Chapter 9: Uncontrollable Power

16.7K 594 19
                                    

Chapter 9: Uncontrollable Power

***

[ Patty's POV ]



Nakita namin kung paano dahan dahan tumayo si Fiera habang ang mga kamay niya ay nababalutan ng nag liliyab na apoy. Parang may kung anong nabuhay sa loob niya na dahilan kung bakit siya nagkaron ng labis na labis na kapangyarihan.



"Woah.." Bulong ko sa aking sarili.



Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganyang klase ng apoy! Sobrang lakas at mukhang mahirap tupukin.



Mas lalong naging exciting ang laban kaya naman lahat kaming nanonood ay nakafocus sa kanila. Nag aabang sa mga sunod na mangyayari.



"Go on. Ipakita mo kung gaano ka kalakas." Nakangising sabi ni Juvia.



Oh no. Sa tingin ko hindi niya na dapat pa hinamon si Fiera. Hindi ba siya natatakot? Pwes kami ang natatakot para sa kanya! Halata naman kasi na wala na siyang laban pa kay Fiera!



"Your wish is my command."



Nagulat kami nang biglang maging kulay pula ang mga mata ni Fiera na kanina ay brown pa. Hindi ko alam kung ako lang o pati ang mga classmates ko ang nakaramdam pero sobra akong natakot nang makita ko ang titig ni Fiera kay Juvia. Nakakapangilabot.



"Woah.. Tignan niyo yung mata niya!"

"Her eyes turned red!"

"She's scary..."

"I can feel her strong power!"



Ayan ang mga sigawan ng mga classmates namin. Yung iba ay hindi na nagawa pang mag salita dahil sa labis na pagkamangha. Tinignan ko si Prof at nagulat ako dahil pati ito ay speechless. Bahagya pang nakanganga ang bibig.



"Eat my fire!" Sigaw ni Fiera at nag bato ng isang malaking fire ball kay Juvia.



Ngumisi si Juvia. "Bumuo kayo ng water shied ngayon na!" Sigaw ni Juvia sa kanyang mga clones.



Pumunta sa harapan ni Juvia ang mga clones niya saka sabay-sabay na bumuo ng malaking water shield. Sapat na upang protektahan sila sa paparating na fire ball ni Fiera.



"WOAH!" Sabay sabay naming sigaw.



Baliwala lang kasi ang ginawa nilang shield! Walang kahirap hirap lang itong dinaanan ng fire ball ni Fiera. Sumabog pa ito nang tumama sa kanila. Naglaho yung mga clones at tumilapon naman si Juvia.



"Ugh shit! So hot!" Sigaw ni Juvia nang tumama sa kanya ang fire ball ni Fiera. Bumagsak na siya ngayon sa sahig at hinang hina na kaagad dahil hindi na nito magawang tumayo pa.



Ano ba yan nanghina na kaagad siya? Eh yun pa lang naman yung ginagawa ni Fiera! Bakit hindi niya ilabas ngayon yung kayabangan niya? Oh kaya mag parami ulit siya gamit ang clone niyang mahihina! Wahahahaha!



"You'll gonna for this! Hindi mo ako mapapabagsak ng ganun ganun lang!" Sigaw ni Juvia.



Walang emosyon si Fiera. Pero makikita mo sa pula nitong mata ang labis na galit niyang nararamdaman.



"100 clones!" Bigkas ni Juvia at sa isang iglap lumitaw ang napaka daming clones niya sa kanyang likuran. Grabe 100?! Sobrang dami naman niyan! Matatalo kaya yan ni Fiera eh isa lang siya?



"Attack her!" Sigaw ni Juvia at tuluyan nang bumagsak sa sahig. Nakadilat pa ito pero ang katawan niya hindi na makagalaw.



Tumakbo ang 100 clones sa direksyon ni Fiera habang may dalang mga daggers. Naka tayo lang si Fiera at pinapanood ang mga clothes na sumugod papunta sa kanya. Wala ba siyang gagawin?! Bakit parang hindi siya natatakot?!



Malapit na sana ang mga clones...



Binuksan ni Fiera ang dalawang palad niya at biglang uminit ang hangin dito sa paligid. Nagulat kami nang biglang balutin ng nakakasilaw na pulang liwanag ang battle field. Nakita nalang namin ang isang malakas at higanteng apoy na pumapalibot at mabilis na umiikot sa battle field kung saan nag lalaban sila Fiera at Juvia.



Hindi nagtagal ay unti-unting naglaho ang nakakasilaw na liwanag, pati ang malakas na apoy na pumapalibot sa battle field ay unti-unting naglaho. Nanlaki ang mga mata namin nang makitang abo nalang ang 100 clones ni Juvia. Puro sugat si Juvia at punit punit din ang suot nitong uniform. Buhay pa ba siya?!



"Okay! Ang panalo ay si Fiera Kim Cress!" Announce ni Prof.



Nagpalakpakan ang lahat kay Fiera pero nagulat nalang kami nang bigla siyang magbato ng sunod sunod na fire balls! At kung saan-saan yun tumama kaya naman mabilis na kumalat ang apoy dito sa arena.



"AAAAAAAAAAH!" Sigawan ng mga kaklase namin. Nagtayuan na ang lahat at magsimula na silang mag panic.



Sa tingin ko ay nawalan ng control si Fiera sa kapangyarihan niya dahil sa sobrang lakas nito.



Balak sana naming pigilan si Fiera pero nakakatakot siyang lapitan at hawakan. Ramdam na ramdam pa namin ang init niya. Nakakasilaw pa ang lakas ng apoy niya sa kamay.



"Class! Lumabas na kayo ngayon din!" Sigaw ng prof namin then sa isang iglap ay nandito na ulit kami sa classroom.



"AAAAAAHHH!!!!" Agad naman nagtakbuhan yung mga classmates namin palabas ng classroom.



Biglang nawala yung malakas na apoy sa kamay ni Fiera. Nawalan din siya ng malay at agad na bumagsak sa sahig.



"Patty! Tulungan mo akong dalhin si Fiera sa Heal Wing." Sabi ni prof.



Agad naman akong tumango at tinulungan si Prof para alalayan si Fiera.



Siguro ay hindi niya nga ito na control kaya nawalan siya ng malay. Si Juvia kasi eh. Kung hindi niya lang sana ginalit ng husto si Fiera!




------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



EDITED

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now