Chapter 44: Physical Training (PART 1)

8.8K 297 23
                                    

Chapter 44: Physical Training (PART 1)

*********

[ Patty's POV ]

Siguro ay tumagal ng 10 seconds ang ganun naming position.

"H-hoy tumayo ka nga!" Sigaw ko sa kanya.

Natatawa naman siyang tumayo.

"Panira ka naman Patty my loves. Ang romantic na kaya nun." Sabi niya.

Aba. Kung iuntog ko kaya ang ulo niya sa pader.

"Romantic ka jan. CHE!" Sabi ko. Tumalikod na ako at naglakad palabas ng rooftop.

Narinig ko pa na tiwanag niya 'ko.

"Patty saan ka pupunta?" Sigaw nito.

"Busog na 'ko." Sagot ko naman.

Jeez. Bakit feeling ko kinikilig ako sa ganung position namin? I mean parang natutuwa pa 'ko? Waaaah hindi pwede!

"Wait, hintayin mo 'ko!" Sigaw niya.

Tumakbo na ako pababa. Buti nalang ay hindi na niya ako hinabol.

Kinuha ko yung pocket mirror ko sa bulsa ko at nag salamin.

Sabi na eh. Namumula ako ngayon! Huhu buti nalang talaga ay hindi ito nakita ni Luke kung hindi matinding asar ang abot ko dun.

[ Fiera's POV ]

"Flowers for you." Napatigil ako sa pagkain nang bigyan ako ng 3 roses ni Ace.

Emegerd.

Naihiyang tinanggap ko naman ito. "Thank you." Saad ko.

He smiled. "Basta ikaw."

I feel like I'm blushing now because of him.

"Let's go?" Sabi niya at inabot ang kamay niya sa'kin.

Tinignan ko lang iyon.

"iiih. Dito muna tayo." Nakangusong sabi ko.

He laughed. "Hindi pwede. Next class na natin."

Hala oo nga pala. Masyado yata akong nalibang kasama si Ace. Ayoko pa naman sanang umalis dito sa secret garden.

Di bale. Pupunta nalang ako dito next time.

Tumayo na kami at lumabas ng secret garden.

Habang nag lalakad kami sa hall ay nagulat ako nang biglang hawakan ni Ace ang kamaya ko.

So HHWW ang peg namin ngayon.

Hindi ako kinikilig -////-

Hindi talaga.

Promise hindi talaga.

"OMG bakit mag kasama sila?!"

"Totoo ba itong nakikita ko?!"

"Hinawakan niya yung kamay ni Ace ko!!!"

"Ohmygod I can't breath! Bakit sila magka holding hands?! Huhu I kennat!"

Ayan lang naman ang mga sigawan habang naglalakad kami ni Ace na magka holding hands dito sa hall.

Ngumisi nalang ako sa kanila. Iba talaga pag campus heartthrob ang kasama mo.

"Wag mo silang intindihin." Nakangiting sabi ni Ace.

I just smiled at him na pati yung mata ko ay halos ngumiti na din.

Huminto kami sa labas ng classroom ko.

"Thank you!" Sabi ko kay Ace.

Kumunot yung noo niya. "Thank you for what?"

"Thank you sa lunch! Thank you sa pag hatid."

"Wala iyon. Basta ba next time ulit." Sabi niya.

Enebe nemen yen. May next pa talaga? Hihihi.

"Sure."

Nag paalam na siya. Pagpasok ko naman sa classroom namin ay as usal may sari sariling mundo nanaman ang mga classmates namin.

Nakita ko si Patty sa dulo kung saan ang upuan naming dalawa. Naglakad na'ko papunta sa tabi niya at umupo.

"Gaga ka san ka nag punta? Iniwan mo 'ko kanina!" Biglang sabi ni Patty.

Oh haha. Oo nga pala naiwan ko siya.

"Ay sorry naman. Hinila kasi ako bigla ni Ace eh. Sorry naman diba?"

"Kainis ka! Alam mo bang muntik na 'kong gahasaain ni Luke?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

OHMYGOD.

"Joke." Pahabol niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Putik na'to akala ko totoo na.

"Go back to your sit now." Sigaw ng teacher namin at biglang pumasok sa room.

Nag sibalikan naman ang mga classmates namin sa kanya kanyang upuan.

"Good morning class." Malakas na sigaw nito.

"Good morning ma'am." Pabalik na bati namin.

"Ngayong araw ay magkakaron tayo ng physical training."

Nag bulungan ang mga classmates namin.

Eto nanaman kami. Mapapalaban nanaman.

"Maghanda ka na Fiera." Sabi ni Patty.

"Ikaw din." Sabi ko.

"Magkakaron tayo ng contest. Gagamitin niyo ang inyong kapangyarihan dun Kaya kailangan ko kayong sanayin." Sabi ng teacher namin.

"Wow exciting!"

"Excited na'ko!"

"Kailan kaya yun?"

Ayan ang mga sigawan dito sa classroom. Buti pa sila excited. Samantalang ako nag dadasal na sana hindi matuloy yung contest na iyon.

Duh ayoko nang makipaglaban! Quotang quota na'ko sa pakikipaglaban namin nung nasa misyon kami.

"Simulan na natin ang physical training. Dadalhin ko kayo sa isang malawak na field. Surprise kung sino o ano ang magiging kalaban niyo duon." Sabi pa ng teacher namin at ngumisi.

Kinabahan namin kaming lahat.

"You First ms. Cress." Sabi ni ma'am sabay turo sakin.

Eeeeeeh?! Nang aasar ba si ma'am? Kitang ayoko nganang makipag laban eh.

"Ma'am naman. Bakit ako?"

"Kasi halatang halata sayo na ayaw mong mag training."

Awww. Nahalata niya pala.

No choice na ako mga bessy.

"Get ready ms. Cress! Hindi biro ang makalalaban mo duon."

Tinapat ni ma'am yung hintuturo niya sa direksyon ko at umilaw iyon.

Bigla nalang akong naglaho at pagdilat ko ay nasa isang malawak na field ako. Parang soccer field.

OMG. Kinakabahan ako sa lugar na'to.


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Namiss ko talaga yung fight scene haha 😂

Thank you thank you nga po pala sa lahat ng nag vote sa previous chapters.

Vote and comment po~

The Fire Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon