Chapter 46: Confess

9.1K 280 31
                                    

Chapter 46: Confess

**********

Pagtapos maging abo ng red dragon ay bigla akong naglaho. Sa isang iglap ay andito na ako sa classroom namin.

Nanlaki ang mga mata ko ng dinumog ako ng mga kaklase ko.

"Ang galing mo Fiera!"

"Woah paano mo nagawa iyon?!"

"Ang astig mo!"

"Turuan mo naman ako!"

Iyan ang mga sinasabi nila.

"KRIIIIIING!!!!" Tunog ng bell.

Save by the bell!

"Ok class you may go na. Hiyang hiya naman ako kay Fiera na kinain ang buong oras natin." Sabi ni ma'am.

Aba. Siya kaya yung lumaban sa dragon? Mabuti nga at nakabalik pa ako dito ng buhay.

"Pero may 95 score ka sakin Fiera." Sambit ng teacher namin.

Ngumiti lang ako. Ok na din yun.

Lumapit sakin si Patty at kumapit sa braso ko. "Kain na tayo. Anyway ang galing mo kanina huh."

I smiled. "Thanks."

[ King Liardo's POV ]

"Handa na ba ang mga dark sides?" Tanong ko sa pinuno ng aking mga kawal.

Agad itong tumango. "Opo King Liardo. Handa na sila. Anumang oras ay pwede na silang lumaban."

"Magaling. Aatake tayo sa Mystinious Academy. Ngunit hindi ngayon."

"Kailan King Liardo?"

"Lapastangan! Wala kang karapatang mag tanong sa'kin." Galit na sabi ko. Babatuhin ko sana siya ng dark ball ng lumuhod ito sa harap ko.

"Paumanhin King Liardo." Sambit nito.

"Lumayas ka sa harap ko!" Sigaw ko at agad naman itong umalis sa harapan ko.

Pagka-alis ng lapastangang kawal ay dumating naman ang isa pang pinuno ng mga kawal.

Yumuko ito bilang paggalang. "King Liardo, nakuha na namin siya." Sabi nito.

Napangisi ako. "Magaling. Igapos siya at ikulong."

Magagamit ko ang taong iyon laban sa mystinious academy.

[ Fiera's POV ]

Pagtapos namin mag lunch ni Patty ay nag paalam ako sa kanya na pupunta sa training room upang mag practice.

Gusto ko kasing manalo sa sinasabing contest ng teacher namin. Para na rin tuluyan ko na ngang magamit ng maayos ang kapangyarihan ko.

Pagbukas ko pa lang ng pinto ng training room ay natulala ako nang makita si Kaizer. Nakatalikod ito sakin at focus na focus sa kapangyarihan niya.

Bigla tuloy gusto ko nalang umalis. Nakakahiya kasi kay Kaizer. Baka maistorbo ko pa siya.

Tumalikod na ako at akmang lalabas na ng pinto nang marinig ko ang boses niya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Kaizer sa'kin.

Napalunok muna ako bago siya hinarap.

"A-aalis na."

"Bakit?"

"Ayoko sanang istorbohin ka."

Seriously. Nitong mga nakaraang araw ay bihira nalang kaming mag-usap ni Kaizer. Minsan ko na lang din siya makita sa ground. Ayos lang kaya siya?

"Mag training ka na. Sasabayan kita."

"Talaga?" Tanong ko at napangiti.

Nakakamiss din pala mag training kasama si Kaizer. Bigla ko tuloy naalala yung unang araw ko dito sa academy. Siya yung unang nakasama ko sa training.

He smiled. "Yeah."

Nag training na kami ng sabay. Almost 2 hours din kaming nag training. Nang mapagod kami ay umupo muna kami sa sahig ng training room.

Haaay nakakapagod. Buti nalang ay protected ng magic itong buong training room kung hindi ay wasak na siguro ang training room ngayon dahil sa lakas ng kapangyarihan na ginamit namin kanina.

"Nakakamiss ka pala talaga Fiera." Biglang sabi ni Kaizer. Napatingin ako sa kanya.

"Ikaw din. Nakakamiss kang kasama." Sambit ko.

Nagulat ako ng kunin niya ang kamay ko.

"Fiera..." Tawag nito sakin.

"I love you." Biglang sabi niya.

Hindi na ako nagulat nang sabihin niya iyon. Dati ko pa naman nahahalata na mahal niya ako. Pero anong isasagot ko? I love you too? Thanks for the love? Don't love me? Uuurgh hindi ko alam! Alam ko naman kasi sa sarili ko na hindi ko mahal si Kaizer.

Yeah I love him but as a friend. Oo naging crush ko siya. NOON.

Napayuko ako habang nangangapa ng pwedeng isagot sa 'I Love You' niya. Ayokong mag salita. Feeling ko kasi masasaktan ko siya oras na mag salita ako, at ayokong mangyari iyon. Hindi niya deserve ang masaktan. He deserve someone better.

Ngumiti ito ng mapait bago nag salita ulit. "Wag mo nang sagutin. Hindi ko naman inaasahan na ibabalik mo ang I love you ko." Sabi nito. Halata sa boses niya ang sakit.

"Kaizer.."

"It's ok. Hindi naman kita pinipilit na mahalin ako. Inamin ko lang talaga ang nararamdaman ko para sayo. Ilang araw na din kasi akong hindi matahimik, at finally nasabi ko na din."

Napayuko ako. Gusto ko siyang i-comfort dahil alam ko na nasasaktan siya. Pero hindi ko magawa dahil ako nga pala ang dahilan ng sakit na iyon.

"I'm sorry.." Iyon nalang ang nasabi ko.

"Fiera, lalayo muna ako sayo. Gusto ko pagdating ng oras na makaka usap kita ulit ay nakalimutan ko na ang nararamdaman ko sayo." Sambit nito.

"Gusto ko pag dating ng panahon kaya na kitang maka-usap ng hindi nasasaktan.." Dagdag pa niya.

"I'm sorry.." Naiinis ako sa sarili ko. Puro I'm sorry nalang ba ang kaya kong sabihin? Natatakot kasi akong mag salita dahil baka may masabi akong makakasakit sa kanya.

"Wala kang kasalanan. Hindi mo naman kasalanan na nahulog ako sayo." Sambit niya.

"Basta lagi mong tatandaan. Mag kaibigan parin tayong dalawa. Atleast dun walang break up diba?" He said and He laughed bitterl. Alam ko na pinilit niya lang tumawa upang gumaan ang atmosphere namin dito.

"Mag iingat ka palagi.."

"Mahal na mahal kita." Sabi niya. Nakita ko nalang na tumayo na siya at naglakad palabas ng training room. Wala akong nagawa kundi pagmasdan siya habang papalayo sa'kin.

I'm sorry Kaizer. Makakalimutan mo din ako.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sorry sa late ng update T.T

Vote and comment po.

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now