Chapter 33: Dark Academy

8.6K 298 3
                                    

Chapter 33: Dark Academy

**********

"Ibigay niyo sakin ang babaeng iyan." Sambit ng black boy sabay turo sakin.

Ayan nanaman tayo eh. Bakit ba kasi gusto nila akong makuha?!

"Sa tingin mo ba ibibgay namin siya sayo?" Galit na sabi ni Kaizer.

"Ano bang kailangan niyo kay Fiera at pursigido kayong makuha siya?" Tanog ni Ace.

"Wala na kayong pake dun. Kung hindi niyo ibibigay sakin ang babaeng iyan ay tutuluyan ko na 'to." Sabi ng black boy at sasaksakin na si Patty nang bigla akong sumigaw.

"Payag ako!"

Wala na akong choice. Ayokong may ibang mapahawak ng dahil lang sakin.

"Ano? Fiera hindi. Hindi ka pwede---" Hindi ko na pinatapos mag salita si Kaizer.

"Wala na tayong choice Kaizer. Kailangan ko itong gawin para kay Patty. Don't worry about me. Kaya ko ang sarili ko." Sabi kay Kaizer.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo! Panigurado na sasaktan ka lang ng iyan." Sabi naman ni Ace.

"Wala akong pake-alam. Basta ayokong may nadadamay na iba." Sabi ko.

"Kung ganun ay halika na." Sabi ng black boy.

"Pakawalan mo muna si Patty." Matigas na sabi ko.

"Aba hindi. Lumapit ka muna at pangako ay papakawalan ko ang babaeng to." Sabi niya naman.

Lumapit na ako sa kanila.

"Fiera you don't need to do this." Sabi ni Patty.

"Kailangan para maligtas ka. Wag kayong mag-alala babalik ako."

"Pangako." Sambit ko.

Hinagis ng black boy si Patty kina Kaizer. Agad naman ito nasalo ni Luke.

Hinawakan na ako ng black boy sa braso ko.

"Halika na. Nag hihintay na siya." Nakangiting demonyong sabi niya.

Hinawakan niya na ang braso ko peeo nanatili lang akong nakatingin kina Ace.

Babalik pa ako. Hindi ako pwedeng mamatay. Sabi ko naman sa inyo ay marami pa akong pangarap diba?

Bigla kaming naglaho at sa isang iglap ay nandito kami sa tapat ng malaking kastilyo. Madilim at napapalibutan ng itim na aura ang kastilyo.

'Dark Academy'

Iyan ang nakalagay sa taas ng malaling pinto ng kastilyo.

Pumasok na kami habang hawak padin ako sa braso ni Black Boy. Tss as if naman tatakas ako.

"Ako nga pala si Yuan." Sabi niya.

"So? Hindi ko tinatanong." Pagtataray ko sa kanya.

Nakaka-inis tong lalaking to. Pake ko naman kung sino siya? Duh.

"Ang taray mo naman. Nag papakilala lang eh." Sabi niya pa. Hindi ko nalang siya pinansin.

Nandito na yata kami sa hall dahil andami na naming nakakasulong na mga students yata base sa uniform nila. Ang sasama nga tingin nila sakin. Well wala akong pake sa kanila.

Pumasok kami sa isang madilim na pasilyo. Tanging torches lang ang nagbibigay liwanag. May mga selda akong nakikita. Wait don't tell me ikukulong nila ako?!

Binuksan niya yung isang selda na may limang tao ang nakakadena at mukhang tulog pa.

"Dito ka muna habang wala pa siyang sinasabi kung anong gagawin sayo." Sabi nung Yuan at pinasok na ako sa selda.

"Sandali! Ayoko dito!" Sigaw ko pero iniwan niya lang ako.

Napa-upo nalang ako at napatingin sa limang taong naka kadena. Mukhang mtagal na sila dito dahil sira-sira na ang mga damit nila at madumi na. Parang ilang taon din silang hindi naligo dahil sa mga itsura nila.

Dalawang babae at tatlong lalaki.

Wait familiar sila..


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sorry kung may typo. Vote and comment.

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now