Chapter 26: It Happens Again

10.2K 350 10
                                    

Chapter 26: It happens again

[ Fiera Kim Cress Point of View ]

"Bakit kasi hindi ka nalang sumuko para hindi ka na masaktan pa!" Sigaw ni Megan sakin.

Puro sugat ako at masakit na ang katawan ko. Pero hindi ako pwedeng sumuko.

"In your dream bitch!" Sigaw ko sa kanya.

Gumawa naman ako ng maraming fireballs at binato sa kanya.

"Gray confetti!" Sigaw niya.

Naglabas siya ng gray confetti at naging shield. Kaya naman hindi siya natamaan ng apoy ko.

"Mabuti pa ay tapusin na natin to dahil wala kang kwentang kalaban!" Sigaw niya.

Naglabas siya ng green confetti at pinalipad iyon sakin. Biglang naging kulay green na usok ang confetti na iyon.

"That's a poison! Bwahahaha!" Sigaw niya.

Napahahawak ako sa dibdib ko dahil hindi ako makahinga shit feeling ko ay unti-unti akong nalalason.

"Wala talaga kayong kwenta! Lalo ka na Fiera! Sana ay hindi ka nalang nabuhay dito sa mundo. Ikaw pa man din ang may hawak ng fire element."

"Sana ay namatay ka nalang! Wahahaha!" Sabi nito.

Hindi ako makapag salita dahil sa green na usok na nakapalibot sakin. Help me guys! Asan na ba kayo?!

"Huhulaan ko. Siguro ay parehas kayo ng mga kaibigan mong bobo at manang hahaha! At syempre ang magulang mo na kagaya mong mahina! Tatanga tanga at walang laban! Wahahahahaha!"

Nagpantig ang dalawang tenga ko sa sinabi niya. Wag na wag niyang iinsultuhin ang mga kaibigan ko! Lalo na ang magulang ko! Mag babayad siya.

Naramdaman ko na uminit ang katawan ko. Sobrang init. Siguro ay dala ito ng galit na nararamdaman ko ngayon.

Bigla nalang nag apoy ang buong katawan ko. Sa isang kumpas lang ng kamay ko ay nawala ang mga poison.

Hindi ko alam kung pano ko iyon nagawa pero isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Kundi galit!

"P-paano mo iyon nagawa?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Megan.

"Mag babayad ka sa lahat ng mga sinabi mo!!!!!" Sigaw ko sa kanya.

[ Ace Smith Point of View ]

"Mag babayad ka sa lahat ng mga sinabi mo!!!!!"

Nagkatinginan kaming apat nang marinig ang pamilyar na sigaw.

"SI FIERA!" Sabay-sabay naming sabi.

Tumakbo kami sa pinanggalingan ng sigaw. Naabutan nalang namin si Fiera na nababalot ng apoy at sakal-sakal niya yung babae sa leeg. Parang galit na galit ito.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Kaizer.

"I think nawalan nanaman siya control. It happens again..." Sabi ni Patty kaya naman napatingin kami sa kanya.

"What do you mean?" Tanong Luke.

"Nung nag practice kasi kami sa Mystinious academy ay nawalan siya ng control dahil nagalit siya. Kaya ayan, nag over load yata ang kapangyarihan niya." Sambit ni Patty.

Gets ko na. Kapag nagagalit si Fiera ay lumalakas ang kapangyarihan niya.

"Kailangan natin siyang awatin bago pa niya mapatay yung babaeng iyon!" Sabi naman ni Luke.

*BOOOGSH*

Napatingin kami ng biglang binalibag ni Fiera yung babae sa puno.

"Anong gagawin natin?!" Tanong ni Kaizer.

"Wala tayong gagawin kundi ang hintayin na kumalma siya." Sagot naman ni Patty.

"Kailan pa?!" - Kaizer.

"Aba ewan ko!" - Patty.

*BOOOGSH*

Napatingin ulit kami sa direksyon nila Fiera. Napanganga kami ng bigla niyang ibato sa malayo yung babae. Bumunggo bunggo pa iyon sa mga puno.

Nawala na yung apoy na bumabalot kay Fiera. Bigla nalang itong nawalan ng malay.

Ginamit ko naman ang hangin ko para hindi siya tumumba sa lupa.

"Shit. Tulungan natin siya!" Sabi ni Patty at tumakbo sa direksyon ni Fiera.


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Yow! Vote and comment po!

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now