Chapter 32: Kondisyon

8.7K 298 4
                                    

Chapter 32: Kondisyon

**********

Patuloy padin ang labanan dito sa kagubatan. Napapansin ko lang parag hindi nauubos yung mga black boys. Para silang mga lamok.

Buti nalang ay walang sumusuko sa'min. Pero putek pagod na pagod na ako! Huhu nakaka inis ang mga black boys na'to.

Nakita ko na susugod sakin ang isang black boy. Agad akong gumawa ng fire butterfly at pinasalubong iyon sa kanya. Pag lapit niya sa fire butterfly ay sakto naman iyon na sumabog. Naging abo siya.

"Ace, pag samahin natin ang kapangyarihan natin!" Rinig kong sigaw ni Kaizer kay Ace.

Tumango naman si Ace.

"Water tornado!" Sigaw ni Kaizer at agad naman nagkaron ng malaki at malakas na water tornado.

"Air tornado!" Sigaw naman ni Ace at bumuo ng air tornado malapit sa water tornado ni Kaizer.

Pinagsama nila iyon at naging isang ice tornado. Bawat pag-ikot ng ice tornado ay may mga tumatalsik na matutulis na bitak ng yelo.

Woah ang angas ng ginawa nila!

Gumawa naman ako ng fire shield para hindi ako matamaan ng mga iyon.

"Ang galing niyo!" Nakangiting sigaw ko kina Ace at Kaizer.

Nakita ko nalang na tumba na lahat ng mga black boys.

Wahahaha ang galing namin!!!!!

"Panalo tayo guys." Sabi ni Luke na hinihingal pa.

"Yeah! Ang galing kasi natin!" Nakangiting sabi ko.

"Mabuti pa ay umalis na tayo dito." Sabi ni Ace.

"Mabuti pa nga." Pag sang-ayon naman ni Kaizer.

Napansin ko na may mga pasa at sugat sila. Buti nalang ay may healer kaming kasama.

Wait asan pala si Patty?

"Guys si Patty?" Tanong ko sa kanila.

Lumingon lingon sila sa paligid para hanapin si Patty. "Oo nga noh. Asan yun?" Sabi ni Luke.

"Nawawala si Patty." Sabi ko.

"Hindi maganda ang kutob ko." Ace.

"Hindi kaya---" Hindi na natuloy pa ni Kaizer ang sasabihin niya nang may nag salita at lumabas sa isang puno.

"Ito ba ang hinahanap niyo?" Sabi ng isang black boy habang nakatutok ang hawak na ispada kay Patty.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Patty!" Sigaw ko.

"Guys umalis na kayo. Iwan niyo na ako!" Sigaw ni Patty na halatang nahihirapan na.

"What?! Nababaliw ka na ba?! Hindi ka namin pwedeng iwan!" Sigaw ko naman.

"Pero sasaktan lang niya kayo!" Sigaw niya ulit.

"Wag kang matakot Patty, ililigtas kita!" Sigaw ni Luke at akmang lalapit na nang pigilan siya ng black boy.

"Subukan mong lumapit! Sisiguraduhin ko na mamamatay ang babaeng 'to." Banta ng black boy.

"Wag mo siyang sasaktan!" Sigaw ni Luke.

Hala anong gagawin namin?! Natatakot ako para kay Patty. Paano kung saktan siya nito?

"Pakawalan mo siya!" Sigaw ulit ni Luke. Pinipilit niya pa ngang sumugod buti nalang ay pinipigilan siya nila Ace.

"Sa isang kondisyon." Sabi ng black boy bago ngumisi.

"Anong kondisyon?" Tanong ni Kaizer.

"Ibigay niyo sakin ang babaeng iyan." Sambit ng black boy sabay turo sakin.


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kapit lang po! Malapit nang matapos ang kwento ni Fiera ;)

Vote and comment ^_^

The Fire Princess [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant