Chapter 11: Leaving the Academy

17.2K 540 63
                                    

Chapter 11: Leaving the academy

***

[ Fiera's POV ]



"Kailangan niyong hanapin ang limang taong ito." Sabi ng Head Master at binigay samin yung isang picture na may limang tao.



Kinuha yun ni Patty at tinignan namin.



"Teka, head master. Sino ba itong mga ito? At bakit kailangan saamin niyo pa sila ipahanap?" Tanong ko.



"Ang mga iyan ay sina Evergreen, Macao, Laxus, Jovlin at dergora. At kaya kayo ang uutusan kong humanap sa kanila upang masubukan ko kung gaano kayo kalakas." Sagot naman ng Headmaster.



"Ahh okay. Pero bakit kailangan pa namin tong hanapin? Gaano pa sila kaimportante?" Tanong ko ulit.



"Tss. Daming tanong." Tumingin ako kay Ace at sinamaan siya ng tingin.



"Ikaw ba kausap ko?" Sabi ko kay Ace. Epal kasi eh. Bigla bigla nalang sumabat hindi ko naman kausap.



"Ang ingay mo kaya."



"Sino ba kasing may sabi na pakinggan mo ako?!"



"Sino din ba may sabi na ginusto kitang pakinggan?"



"Guys tumigil na nga ako." Awat samin ni Patty. Inirapan ko nalang si Ace at hindi na nag salita pa.



Epal talaga tong lalaking to.



"Silang lima ang espiya sa Dark Academy. Ngunit isang taon na ang nakalipas ay hindi parin sila bumabalik. Kaya kailangan niyo silang makita. Para na din malaman natin kung ano ang plano ng dark king." Sabi ng Head Master.



Ngayon ko lang nalaman na may nag eexist palang Dark King dito sa Magic World. Pero gaano kaya siya kalakas? Sana naman may laban kami sa kanya.



"Makaka-asa kayo head master na pagbalik namin ay kasama na namin ang limang iyan." Sabi ni Patty.



"Mainam. Lisanin niyo na ang academy at simulang hanapin ang mga iyan." Sabi ni head master.



Nag bow muna kami sa headmaster bilang paggalang bago kami tuluyang lumabas ng headmastes's office.



"Guys, sa gate ng academy nalang tayo mag kita-kita ok? Kukunin ko lang yung ibang mga gamit ko sa dorm na makakatulong satin sa paglalakbay." Sabi ni Patty na ikinatango naman namin.



"Ako din. May ilang gamit din akong dadalhin." Sabi ko.



"Samahan na kita Fiera." Sabi ni Kaizer. Tumingin naman ako sa kanya saka ngumiti.



"No thanks. Mabilis lang naman ako." Sabi ko.



"Oo nga Fiera saka baka may maganap pa sa inyo dun pag isinama mo si Kaizer hahaha!" Biro ni Luke.



"Shut up." Sabi ko kay Luke at inirapan siya. Kung ano-anong iniisip eh. Nakakahiya tuloy kay Kaizer.



Pumunta na kami muna sa dorm namin para kumuha ng ilang mga gamit.



Pag pasok ko sa dorm ko ay sinuot ko na yung red na cloak ko.



Napangiti ako nang tignan ko ang sarili sa full length mirror. Bagay na bagay talaga sa kagandahan ko.



Lumabas na ako ng dorm at nag lakad papunta sa gate.



Pagpunta ko naman sa gate ng academy ay nandun na silang lahat. Ako nalang yata ang hinihintay.



"Bakit ang tagal mo?" Bungad sakin ni Ace.



"Matagal ba yon? Wala pa kayang 20 minutes ang pag alis ko eh." Sabi ko.



"Namiss ka kasi niya kaagad Fiera." Sabi ni Luke at kinindatan pa ako.



"Wag mo na ngang gatungan!" Sabi sa kanya ni Patty at muntik na akong matawa nang batukan niya ito. Buti nga!



"Tss."



Kainis talaga tong lalaking to! Ang sungit-sungit. Daig pa ang babaeng may monthly period eh. Saan ba to pinaglihi sa sama ng loob?



"Let's go na guys. Mahaba pa ang lalakbayin natin bago tayk makalabas sa gubat." Sabi ni Patty.



"Oo nga naman. Tama si Patty my labs." Sabi ni Luke habang hinihimas pa yung batok niya.



What the heck? Patty my labs? Pfft... I find it funny. Saang lupalop niya ng mundo nakuha ang kakornihang iyon?



"Anong Patty my labs ang pinagsasabi mo jan?! Mandiri ka nga!" Sabi ni Patty kay Luke at pinaghahampas.



"Fiera, dito ka lang sa tabi ko. Baka maligaw ka eh." Sabi ni Kaizer at tumabi sakin.



Ano namang akala niya sakin bata para maligaw pa? Tss. Pero infairness katabi ko na si crush aarte pa ba ako? Syempre hindi na. Grasya na ang lumalapit no!



"I'm not a kid anymore." Sabi ko at nag cross arms.



"But you're still my babygirl..." Bulong niya kaya hindi ko narinig.



"May sinasabi ka?" Tanong niya.



Tumingin naman siya sakin at mahinang natawa.



"Wala. Sabi ko ang ganda mo." Sabi niya at nagulat ako nang akbayan niya ako. Hindi ko pinahalatang nabigla ako dahil deep inside kinikilig na yung laman-loob ko.



Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Yumuko nalang ako para hindi niya makitang nag blush ako. Aba nakakahiya no!



"Ano mag lalandian nalang ba kayong dalawa jan? Sinasayang niyo ang oras natin. Tss." Sabi ni Ace at naunang nag lakad palabas ng gate.



Nagkatinginan naman kami nila Patty at nag kibit balikat lang sila. Anong nangyari sa lalaking yun? Ang sungit talaga tss.




--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



EDITED

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now