Chapter 34: Save Her

8.8K 283 3
                                    

Chapter 34: Save Her

**********

[ Patty's POV ]

Nakatingin lang kami kina Fiera hanggang sila ay maglaho na.

Anong gagawin namin? Paano namin siya ililigtas gayong hindi naman namin alam kung nasaan ang dark academy.

"Bumalik tayo sa academy. Ipaalam natin ang nangyari kay Fiera." Seryosong sabi ni Kaizer.

"Kaiser's right. Kailangan malaman ito ng head master." Sabi ko.

"No. Kayo nalang ang bumalik." Sabi naman bigla ni Ace.

Kumunot ang noo namin at tumingin sa kanya. "Bakit? May balak ka bang puntahan pa?" Tanong ni Luke.

"Ililigtas ko si Fiera." Sabi niya.

Nagulat kami sa sinabi niya. Nag babalak siyang iligtas si Fiera? Hindi ba niya alam na delikado ng siya lang ang mag-isa? Hindi pa naman niya alam ang dark academy at ang mga daan na tatahakin niya.

"Hindi ka pwede basta basta nalang sumugod dun. Mag-isa ka lang baka kung anong mangyari sayo dun, pati kay Fiera." Kaizer.

"Oo nga naman Ace. Kailangan natin mag plano. Wag kang padalos dalos." Ako.

"I don't care. Gagawin ko ang lahat mailigtas lang siya." Sabi ni Ace. Tinalikuran na niya kami at nag simulang maglakad palayo.

Seryoso talaga siya noh? Hays iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig.

"Ace!" Tinawag ko siya kaya naman napahinto siya at nilingon akong nakakunot ang noo.

"What?" Iritang tanong niya.

"Wala kaming magagawa kung iyan ang pasya mo. Sige, susuportahan ka nalang namin." Sabi ko.

"Cyrus!" Sa isang iglap ay lumitaw sa harap ko ang isang nilalang na matulis ang tenga at nakangiti.

"Hi Patty! I miss you. May ipaglilingkod ba ako sayo?" Tanong niya.

"May hihilingin sana ako.." Ako.

"Anything." Cyrus.

"Bigyan mo si Ace ng masasakyan upang makarating siya ng ligtas sa pupuntahan niya." Sabi ko.

"Sure." Sabi niya at kumindat.

Sa isang kumpas lang ng kamay niya ay may isang kabayo na may dalawang pakpak ang lumitaw sa harapan ni Ace.

Isang Pegasus.

"Salamat." Sabi ko kay Cyrus at naglaho na nga ito.

"Sana ay maligtas mo si Fiera." Nakangiting sabi ko kay Ace.

Aaminin ko. Napamahal na lahat sila sakin lalo na si Fiera. Tinuturing ko na siyang bestfriend ko. Sana talaga ay ayos lang siya kung asan man siya ngayon.

Tumango si Ace bago sumakay sa likod ng Pegasus. "I will." Sambit niya.

Sunod sunod na pinagaspas ng pegasus ang pakpak niya at unti-unting lumipad. Hanggang sa tuluyan na silang naglaho sa paningin namin.

"Sana magtagumpay siya." Kaizer.

"Oo nga. Asan kaya si Fiera noh?" Luke.

"Walang nakaka-alam. Kaya nga mahihirapan si Ace na hanapin ang kinaroroonan nila Fiera." Ako.

"Pumunta na tayo sa Academy baka sakaling mag padala ng tulong ang head master." Sabi ni Kaizer at tumango naman kami.


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ano kayang mangyayari sa gagawing pag ligtas ni Ace kay Fiera?

Vote and comment ;'>

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now