Chapter 51: Ritual

7.1K 216 8
                                    

Chapter 51: Ritual

**********

"Ako gagamitin mo ko? Neknek mo, akala mo naman sasama ako sayo. Tss." Sabi ko sa dark king.

Ngumisi muna siya bago nagsalita. "Ofcourse sasama ka sa'kin. Whenever you want it or not."

Maylumabas na itim na usok sa kamay niya blinow nya iyon papunta sa'kin. Bigla akong nakaramdam ng antok. Ilang sandali pa ay nanghina ako at nag dilim ang paligid.

[ Ace's POV ]

Nakita ko kung paano bugahan ng itim na usok si Fiera ng dark king. Unti unti itong nanghina hanggang sa mawalan ng malay.

Shit. Hindi niya maaaring kunin si Fiera. Agad akong tumakbo sa direksyon nila.

"Wag kang makiki-alam dito mahinang bata." Sabi sakin ng dark king. Biglang nagkaroon dark tornado. Dahilan upang tumalsik ako sa malayo.

Ginamit ko naman ang hangin ko para pwersahin ako pabalik.

"Fiera!" Sigaw ko. Akmang lalapit na sana ako sa kanila nang biglang maglaho ang dark king kasama si Fiera.

Hindi maaari!!!

[ Fiera's POV ]

Unti-unti akong nagising. Namamanhid ang buong katawan ko. Hindi ako makalagaw! Anong nangyayari?!

"Mabuti naman at gising ka na." Napatingin ako sa Dark King na ngayon ay naka-upo sa kanyang trono.

"A-anong binabalak mo sa'kin?!"

Ngayon ko lang napagtanto na nakahiga ako sa gitna ng isang magic circle. Anong gagawin nila sa'kin?

"Isasagawa ko na aking ritwal. Kukunin ko na sayong katawan ang element of fire! Tanging dark fire nalang ang matitira sayo hahahah!" Sigaw nito.

Lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi maaari! Ayokong masakop ng dark magic.

Mula sa madilim na silid ay lumabas ang isang matandang babae na naka itim na cloak at may mahabang tungkod.

"Dark witch, simulan mo na ang ritual." Sambit ng dark king. Tumingin sa'kin ito at ngumisi.

Tumango naman yung dark witch at lumapit sa'kin dala yung tungkod niya. Pinitik niya ang daliri niya then biglang may lumitaw na itim na spell book sa harap niya. Naka lutang pa ito.

Kusang nabuklat yung spell book. Itinaas naman niya ang tungkod niya.

"Esta matri fera argona!" Sigaw nito.

Biglang umilaw yung magic circle.

Sunod sunod na dark spell ang binigkas ng witch. Habang tumatagal ay nakakaramdam ako ng sakit.

Hindi ko maipaliwanag. Sobrang init ng balat ko, then parang may gustong lumabas na kung ano sa loob ng katawan ko. Napapikit nalang ako sa sobrang sakit.

"AAAAAHHH!!!!" Sigaw ko.

Ramdam ko ang pag-init ng dalawang mata ko at ang konting pag lutang ko.

Anong ginagawa nila sakin?! Hindi ko na kaya yung sakit!

"MALAPIT NA! HAHAHAHA!" Sigaw ng dark king.

Nakikita ko na ang pulang enerhiya na unti unting lumalabas sa katawan ko. M-mamamatay na yata ako...

Kasabay ng pagkawala ng ilaw ng magic circle ay ang pagbagsak ko. Ang bigat ng katawan ko at hinang hina ako. Pakiramdam ko ay hinigop ang buong lakas ko.

"Tagumpay!!!" Mala demonyong tumawa ang dark king.

Nakita ko kung paano niya kontrolin ang mga pulang enerhiya na lumabas sa katawan ko kanina. Naglakad siya sa isang kabaong na naka bukas, habang kusang naka sunod lang sa kanya yung pulang enerhiya.

Sa isang kumpas ng kamay niya ay sumapi ang pulang enerhiya sa taong nakahiga sa may kabaong.

"TAGUMPAY! HAHAHAHA! SA WAKAS AY MABUBUHAY KA NA RIN!"

Sino kaya ang taong binubuhay niya?

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Maraming salamat po sa mga readers na nakaka appreciate sa bawat update ko. I love you all! 😙😙😙

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now