Chapter 39: H.M of dark Academy

8.8K 311 54
                                    

Chapter 39: H.M of Dark Academy

**********

"Kahit pag samahin niyo pa ang mga kapangyarihan niyo ay hindi niyo ko matatalo." Sabi nito.

"Mag ingat kayo sa bawat atake niyo. Malakas ang head master na ito dahil kapatid iyan ng dark king." Bulong ni Laxus sa'min.

Natigilan ako. Kapatid ito ng dark king? Kaya pala kapag tinitignan ko siya ay nangingibaw ang dark aura niya.

"Humiwalay kayo sa'kin. Ako ang aatake sa taong iyan." Sabi ni Laxus samin.

Humiwalay nga kami sa kanya. Tumabi muna kami sa isang gilid. Nagtititigan ang head master at si Laxus.

I wonder kung anong kapangyarihan ni Laxus. Pero kung titignan mo siya ay mukhang malakas ang kapangyarihan niya.

"Lightning Attack!" Bigkas ni Laxus. Biglang may lumabas na yellow lightning sa kamay ni Laxus at tatama iyon sa head master.

Bahagyang umilag lang ang head master upang iwasan ang atake ni Laxus.

Gumawa naman si Laxus ng malaking lightning ball at ibinato sa Head master. Tinapat naman ng head master ang kamay niya sa lightning na papunta sa kanya then may biglang dark energy ang lumabas sa kamay niya at walang kahirap hirap na nilamon nyon ang lightning ball ni Laxus. Lahat kami ay nagulat sa ginawa niya.

Paano niya iyon nagawa?! Kung titignan mo kasi yung lightning ni Laxus ay malakas at nakakatakot, kaya nakakapag taka nang isang dark energy lang ang tumalo dito.

"Mahirap talagang talunin ang isang nilalang kapag gumagamit ng dark magic." Seryosong sabi ni Dergora na nakafocus lang ang tingin kina Laxus.

He's right. Kahit sino ay mahihirapan lumaban kapag ang kalaban ay dark magic user.

[ Third Person's POV ]

"Yun na ba iyon? Nakakatawa ka." Sabi ng head master kay Laxus at dahan dahang ngumiti.

Nag-igting ang bagang ni Laxus at kumuyom ang kamao nito Galit na ito malamang.

"Papakitaan kita kung paano talaga lumaban." Sambit ng head master.

Pinag pantay niya ang mga kamay niya at pumikit. Maya maya ay may unti unting nabubuong dark energy sa mga kamay nito. Kasabay ng pag bitaw niya sa dark energy ay ang pagsugod nito sa direksyon ni Laxus.

"Lighting wall!" Sabi ni Laxus at tinipon tipon ang kanyang lightning energy para makabuo ng isang lightning wall na poprotekta sa kanya.

Nang tumama ang dark energy sa lightning wall ni Laxus ay isang malakas na pagsabog ang naganap sa lugar. Nagtalsikan din sila. Binalot din ng makapal na usok ang buong lugar dahil sa nangyaring pag sabog.

Ginamit naman ni Ace ang kanyang hangin upang mapawala ang makapal na usok na bumabalot sa lugar.

"Fiera!" Agad agad nilapitan ni Ace si Fiera nang makita itong nakahiga sa puno at walang malay.

"Fiera wake up!" Nag-aalalang sabi nito.

Nang hina din sila dahil sa malakas na enerhiya ng dark magic na tumama sa kanila.

Matalim na tinignan ni Ace ang head master na prenteng nakatayo.

"Sinaktan mo ang babaeng mahal ko. Mag babayad ka." Seryoso at galit nitong sambit.

Lumakas ang hangin sa lugar at isang malakas na pwersa ng hangin ang nabuo palibot kay Ace.

Lumipad si Ace patungo sa direksyon ng head master. Hinigop naman ng kamao ni Ace yung malakas na pwersa ng hangin na kaninang nakapalibot sa kaniya.

"Mag babayad ka!" Sigaw ni Ace at buong pwersa niyang sinuntok ang head masters ngunit nasalo ng head master ang kamao nito sa pamamagitan lang ng isang kamay.

Nanlaki ang mga mata ni Ace sa gulat. Hindi niya inaasahan na masasalag nito ang kanyang atake na madalian.

Sinakal ng head master si Ace at inangat.

"Mahina ka pa bata." Sambit nito at walang awang binalibag si Ace sa isang pader.

"ACE!" Sigaw ni Fiera nang makita niya kung pano humampas si Ace sa pader.

"Bakit mo yun ginawa?!" Galit na sigaw ni Fiera sa head master.

"Wala kang karapatan saktan ang lalaking mahal ko." Biglang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ni Fiera.

Tumayo si Fiera at matalim na titig ang binigay sa head master. Matinding galit ang nararamdaman niya sa mga oras na ito.

Napapikit si Fiera at sa isang iglap ay binalot ito ng nagliliyab na apoy. Hindi nanaman nito na control ang kanyang kapangyarihan.


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote and comment po tayo ^_^

The Fire Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon