Chapter 6: Battle

17.4K 577 55
                                    

Chapter 6: Battle

***

[ Violet's POV ]



"Kung ganun, simulan na natin to nang magka alaman na!" Sigaw nung babaeng sulutera na si Barbie.



Ang lakas ng loob niyang kalabanin ako at humingi ng deal! Baka akala niya mananalo siya sakin. Ipapakita ko sa kanya na mali siya ng kinalaban!



"Ice Blades!" Gumawa siya ng tatlong ice blades at pinalipad yun papunta sakin.



Naglabas naman ako ng tatlong dagger at pinalipad din papunta sa kanya. Napangisi ako nang makitang kapul lahat ng dagger ko ang ice blades niya.



Magaling kaya akong umasinta.



"Impressive huh." Sabi niya at ngumisi.



"Of course, kung gano ka ka impressive sa kalandian ganun naman ako ka impressive sa labanan." Sabi ko at ngumisi din.



HAH take that.



Sinamaan niya ako ng tingin. "Ice make, Hammer!" Sa isang iglap ay nakagawa siya ng martilyo na gawa sa yelo.



"Tignan natin ang galing mo!" Pinukpok niya sakin yun pero agad akong tumalon para umiwas. Naglabas ako ng maraming dagger at pinaulanan siya.



Mas lalo ko pang dinamihan ang mga dagger na binabato ko sa kanya nang maalala ko ang kalandiang ginawa niya. Bwisit kang malandi ka! Dapat sayo nilalaslas na ang leeg nang hindi na mabuhay pa!



Hindi niya naiwasan ang lahat ng dagger na binato ko kaya naman nadaplisan siya at nagkaron ng mga sugat.



"What the hell?! Wala kang karapatang sugatan ako! You'll gonna pay for this!" Sigaw niya.



Tanga ba siya? Nag laban pa kami kung hindi ko din siya pwedeng sugatan!



"Ice make, eagle!" Tinapat niya ang kamay niya sakin at sa isang iglap ay maraming eagle na gawa sa yelo ang sumugod sakin.



I smirked.



"AAAAAAAHHHHHHH!!!!!!!!" Sumigaw ako ng pagkalakas lakas.



Lumabas ang malakas na force galing sa bibig ko at nakita ko kung paano nadurog ng sabay-sabay ang mga ice eagle na ginawa niya. Tumalsik pa siya sa isang malaking puno.



Yes. I'm a Sound Manipulator.



"Ugh you bitch! Nakakarami ka na talaga sakin!"



Pinag dikit niya yung dalawang kamay niya.



"Ice make, dragon!" Sa likod niya ay biglang may nabuong malaking dragon na gawa sa yelo.



Pero ibang dragon siya. Walang pakpak at paa. Para lang syang ahas na malaki. Isang Chinese dragon.



"Akala mo ba matatakot mo ako jan sa little dragon mo? Wahahahaha! Eh sisiw lang yan sakin!" Sigaw ko sa kanya.



"Tsaka mo sabihin yan kapag natalo mo na siya. Ice dragon attack her!"



Nagulat ako ng mag buga ng yelo yung dragon papunta sakin. Sa sobrang bilis ng pagbuga niya ay hindi ko naiwasan kaya naman tumalsik ako at gumulong gulong sa lupa.



Tumayo ako at... "AAAAAAHHHH!"



Nadurog yung kalahating katawan ng dragon nang gumamit ako ng sound force.



"AAAAAAAAHH!" Sigaw ko ulit at tuluyan na ngang nawasak ang ice dragon niya. Nginisian ko siya ng makita ang pagkagulat sa panget niyang mukha.



"Oh my gahd ang ice dragon ko! Pag babayaran mo ang ginawa mong pag wasak sa ice dragon ko!" Sigaw niya sakin.



Tinaas niya ang kanyang dalawang kamay. Mula sa dalawang kamay niya ay may lumabas na ice blast na lumipad hanggang sa himpapawid. Nakangisi siya sakin habang kinukumpas ang mga kamay niya.



"Giant ice ball!" Bigkas niya.



Pag tingala ko ay nakita ko sa itaas niya ang isang malaking ice ball. Napa atras ako nang makita ko ito. Nakaka takot na nakakapanghina. Sobrang laki kasi! Pano ko naman yan mawawasak?!



"Oh ano natakot ka ba?" Nang aasar niyang tanong.



"Asa ka! I'm sure naman na mahina lang din yan kagaya mo!" Sigaw ko sa kanya.



"Mahina lang ba? Edi saluhin mo ng malaman mo!" Sigaw niya. Sa isang kumpas lang ng kanyang kamay ay bumulusok papunta sakin ang malaking ice ball na ginawa niya.



Umatras naman ako at huminga ng malalim saka ako nag labas ng sobrang lakas na sound force mula sa bibig ko upang paatrasin yung malaking ice ball na ginawa niya.



"AAAAAAAAAHHHHH!!!!!!" Buong pwersa kong sigaw.



Nakita kong lumipad paatras yung ice ball at nilampasan pa nito si Barbie. Napangisi ako. Ang lakas ko talaga!



"I'm not done yet!" Sigaw ni Barbie at sa isang kumpas lang niya ay bumulusok muli sakin pabalik yung malaking ice ball. Pero kinontrol niya ito papunta sa himpapawid na ipinagtaka ko.



Anong pinaplano niya?



"Giant ice drop!" Bigkas niya at kinumpas paibaba ang dalawa niyang kamay kasabay nyon ang pagbulusok pababa sakin ng malaking ice ball.



Pero nagulat ako nang mahati iyon sa maraming bilang at naging mga matutulis na yelo. Animo'y mga ice spears na mabilis na bumubulusok paibaba.



Shit!



Huminga ako ng malalim at...



"AAAAAAAAHHHHH!!!!!" Buong pwersa kong sigaw ngunit hindi lahat ay nadurog ng sigaw ko kaya may mga ilang dumaplis sakin na agad na dumugo.



Ang sakit! Pero okay lang yan dahil mas lamang pa ako sa kanya! Kahit anong klase ng yelo pa ang ibato niya sakin ay hinding hindi niya ako matatalo!



"Hindi ka parin tumba?! Sige mag seseryoso na ako. Oras na para tapusin ko ang laban na to. Gagamitin ko na ang buo kong kapangyarihan!" Mayabang niyang sigaw. Pumikit siya at nag concentrate.



Sus. Kahit naman mag seryoso siya ay hindi mababago na mas malakas ako kaysa sa kanya. Landi lang naman kasi ang laman ng utak niyan! Ay teka, may utak ba yan?



"Ice make dragon! Ice make tiger! Ice make Lion! Ice make ape!" Sigaw niya at sa isang iglap ay lumabas lahat ng mga binanggit niya. Gawa yun lahat sa yelo. Bumagsak na si Barbie sa lupa dahil hinang hina na siya.



Napa-aatras ako at habang gulat na gulat sa mga ice creatures na nilikha niya.



Kaya ko bang talunin yan lahat?!




------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



EDITED

The Fire Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon