Chapter 42: Secret Garden

9.5K 346 8
                                    

Chapter 42: Secret Garden

(N/A: Guys pasintabi lang haha. Wala po munang masyadong fight scene dahil focus muna tayo sa mga love life nila)

**********

[ Fiera's POV ]

"RIIIIIINNNGGG!!!!"

"Class dismissed." Sabi ng teacher namin pag tunog ng bell.

Nag sitayuan naman kami at naglabasan na ng classroom. Inayos ko naman ang mga gamit ko.

Buti naman at nag bell din! Kanina ko pa nga pinag dadasal na sana ay mag bell na. Juice ko sobrang boring naman kasi ng subject na'to. Plus ang lamya pa mag explain ng teacher namin. Sino bang hindi mabobored sa ganun diba? Halos lahat nga kami ay naka ub-ob lang sa desk eh.

"Lunch na tayo Fiera!" Sinabi ni Patty paglapit niya sakin.

I smiled at her. "Let's go! I'm hungry na din eh." Sagot ko at lumabas na kami ng room.

Pagdating naman namin sa cafeteria ay sobrang daming tao. Ano ba naman yan! Gutom na gutom na'ko eh.

"Hala punong puno naman tong caf." Sabi ni Patty at nag pout pa. Wahaha ang cute! Mas cute nga lang ako :P

"Kaya nga eh. Pano tayo makakain niyan? Ayoko namang makipag sisikan."

"Tara na nga. Bumili nalang tayo ng junkfoods at sa bench nalang tayo kumain." Sabi ni Patty at hinila na ang kamay ko palabas sa cafeteria.

Sakto naman na nasalubong namin si Luke.

"Hello Fiera, Hello Patty my loves! Kumain na ba kayo?" Nakangiting tanong nito sa'min.

"Sa tingin mo ba makakakain kami sa sobrang dami ng tao sa caf?!" Pagsusungit ni Patty kay Luke.

"Easy Patty my loves. Sumabay nalang kayo sa'kin kumain sa rooftop."

"Basta ba libre mo." Biro ko.

"Oo naman! Basta ba payag si Patty."

"Tss oo na! Wag mo kaming sisingilin huh." Sabi ni Patty.

Parang nagliwanag pa yung mukha ni Luke.

"Yes! Hintayin niyo ko bibili lang ako ng pagkain natin." Papasok na sana siya sa caf ng magsalita si Patty.

"Hoy madami ngang tao jan! Paano ka makakabili?!" Sabi ni Patty.

"Tatabi yang nga yan pag dumaan ako." Pagyayabang ni Luke.

Natawa naman ako dun. As I know ay isa nga si Luke sa campus crush.

"Ang yabang mo talaga!" Sigaw ni Patty sa kanya. Kumindat muna si Luke bago umalis.

"Hala may nakalimutan pala ako sa room! Wait lang Fiera!" Biglang sabi ni Patty at tumakbo na palayo.

Grabe naman yung babaeng yon. Hindi manlang ako hinintay mag salita. Ako nalang tuloy ang mag-isa dito.

"Ay kabayo!" Halos mapatakon ako sa gulat ng biglang may humila sa kamay ko at hinila ako kung saan.

Wait papunta sa likod ng campus ang daan na tinatahak namin! Walang estudyante ang nagpupunta duon.

Pagtingin ko kung sino ang punyetang tao ang humihila sakin ay nanlaki ang mga mata ko ng makita si Ace.

"A-ace?!" Gulat na sigaw ko.

"Miss me?" Sabi nito at ngumiti.

Kumalabog nanaman ang puso ko. My heart beating so fast!!!! Anong nangyayari sakin?! Bakit ngumiti lang si Ace ay nag haharumento na ang puso ko?! Jusko makapag pa check up na nga. Baka malala na 'to.

"Saan mo ba ako dadalhin?!"

"Basta."

"Kailangan talaga hilahin ako?!"

"Yup. Kasi alam ko na hindi ka sasama."

Ughhhh nakaka inis naman ang lalaking to! Saan ba kasi niya ako dadalhin?!

"We're here." Huminto na kami pero hindi niya parin binibitawan ang kamay ko.

Pag tingin ko sa paligid ay napa 'Wow' ako. Nakaka mangha ang lugar na ito.

Trimmed na green grass lang matatapakan mo, may iba't ibang kulay at uri ng bulaklak ang nasa paligid. Mayroon ding malaking puno. Sa taas ng puno ay mayroong tree house.

Kumikinang ang buong lugar na parang umulan ng crystal dust. May mga nag liliparang pixies at may mga naglalarong fairies.

ANG GANDA.

"You like it?" Tanong ni Ace kaya napatingin ako sa kanya.

"Sobra. Ang ganda dito. Paano mo nalaman ang lugar na 'to?"

He smiled at me. "This is my secret garden. Ito ang madalas kong tambayan kapag may problema ako at nawawala lahat ng mga problema ko kapag andito ako."

"T-talaga?"

"Oo. At ang mga mahahalagang tao lang sa buhay ko ang dinadala ko dito."

Nagulat ako. Kung ganun bakit niya ako dinala dito? Ibig ba niyang sabihin na...

"Bakit mo ako dinala dito?"

"Dahil mahalaga ka sa'kin, Fiera."

Nagulat ako sa sinabi niya. Mahalaga ako sa kanya? Bilang kaibigan or what?

"G-ganun ba.. Syempre kaibigan mo ako. Diba?"

Nawala ang mga ngiti sa labi niya at bahagya siyang yumuko. "Y-yeah.. Kasi magkaibigan tayo."

Parang nasaktan ako sa sinabi niyang 'Magkaibigan tayo' anong rason?

"Anyway, gusto kitang makasabay mag lunch dito sa secret garden."

Ngayon ko lang nakita yung picnic blanket na nakalatag sa green grass at may mga nakakatakam na pagkain duon.

"Pwede ba?"

"S-sige.." I answered.

Umupo na kami at nag simulang kumain.

Waaaah ang sarap! Saan kaya niya ito binili? Makabili nga din nito. Hindi ko nga lang alam yung pangalan ng pagkain na'to.

"Ang sarap naman nito! Saan ka bumili?"

Umiling siya bago nag salita. "Ako ang gumawa niyan."

"Weh hindi nga?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.

He nodded. "Oo nga."

Wow. Hindi ko inakalang marunong pala siyang magluto? Hindi kasi halata sa kanya.

"Ang sarap naman. Turuan mo ako minsan."

"Sure." Sabi niya.

"Waaaah thank you!"

"Don't talk when your mouth is full."

Huminto na muna ako sa pagsasalita at nilunok yung kinakain ko. Nagulat naman ako ng punasan ni Ace yung gilid ng labi ko gamit ang tissue.

"You're like a baby. Ang dungis mo kumain." Sabi niya.

I just pouted my lips. "Sorry naman po." Sabi ko.

"Lalo kang nagiging cute kapag naka pout." Sabi niya na ikinapula ng pisngi ko. Yumuko nalang ako.

Enebe Ace! Naiilang ako sayo! Kainis naman eh. Huhu bakit mo ako pinapakilig ng ganito?!


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sorry nga po pala sa matagal na update..

Vote and comment po ;)

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now