EPILOGUE

13.2K 340 36
                                    

[ Ace's POV ]

Napasubsub kami nang biglang mawala ang Dark giant ball kung saan kami kinulong ng dark prince kanina. Nararamdaman ko din na nanumbalik na ang lakas ko.

Nakita namin si Fiera na napaluhod at halatang hinang hina na. Agad kaming tumayo. Tatakbo na sana kami palapit sa kanya nang bigla nalang itong nangitim at unti unting naging usok na mabilis na naglalaho. May mga ilang abo din ang nalalaglag mula kay Fiera.

"FIERA!" Nanlaki ang mga mata namin kasabay ng pagsigaw namin sa pangalan niya.

Anong nangyayari?! Sinakprisyo niya ang buhay niya para lang iligtas kami?! Hindi pwede to.

Bago pa tuluyang maglaho si Fiera ay may isang salita siyang sinabi.

"Paalam." Sabi niya at nakita pa namin ang kanyang ngiti.

Ang huli niyang pag ngiti.

"Fiera..." Nabulong ko sa aking sarili.

Napaluhod nalang ako at pakiramdam ko ay nawalan na ako ng lakas. Hindi pwedeng mawala si Fiera. Hindi pwedeng mawala ang babaeng mahal ko. Hindi pwede...

"Wala na siya." Wala sa sariling sabi ni Patty.

"She saved us." Sambit naman ni Luke.

Napayuko lang si Kaizer. Halatang sobrang nasaktan din siya sa naging pagkawala ni Fiera samin.

"Fiera..." Lumapit ako sa kinaroroonan ni Fiera kanina ngunit wala na nga talaga siya. Tanging mga itim na abo nalang ang natira.

Napapikit ako ng mariin. Wala akong nagawa! Hindi ko manlang siya nailigtas! Wala akong kwenta. Sana ako nalang ang namatay.

"Kailangan na nating umalis dito." Sabi ni Patty.

Lumingon ako sa kanila. "Mauna na kayo."

"Ace delikado dito!" Sigaw ni Patty sakin.

"Tama siya. Baka may natitira pang kalaban." Sabi naman ni Luke.

"Wala na akong pake alam. Basta iwan niyo na ako."

Napabuntong hininga nalang sila at tuluyan nang nilisan ang castle. Alam nila na hindi nila ako mapipilit.

"Fiera, bumalik ka na..." Sabi ko.

Alam ko na wala nang babalik. Ginagawa ko lang tanga ang sarili ko. Iniwan niya na ba talaga kami?

Tumayo na ako at pinagpag ang damit ko. Sa huling pagkakataon na saaabihin ko ito.

"Paalam Fiera." Sabi ko bago ako umalis ng castle.

[ Third Person's POV ]

Saktong pagka alis ni Ace ay biglang may nabuong magic circle sa kinatatayuan kanina ng dark prince. Nag liwanag iyon na kulay apoy. Ilang segundo pa ay lumabas ang enerhiyang kulay pula duon.

Lumipad ang pulang enerhiya kung nasaan si Fiera kanina. dahan dahang nabuo ang usok. Sumapi na ang itim na enerhiya sa nilalang na binubuo ng usok.

Nagliwanag ang nilalang at walang malay na bumagsak sa lupa. Nabuhay siyang muli sa pagkat nag balik na ang element of fire na nawalay sa kanya nuon. Ang element nila ay nag sisilbing ikalawa nilang buhay.

[ Fiera's POV ]

Use unti kong minulat ang mga mata ko. Tahimik. A-anong nangyari? Tapos na ba ang labanan?

Tumayo na ako at pinagmasdan ang kabuuan ng paligid. Wala na. Bagsak na ang dark kingdom.

Nagtagumpay kami! Siguradong nag didiwang na ngayon ang mga nasa Mystinious Academy!

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now