Chapter 22: Gold Mimicry

10.3K 313 7
                                    

Chapter 22: Gold Mimicry

***

( Luke's POV )




"Earth Shower!" Bigkas ko. Lumutang ang mga bato sa lupa at nag form na parang mga daggers. Ikinumpas ko ang kamay ko kasabay ng pag bagsak ng mga ito sa kalaban ko.




Ngunit nagulat ako ng biglang mag form into gold shield yung braso niya kaya nasalag niya lahat ng atake ko. Hindi na ako magugulat sapagkat isa siyang gold mimicry. Kaya niyang maging isang gold at ibahin ang shape ng katawan niya.



"Yun lang ba ang atakeng kaya mo? Tssk napaka hina mo naman pala!" Mapang asar nitong sabi at ngumisi.




Aba't ang kapal ng mukha! Ako mahina? Eh di hamak na mas malakas at mas gwapo pa ako sa kanya eh! Tignan mo mukha siyang joke! Matatawa ka nalang pag pinagmasdan mo yung panget niyang mukha eh.

"Mahinang atake lang iyon para sa isang mahinang nilalang na kagaya mo. Baka kasi hindi mo kayanin kapag nag seryoso ako." Sabi ko at ngumisi din.




"Sinasabi mo bang mahina ako?!" Sigaw niya.




"Hindi naman. Sinasabi ko lang na mas malakas ako kesa sayo." Sabi ko at nginitian siya para lang asarin. Bwahahahaha pikon naman pala ang mokong na to.




"UUUURRRGHHHHHH!!!!" Nakita ko nalang na pasugod na siya sa direksyon ko. Na pikon na yata ang gago kaya sinugod na ako. Tssk nag hahanap talaga siya ng sakit sa katawan huh.




Nang makalapit na siya sakin ay naging isang malaking golden hammer ang braso niya at ibinagsak ito sakin. Pero mabilis akong napa talon paatras kaya naiwasan ko ang atakeng iyon.




"Gold arm extension attack!" Sigaw niya. Humaba ang dalawang kamay niya at parang may sariling buhay na sumugod papunta sakin.




Hindi ko naiwasan iyon kaya sunod-sunod na suntok ang natanggap ko galing sa kanya. Matapos ang sunod-sunod na suntok ay tumalsik ako papalayo ngunit mabilis din agad na nakabangon. Ayokong isipin ng mokong na to na natalo na niya ko noh.




"Earth magic, rock form!" Bigkas ko.




Mula sa harapan niya ay nabuo ang isang malaking kamao na gawa sa bato. Sumusunod iyon sa bawat galaw ko. Ginawa niyang shield ulit yung braso niya. Ngunit ngumisi ako lang. Gamit yung rock fist ay malakas ko siyang sinuntok sa likod. Hindi niya inaasahan yon kaya hindi niya nagawang iwasan.




Bumulusok siya papunta sakin.




"Rock wall!" Tumubo sa harap ko ang isang makapal na pader sa lupa at dinig na dinig ko ang malakas na pagwasak ng pader na iyon ng bumangga siya dito. Sinadya ko talaga na gumawa ng rock wall para yun ang sumalo sa kanya. Talino ko noh? Gwapo pa hehe.




"Oh ano? Lalaban ka pa ba? Eh mukhang hinang hina ka na eh. Kaya mo pa ba labanan ang gwapong malakas na katulad ko?" Mapang asar na sabi ko.




Dahan-dahan itong tumayo at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi niya. Kawawang panget. Ang dami na niyang sugat. Kinalaban niya kasi ako eh. Yan tuloy napala niya.




"Hindi pa ako talo... Dahil hindi ko pa nailalabas ang totoong kapangyarihan ko..." Nakayukong sabi nito.




Anong ibig niyang sabihin? Na may hidden power pa siya? Tssk impossible! Kung meron man ay kanina pa niya sana nilabas nang sa ganun ay kanina pa niya ako natalo!




"Anong kapangyarihan?" Tanong ko.




"AAAAAAAAAHHHHH!" Biglang sumigaw kasabay ng pag tubo ng kung ano-ano sa katawan niya. Unti-unti din siyang lumaki na parang halimaw.




