Chapter 19: Fiera vs Megan

11.9K 390 17
                                    

Chapter 19: Fiera vs Megan

***

[ Fiera's POV ]



Nagulat nalang ako nang maging fist ang black confetti na ibinato niya sa direksyon ko. Balak ko na sanang umiwas ngunit masyado na akong nanghihina para makatakbo kaagad. Kaya nakatanggap ako ng isang malakas na suntok mula duon sa confetti na naging higanteng kamao.



Tumalsik ako at sumadsad ang aking likuran sa lupa. Bumangga pa ako sa isang puno na dumagdag pa sa sakit ng aking katawan. Napangiwi nalang ako at pinunasan ang dugo sa gilid ng aking labi.



Tinignan ko ng masama si Megan.



"Wag mo kong pilitin na gamitin ang kapangyarihan ko sayo! I swear hindi mo magugustuhan pag nangyari yun! So stop this nonsense fight and leave." Seryosong sabi ko.



"Yun nga ang gusto ko eh! Ang gamitin mo ang magic mo para may thrill naman! Hindi yung nagpapabugbog ka lang sakin! Tsk ang boring mong kalaban you know that? And sorry hindi kami pwedeng umalis. Napag utusan lang kami eh hahaha!" Sabi ni Megan saka humalakhak ng malakas.



Huminga ako ng malalim at pinilit kong tumayo kahit hinang-hina na ang katawan ko.



Hindi ang chakang babae na ito ang mag babagsak sakin. And I know lumalaban din silang lahat. Kaya ganun din ang dapat kong gawin.



"At nagagawa mo pa talagang tumayo ha! Tignan natin kung makatayo ka pa pag tapos kitang paulanan gamit ang aking mga makukulay na confettis!" Sigaw ni Megan and in just one snap ay may brown confetti na sa kanyang kamay.



Ngumiti muna siya ng mala demonyo bago niya pinakawalan ang confetti papunta sakin. Kailangan ko siyang maunahan bago pa mag transform ang confetti niya sa kung ano. I could burn that little confetti of hers.



Naglabas ako ng isang fire ball at binato papunta sa brown confetti niya. Napangisi naman ako nang tumama iyon sa confetti na dahilan ng pagiging abo nito. Nagulat siya sa ginawa ko.



"How dare you!" Galit na sigaw ni Megan.



"Simulan mo ng mangatog sa takot, Megan. Dahil ngayon pa lang ay nanganganib na ang buhay mo sa mga kamay ko pati na din yang mga useless mong confetti." Sabi ko at nagsmirk.



"What did you sadi? My confetti isn't useless! And I'll show you how it useful!" Sigaw niya at nag labas ng Violet Confetti sa kanyang kamay.



"Tignan nalang natin kung makagalaw ka pa oras na dumikit sayo ang mga ito!" Sabi niya bago pinalipad sakin yung Violet Confetti.



Sinubukan kong iwasan ang mga iyon ngunit sadyang napakarami ng bilang ito kaya hindi ko nagawang iwasan lahat. Sunod-sunod na dumikit sakin ang mga violet confetti. Namamhid ang buong katawan ko hanggang sa hindi ko na it maigalaw.



Why I can't move?! Anong klaseng confetti ba ito?!



"Anong ginawa mo sakin?! Bakit hindi ko magawang igalaw ang katawan ko?!" Sigaw ko sa kanya.



"Dahil iyan ay ang aking Paralyse Confetti! Oras na dumikit sa katawan mo ang mga confetti na iyan ay hindi ka na makakaglaw pang muli!" Sigaw niya saka malademonyong tumawa.



Hindi ako pwedeng mastuck sa pesteng confetti na ito! Kailangan ko itong tanggalin agad! At mas lalong kailangan ko nang tapusin ang babaeng to ng matigil na siya sa kahibangan niya!



Alam ko na!



Pumikit ako at nag concentrate. Inipon ko ang init sa loob ng aking katawan saka ko ito dahan-dahan na inilabas. Uminit ang balat ko na kasing init ng baga na kapag hinawakan mo ay malalapnos ka.



Napangisi ako nang makita kung paano sabay-sabay na naging abo ang mga Violet Confetti niya na nakadikit sa aking katawan. Dahilan para mapahinto siya sa malademonyo niyang pagtawa.



"Anong ginawa mo?! Hindi ito maaari! Wala pang nilalang ang nakakaligtas sa violet confetti ko!" Galit niyang sigaw.



"Really?  Oh well, masyasong mahina ang mga papel mong ito para sa isang katulad ko. Just to inform you Megan. Hindi ikaw at ang mga walang kwenta mong confetti ang mag babagsak sakin." Sabi ko at ngumiti ng nakakaloko.



Okay it's showtime. Hindi ko na hahayaan pang mahawakan ako ng mga nakakadiri niyang confetti.



"Sigurado ka? Pwes ngayon pa lang umaasa ka na sa wala! Dahil hindi ako aalis sa kagubatang ito hangga't hindi ko nakikitil ang buhay mo!" Sigaw niya. Galit na galit na siya. Paiyak na nga eh.



Naglabas ulit siya ng confetti at pinalipad papunta sa direksyon ko. Ngumisi ako. Kinumpas ko ang kamay ko at may apoy na lumabas mula dito. Hindi pa man nakakalapit sakin ang mga confetti niya ay naging abo na ito.



I smirked.



"Yun lang ba ang kaya mo? Tsk what loser." Pang-iinis ko sa kanya.



"Gusto mo pa ng iba? Sige, itry naman natin ang katulad sa magic mo!" Ngumisi muna siya bago naglabas muli ng panibagong confetti. This time ay kulay red naman. Pinalipad niya ito sa direksyon ko.



Nagulat ako ng maging apoy ang mga confetti. Mabilis akong pinalibutan ng apoy.



Wait. Fire? My magic is fire element! May pagkatanga din pala ang babaeng to eh. Kanina pa kami nag lalaban tapos hindi manlang niya napansin yun?



"Hindi mo ba alam na isa akong fire elemenyalist? Useless ang fire confetti mo n ito!" Sigaw ko sa kanya at ngumiti ng nakakaloko.



Ngumisi naman siya. "Iyan ang akala mo! Ibang klase ang fire confetti ko! Kaya kahit sino ay tatablan nito! Maging ang isang fire elmentalist!"



"Really? Well let s--- AAAAAAH!" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang sobrang init na enerhiya. As in sobrang init! Parang piniprito ako! Pakiramdam ko malalapnos na ang balat ko!



"AAAAAAH!" Sigaw ko.



Shit I'm a fire elementalist! Paanong tinatablan ako ng apoy? Tama siya. Kakaibang apoy nga to--- AAAAAAH! sobrang nakakapaso talaga ang apoy na'to! Hindi ko alam kung kakayanin ko ito.



Napa-upo nalang ako ng maglaho na yung kakaibang apoy. Tumayo ako at tinignan siya ng masama. This girl is insane! Hindi ko akalaing magagamit niya ang sarili kong kapangyarihan sakin!



Humanda ka!




-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



EDITED

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now