Chapter 41: Welcome Back

9.5K 316 7
                                    

Chapter 41: Welcome Back

*********

Pag gising ko ay bumungad sa'kin ang puting kwarto. Ramdam ko din na nakahiga ako sa kama. Nakita kong papalapit sa'kin si Patty na nakangiti.

Wait bakit andito si Patty? Asan ba ako? Ang huling natatandaan ko ay ang nasa dark academy kami.

"Thanks god you're awake. Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong nito paglapit niya sakin.

I smiled back. "I'm fine na. Medyo masakit nalang ang katawan ko."

Alam ko naman na dahil masakit ang katawan ko kasi nag laban kami ng head master ng dark academy. Speaking of... Paano ko nga pala nagawang itim ang apoy ko? Isa iyong dark fire.

"Buti naman. Konting pahinga nalang then makakalabas ka na dito sa heal wing."

"Anyway welcome back!" Tuwang tuwa na sabi ni Patty.

Welcome back? Ibig sabihin ba nito ay nasa Mystinious Academy na ulit ako?! Waaaaah I'm so happy T.T

"Thank you ^____^" nakangiting sabi ko.

Kaya naman pala pamilyar sakin ang room na 'to.

"Asan pala sina Ace?" Tanong ko.

"Lahat sila ay nasa head master's office. Kasama sina Evergreen." Sabi nito.

Wow kilala na niya sina Evergreen?

"Buti naman at kilala mo na sila." Nakangiting sabi ko.

"Oo. Nagpakilala sila sa'min. Anyway may reward ka pala sa head master dahil natagpuan at nailigtas mo sila." Sabi niya.

Nagulat ako. M-may reward ako? Ohwemji ano kaya iyon?! Pero bakit ako lang? Dapat sila Patty din.

"Bakit ako lang ang may reward? Dapat tayong lahat diba?"

"Actually meron din naman kami. Pero mas maganda yung reward mo." Sagot niya.

Tumango-tango nalang ako. Ano kaya yung reward ko? Yieee I'm so excited na malaman iyon *0*

Kinabukasan ay nakalabas na ako ng clinic dahil daw maayos na ang lagay ng katawan ko. Natutuwa naman ako dahil pwede na ulit akong makapasok sa klase ^_____^

"Antagal din nating hindi nakapasok sa klase noh? Haha." Natatawang sabi ni Patty sakin.

Naglalakad na nga pala kami dito sa hall dahil papunta kami sa first subject namin.

"Oo nga eh."

Nakita ko na makakasalubong namin sina Ace, Luke at Kaizer. Bigla akong na conscious sa suot ko.

"Good morning girls." Bati sa'min ni Luke nang makita niya kami.

Napatingin din tuloy sa'min sina Ace at Kaizer.

"Nakita na kita kaya wala ng good sa morning ko." Pag susungit ni Patty kay Luke.

"Grabe ka naman Patty my labs." Luke.

Lumapit naman sakin si Kaizer at nagulat ako ng hawakan niya ang dalawang kamay ko.

"Kamusta ka na? Ayos ka na ba? Pinag-alala mo 'ko ng sobra." Sabi nito.

Napalunok ako. Ewan ko pero nang napatingin ako kay Ace ay parang nasaktan ako. Walang expression na makikita sa mukha niya.

"D-don't worry ayos na 'ko." Sabi ko at pinilit na ngumiti.

Bakit parang wala ng epekto sa'kin si Kaizer? Hindi kaya hindi ko na siya crush? Maybe ganun na nga.

"Una na kami ni Patty, baka ma-late kami eh." Pagpapaalam ko at hinila na nga si Patty.

"Sandali lang Fiera, bakit ka ba nag mamadali? Maaga pa kaya."

"Maaga pa ba? Sorry naman. Baka kasi malate tayo."

"Sus naiilang ka lang siguro kay Ace."

Natigilan ako. Anong pinagsasabi ng babaeng to. Bakit naman ako maiilang kay Ace? Duh.

"At bakit naman ako maiilang sa kanya Aber?" Tanong ko kay Patty with matching naka pamewang pa.

"Kasi nga mahal mo siya yieee!" Sinundot sundot pa niya ang tagiliran ko.

"Ano ba! Halika na nga at baka malate pa tayo. Kung ano ano pang sinasabi mo jan eh." Sabi ko at iniwas at tumalikod. Feeling ko kasi ay nag bablush ako.

Oo na. Aaminin ko ay inlove nga ako kay Ace. Pero mga 50% pa lang. Nangyari lang naman iyon nung sinundan niya ako sa dark academy para iligtas. Kinilig kaya ako dun, lalo na nung niyakap niya 'ko >/////////<

Pag pasok namin sa classroom ay as usual ay may sari-sariling mundo nanaman ang mga classmates namin. Dumiretso nalang kami ni Patty sa upuan namin na nasa likod.

Sakto pag upo namin ay dumating na yung teacher namin.


[ King Liardo's POV ]


"Mga wala kayong silbi!" Sigaw ko at sunod sunod na pinagbabato sila ng dark ball.

"Hinayaan niyong makatakas ang Fiera na iyon! Sinira niyo ang mga plano ko!" Halos mapatay ko na lahat ng mga kawal ko dito sa binalita nila na nakatakas si Fiera pati ang mga bihag namin na sina Evergreen.

"Paumanhin mahal na hari." Sabi ng isa kong kawal pero binato ko lang siya ng dark ball dahilan para ikamatay niya.

Winasak ng babaeng iyon ang buong dark academy! At pinatay pa niya ang kapatid ko.

Mag babayad siya. Mag babayad silang lahat!!!

-----------------------------------------------------------
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi ko kayo matiis kaya nag update na'ko haha.

Vote and comment po.

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now