"ITO!" Sigaw niya. Nag iba na din ang boses niya, naging pang halimaw. Gold na ang katawan niya na mala halimaw sa laki. May mahaba siyang sungay, kulay pulang mata na nanlilisik, mahahabang kuko at matutulis din na ngipin.




Naging halimaw na talaga siya. Eto ba ang hidden power na sinasabi niya?




"RAAAAAAAAWRRRR!" Walang kahirap-hirap niya akong hinawi gamit ang matigas niyang braso. Tumalsik ako ngunit napakapit ako sa puno at tumalon ako paibaba.




Nagliwanag ang dalawang kamay ko at sa isang iglap ay nagkaroon ng sariling buhay ang mga punong nasa paligid namin. Pumulupot sa katawan niya ang mga sanga at bagging ng puno.




"RAAAAAAAWRRR PAKAWALAN MO KO!" Sigaw nito at walang kahirap hirap na inalis ang mga nakapulupot sa kanya.




Mas lalo ko pang dinagdagan ang mga sanga na pumupulupot sa kanya. Lumakas yung ilaw ng kamay ko at biglang may mga malalaking ugat ang tumubo sa lupa at pumulupot iyon sa mga paa at kamay niya. Ngunit kagaya kanina ay naalis niya lang din ang mga ito.




"RAAAAAAAWRR PAPATAYIN KITA!" Sigaw nito at nagulat ako ng tumalon siya pataas  sakin na parang dadaganan ako. Mabilis akong sumakay sa bato at lumipad palayo upang iwasan siya.




*BOOOOOOGSHHH*




Binalot siya ng makapal na usok nang bumagsak ito sa lupa.




Kailangan ko nang tapusin ang laban na ito! Baka kung ano nang nangyayari kila Patty my labs. Sana ayos lang silang lahat.




"GOLDEN DAGGER ATTACK!" Sigaw nung halimaw at mula sa dalawang palad nito ay lumabas ang maraming daggers at sumugod papunta sakin.




Lumipad ako ng mas mataas kaya naiwasan ko mga golden daggers na pinalipad niya sakin.




"Giant floating rock!" Bigkas ko at yumanig ang lupa mula sa ibaba. Lumutang ang isang higanteng bato na mas malaki pa sa kanya pumantay sakin ang malaking bato. At sa isang iglap ng kamay ko ay bumagsak iyon sa halimaw.




Isang makapal na usok ang bumalot sa kanya. Lumipad ako at paibaba upang tignan ang sitwasyon niya. Nakahilata na ito ngunit gumagalaw galaw parin. It means buhay pa siya.




Kailangan na niyang mamatay dahil kung hindi ay baka marami pang inosenteng buhay ang mawala nang dahil sa kanya at sa mga kasama niya.




Nagpalutang ako ng higanteng bato na may patalim at tinutok sa kanya. Siya ang papatay sa sarili niya.




"Hoy halimaw! Ano suko ka na? Wala ka pala eh. Mahina ka pala. Tsssk talunan!" Sigaw ko sa kanya.




Bigla itong dumilat at nanlilisik ang mga mata nito sakin.




"HINDI PA AKO TALO--- TSSSCHHK." Sa pagtayo niya ay bumaon sa likod niya ang bato na may patalim. Tumulo ang dugo sa labi nito at bumagsak siya sa lupa.




Unti-unti itong bumalik sa dati niyang anyo.




"Ayokong pumatay pero kung ang isang masamang nilalang na kagaya mo ang papatayin ay hindi ako mag dadalawang isip." Sabi ko. Napa pikit na siya at unti-unti nang naglaho na parang abo.




Tumalikod na ako at nag umpisang hanapin ang daan palabas dito sa maze.




Siguro ay may kanya kanya kaming nakalaban. At sana lang ay natalo nila ang mga kalaban nila. Sana ayos lang silang lahat. Sapagkat hindi pa namin nagagawa ang mission namin.




------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sorry po sa sobrang tagal ng update. Nawawalan na kasi ako ng oras para mag edit eh. See on the chapter nalang po.




EDITED

The Fire Princess [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz