Chapter 15: Truth or Dare

13.8K 483 29
                                    

Chapter 15: Truth or Dare

***

[ Fiera's POV ]



Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Cassiopeia. Dark Prince? Narinig ko na ang tungkol dun nuon pero hindi ko inakalang totoo pala ito. Pero sino ba yung Cassiopeia na yun at bakit alam niya na mabubuhay yung dark prince?



"Oh Fiera, saan ka ba nanggaling?" Tanong sakin ni Patty pagbalik ko sa tent namin.



"Naglakad lakad lang. Na bored kasi ako kanina eh." Sambit ko.



"Ano naman ang nangyari at parang kinakabahan ka?"



Ano ikukwento ko ba sa kanya? Wala namang mawawala kung sasabihin ko diba? Besides baka may nalalaman siya tungkol dun kay Cassiopeia.



"May babaeng bigla nalang nagpakita sakin kanina. Ang sabi niya malapit na daw ulit mag balik ang Dark Prince." Sabi ko.



Natulala siya at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. May sinabi ba akong hindi maganda?



"T-totoo ba yan? Sino nag sabi sayo?" Tanong niya at bahagya pang lumapit sakin na parang interisado siya sa bawat isasagot ko.



"Cassiopeia daw ang pangalan niya." Sabi ko.



Napahawak siya sa chin niya na parang may iniisip. "Unfamiliar name. Ngayon ko lang narinig ang ganyang pangalan."



"May iba pa ba siyang sinabi sayo?" Dugtong pa niya.



Umiling ako. "Wala na."



"Good. Wag mo munang ipagsabi sa iba ang nalaman mo." Sabi niya.



"Hi girls!" Napatingin kami sa tatlong boys na may dalang mga isda.



Wow! Sa wakas at makakain na din kami! Sa lahat ng ginawa nila ngayong lang ako natuwa!



"Lutuin na natin yan nang makakain na tayo." Sabi ni Patty.



After 20 minutes ay tapos na kaming mag luto lahat. Ang creepy lang ng isda ko dahil kulay itim! Hindi naman ako marunong mag luto kaya ayun, sunog! Pero dahil sayang ay kinain ko parin.



"Truth or dare tayo guys!" Biglang sabi ni Luke habang kumakain kami. Anong trip niya at bigla bigla nalang mag yayaya ng truth or dare?



Kasalukuyan kaming nakapalibot ngayon sa bonfire para kahit papano ay mainitan kami. Madilim na ngayon dito sa kagubatan. Sobrang tahimik. Itong bonfire lang ang nag sisilbing ilaw namin.



"Sige!" Pag sang-ayon naman ni Patty.



"Game!" Sabi naman ni Kaizer. Si Ace ay bahagyang tumango lang.



"Ikaw Fiera game ka?" Tanong ni Patty.



"Sige na nga." Napipilitan kong sagot.



Pumayag na silang lahat eh! Baka masabihan pa ako ng KJ kapag hindi ako sumali. Actually inaantok na nga ako eh. Oras na ng pahinga ko! Dapat ganitong oras ay natutulog na ako at nag bubeauty rest! Hindi naglalaro ng truth or dare!



"Game. Sino ang mauuna?" Tanong ni Luke.



"Ako muna!" Sagot ni Patty at nag-taas ng kamay.



"Sige. Truth or Dare?" Tanong ni Luke kay Patty.



"Truth syempre! Wala akong tiwala sa mga ide-dare mo eh." Mataray na sagot ni Patty.



Natawa kami Except kay Ace na tahimik lang.



"Sige... Uhmm..." Sandaling nag-isip si Luke.



"Crush mo ba ako?" Nakangising tanong ni Luke.



"Hindi!" Sagot naman ni Patty.



Nawala yung ngiti ni Luke at biglang sumimangot. Halatang hindi iyon ang inaasahan niyang isasagot ni Patty.



Pfft... Pilingero kasi buti nga!



"Ouch hahaha!" Tawa ni Kaizer.



"Wag kasing nag aassume!" Sabi ko naman.



"Ano? Akala mo siguro ay 'Oo' ang isasagot ko noh? Asa ka!" Sabi pa ni Patty



"Sus. Alam ko naman na nag papakipot ka lang. Hinihintay mo lang na mag tapat ako at ligawan muna kita. At dun ka aamin mahal mo din pala ako." Sabi ni Luke at kinindatan pa si Patty.



Pffft talagang pinag pipilitan niya na gusto siya ni Patty? Hahaha!



"Tse! Next na nga!" Sabi ni Patty at nag cross arms.



"Hahaha! Sino nang next?" Tanong ni Luke.



"Ako." Sabi ni Kaizer.



"Ok. Truth or dare?"



"Dare."



Ngumisi si Luke. "Hawakan mo ang kamay ni Fiera."



WTF?! Feeling ko nag blushed ako sa dare ni Luke. Bwiset na lalaking to. Nakahanap ng mapagtitripan eh! Ipaalala niyo nga sakin mamaya na suntukin ang panget na mukha ni Luke ah?!



"Pag hindi mo ginawa ay mag sesexy dance ka hahahaha!" Dagdag pa ni Luke.



"Tangina mo Luke." Inis na sabi ni Kaizer.



"Ano gagawin mo ba?"



"Oo na!" Sagot ni Kaizer.



Nagulat na lang ako ng bigla niyang hawakan ang dalawang kamay ko.



"Yoooown!" - Luke.



"Yieeeeee!" - Patty.



Napayuko ako at naramdaman ko ang pag init ng aking pisngi. Shet sana hindi niya mapansin ang pamumula ng mukha ko! Nakakahiya!



Umabot na yata ng 3 minutes ay hindi parin niya binibitawan ang dalawang kamay ko. Putek bakit ayaw niyang bitawan?! Hindi ba niya alam na malapit na akong mamatay dito dahil sa sobrang kilig?!




---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



EDITED

The Fire Princess [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang