Piece 1

837 35 8
                                    


Simula

Every people expects to have their happy ending. And that's the sad truth about it. We engage ourselves with the thought of having our own prince charming. A knight in shining armor. Clichè, but purely true. We can't have what we expect. You're lucky if you taste a glimpse of it. But we're in the reality where unicorns don't exist.

It's true that people always think of 'what our future would be' when the fact is, you're not even a step ahead.

Bata palang ako, mulat na ako na hindi totoo ang fairytale. It's purely made by human's imagination. Hindi sapat na mahal mo ang isang tao para makamit ang happy ending. I have witnessed how my father chose another woman over my mother. Nakita ko kung paanong umiiyak gabi-gabi ang ina ko dahil sa sobrang pagmamahal niya sa ama ko. Love kills. Well, not literally, but the pain? Sobra sobrang sakit na mas gugustuhin mo nalang mamatay kesa unti unting patayin ng sakit n a dulot nito. True love does exist, pero hindi sa lahat ng tao. Mapalad ang mga taong nabibigyan ng pagkakataon na maranasan ito.

Kaya kung dadating ang panahon na magmamahal ako, pinangako ko sa sarili ko na hindi ko ibibigay ang lahat. I don't want to repeat the same mistake again. Ayokong tumulad sa nanay ko na lumubog dahil sa pagmamahal sa kanyang asawa. Na dumating sa puntong pati ako ay napabayaan niya na.

Grade 11 ako nung bumalik ang tatay ko sa bahay na agad namang tinanggap ng nanay ko. Galit ako. Pagkatapos ng lahat? babalik siya ng parang wala lang. Dahil sa ginawa niya hindi lang ako nawalan ng tatay. Kung hindi pati ina. I've suffered enough. Tama nang ako ang nagdusa sa pagkakamaling ginawa niya.

"Ano bang ikinagagalit mo pa dyan? You should be happy bumalik na ang daddy mo sa atin. Ginagawa ko din to para sayo. Mahirap lumaki ng walang ama." Pangaral ng ina ko sa akin habang nasa hapag kami.

Yeah right. Ni hindi mo naisip na mas nahirapan ako na nandyan ka nga, pero parang wala din.

"Oh. I'm sure you do." bakas ang pait sa aking sinabi.

"Aba-"

"Stop it Carolina, nasa harap tayo ng pagkain." putol ng ama ko. Napapailing nalang si mommy sa tinuran ni daddy.

"If you'll excuse me, male-late na po ako sa klase." Hindi ko na hinintay ang kung ano pang sasabihin ni mommy dumiretso na ako kay Mang Lito na pinagbuksan naman agad ako ng kotse pag labas ko.

Ilang minuto lang ay nasa eskwelahan na ako. Bumungad sakin ang isang pulang BMW na kilalang kilala ko kung sino ang nasa loob.

Oh. Fck. Here we go again.

"Oh. Amethyst, ilang buwan lang tayong hindi nagkita lalo ka atang gumaganda." Nakangising pambungad niya sakin pagbaba ko ng kotse. Inirapan ko nalang at dire-diretso akong naglakad papunta sa lobby para hanapin ang kaibigan kong si Claudine.

"Hey, is that how you say I miss you?" Nakabuntot pa rin siya sakin hanggang ngayon na may naglalarong ngisi sa mga labi.

"Oh you shut up Azer. Ang aga aga sinisira mo ang araw ko."

"Ow. You're too hard on me. But I like it that way. Anyway, see you later." Sabay kindat niya sakin at naglakad na patungo sa mga kaibigan niya.

Azer Tyrone Saavedra. Bata palang kami pambwisit na siya sa buhay ko. Pero mas lumala ito ngayon. Naaalala ko ay kahit papano dati ay naging magkaibigan kami. I just don't purely remember everything.

"Ameeethyst! I'm here." Kaway ng kaibigan ko sa malayo.

"What's up?" sabay yakap ko sa kanya ng makarating na ako sa harap niya.

The Last Piece (Flower Boys Series #1)✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt