Humangin ng malakas at sa isang iglap ay nabuo bigla ang isang malaking air tornado sa ibabaw ng white magic circle.



Hindi na iyon naiwasan ng mga imp dahil tuluyan na silang hinigop ng tornado at umikot ikot sa loob nito. Ikinumpas ni Ace ang kamay niya at kasabay nito ang paglipad ng air tornado sa langit.



Nakahinga kami ng maluwag nang tangayin na nun ang mga imp. Buti naman at natalo din sila! Akala ko wala na kaming pag-asang manalo sa kanila eh! Aba ang gagaling ba naman kasing umiwas!



Ngayon ko lang napagtanto na malakas din pala si Ace. Okay na din yun atleast kahit papano nagkaron siya ng silbi diba? Hindi yung alam niya lang ay bwisitin ako ng bwistin!



"Umalis na tay---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang sumigaw bigla si Patty.



"Bumalik sila!" Sigaw ni Patty.



Pagtingin namin sa itaas ay nanlaki ang mga mata namin nang makitang lumilipad yung mga imp pabalik dito.



Teka bakit parang dumami sila? Don't tell me nag tawag pa sila?!



Shit. Delikado to!




------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



EDITED

The Fire Princess [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu