Chapter 20: Super Speed

12.5K 361 7
                                    

Chapter 20: Super Speed

***

[ Kaizer's POV ]



Nagkahiwalay kaming lima nang mag mistulang maze itong kagubatan. Napapaligiran kami ngayon ng mga nagtataasang pader na bigla nalang tumubo kanina.



Ngayon hindi ko alam kung paano at saan ko sila hahanapin! Malaki itong kagubatan kaya malaki ang chance na maligaw lang ako. Kagagawan ito ng Hungry Wolf Knight eh. Sino kaya ang mga yun? At anong binabalak nila samin?



"Hey dude!" Napatingin ako ng makita yung lalaking may hawak na wine bottle na biglang sumulpot sa harapan ko.



"I'm Zen by the way." Dugtong pa nito.



"Wala akong pake alam sayo. Anong kailangan niyo samin?" Sabi ko sa kanya.



"Chill dude! Gusto lang naman namin makipaglaro sa inyo! Saka napag utusan lang namab kami kaya wag ka sakin magalit! Trabaho lang walang personalan!" Sabi pa nito at humalakhak.



Tuwang tuwa ang mokong. Kung suntukin ko kaya mukha nito? Tignan natin kung makatawa pa siya ng ganyan. Tsk.



"Sino nag utos sa inyo?"



"Secret walang clue!"



Sinamaan ko siya ng tingin.



"Sabihin mo kung ayaw mong mang hiram ng mukha sa aso."



"Chill ka lang dude! Malalaman mo din mamaya kung sino... Yun ay kung buhay ka pa mamaya..." Sabi nito at ngumiti ng mala demonyo.



"Nag jojoke ka ba? Para ka lang isang maliit na kuting na makikipag laban sa isang leon. Kaya wag ka ng umasa na kakayanin mo ko." Sabi ko at ngumiti ng mala demonyo.



"Talaga? Hahaha! Imposible. Hindi mo kilala kung sino ang kinakalaban mo!" Sabi niya.



"Ikaw si Zen diba?" Sabi ko at nag smirk.



"Aba pinipilosopo mo ba ako? Humanda ka!" Sabi niya.



Nilapag niya yung wine bottle sa sahig at pumwesto na.



"Prepare yourself dude.. Mas mabilis pa ako sa alas kwatro." Sabi nito.



"Really? Then prove it." Nakangising sabi ko.



Sa isang iglap ay nawala siya sa paningin ko. Asan na yun?



Titingin pa lang sana ako sa likod ko kaya lang ay isang malakas na suntok ang natamo ko galing kay Zen.



Tumalsik ako pero hindi ako nagpatinag pabagsak akong tumayo sa lupa.



Gumawa ako ng maraming water spear at agad binato sa direksyon niya.



Nagulat ako ng maiwasan niya yun agad. Shit sobrang bilis ng bawat kilos niya! Ngayon alam ko na ang ability niya. Super speed.



Tumama yung mga water spear na ginawa ko sa isang puno kaya naman malakas na pagsabog ang nagawa nun.



"Waterba---" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang sa isang iglap ay nasa harap ko na siya at isang flying kick ang natanggap ko.



Ugh fuck! Tumalsik nanaman ako at bumangga sa isang puno. Pinunasan ko ang gilid ng labi ko na may dugo.



"Hahahaha! Napaka bagal mo! Mukhang mag eenjoy akong paglaruan ka." Nakangising sabi ni Zen.



Tumayo ako at gumawa ng maraming waterball.



"Tapusin na natin to!" Sabi ko at mabilis na binato sa kanya yung mga water ball na ginawa ko.



Gaya kanina ay mabilis lang niya itong naiwasan. Puta ang bilis ng bawat galaw niya! Ni hindi na nga siya masundan ng mata ko eh.



Sa isang iglap ay nasa harap ko na siya pero bago niya pa ako masuntok ay agad akong naka-iwas.



Mabilis kong binalutan ng tubig ang kamao ko at mabilis na sinuntok ang yung mukha niya.



Hindi niya yun naiwasan kaya naman tumalsik siya sa isang puno. Sa sobrang lakas ng ng impact niya ay nabali pa yung puno.



I smirked. "Mag sisimula na ang tunay na laban."




----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



EDITED (hindi masyado 😂)

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now