Chapter 53: Sacrifice

9.6K 273 14
                                    

Chapter 53: Sacrifice

*********

[ Fiera's POV ]

"I summon all the dark creatures! Come with me and fight for me!" Sigaw ng dark king.

Biglang binalot ng makapal at itim na usok ang buong paligid. Ilang segundo pa bago ito nawala. Nanlaki ang mga mata namin nang makita kung ano ang mga nilalang na tinawag ng dark king.

Napapalibutan kami ngayon ng mga mababagsik at dambuhalang mga dark creatures! Kakaiba ang mga ito! Halatang mababangis at hindi ordinaryong nilalang.

"Fiera!" Tawag sakin ni Ace nang makalapit siya sakin.

"Ano?"

"Umalis na kayo dito. Kami nang bahala sa mga dark creatures." Sambit niya.

"Ayoko. Tutulungan ko kayong labanan sila." Sabi ko kay Ace.

Pero mukhang ayaw niya sa sinagot ko. "Hindi pwede! Mababagsik ang mga alagad ng dark king at dark prince! Ayokong mapahamak ka." Sabi niya.

Medyo na touch naman ako dun. Pero ayoko parin!

"Kaya ko ang sarili ko!"

"Alam ko! Pero not this time. Hindi biro ang---" Hindi na natuloy pa ni Ace ang sasabihin niya nang biglang may sumabog sa pagitan namin. Tumalsik kaming dalawa.

"Masyado na kayong madaldal! Simulan na ang tunay na laban." Sambit ng dark prince. Siya pala yung nagbato ng dark ball. Sinamaan ko siya ng tingin at tumayo na.

"Kampon ng dark kingdom, paslangin sila!" Sigaw ng dark prince at dark king.

Nakita ko na sumugod na sila Patty at Luke sa mga dark creatures. Nakasunod lang naman si Cyrus kay Patty at pinoprotektahan ito.

Biglang may isang dark creatures ang nasa likod ko. Hindi ko naiwasan ang malaking kamay nito na may matutulis na kuko. Na kalmot ako nito at tumalsik ulit ako. Ramdam ko ang hapdi ng sugat sa mukha ko.

Ughhh bwiset ang sakit!

Gumawa ako ng apoy--- or should I call it Dark fire Ball, dahil itim na ang kulay nito. Parang isang fire shadow.

Pagka gawa ko ng dark fire ball ay agad kong tinira yung creatures na kumalmot sakin. Isang tirahan ko lang dun ay agad itong naging abo.

Tama nga sila. Dark magic is so powerful.

Natulala ako kina Ace nang bigla silang nanghina at napaluhod. Pagtingin ko sa dark prince ay nakita ko itong nag bibigkas ng dark spells. Iyon siguro ang dahilan ng panghihina nila Ace! Si Cyrus naman ay biglang nalang naglaho. Marahil ay hinang hina na ito.

"Itigil mo iyan!" Sigaw ko pero imbis na tumigil ay nginitian pa ako nito. Urgh bwisit na prince na to!

"Ace! Patty! Kaizer! Luke!" Tawag ko sa kanila. Akmang tatakbo ako sa kanila papalapit nang biglang may barrier ang humarang sa daraanan ko. Tiyak ko na kagagawan iyon ng dark prince.

Pilit kong binasag ang barrier pero masyado itong makapal at malakas.

"Wag mo silang sasaktan!" Sigaw ko.

Bigla akong kinabahan ng nakulong sa dambuhalang dark ball sila Ace, Kaizer, Luke at Patty. Patuloy parin silang nanghihina.

Anong gagawin ko?! Hindi ko alam kung paano ko sila matutulungan. Pero hindi ko makayang makita na nahihirapan sila.

"TUMIGIL KA NA!!!" Sa pag sigaw ko na iyon ay bigla nalang nabasa ang barrier.

"P-paano mo nagawa iyon?!" Gulat na tanong ng Dark Prince.

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now