Piece 15

291 13 2
                                    

He's pissed

"What took you so long?" Hindi nakalagpas sakin ang malisyong ngiti ni Clau pag balik ko sa labas.

Inirapan ko lang siya at piniling huwag ng makipagtalo. Isa pa ay gulong gulo pa din ako sa sagutan namin ni Azer.

Hindi nalang ako nakigulo sa kanila at mukhang hindi naman nila pinansin dahil abala sila sa pagkuha ng miryenda.

Pinili kong umupo malapit sa dalampasigan, sapat lang para hindi ako abutin ng tubig.

Ang ganda dito. In this spot, you can clearly see the beauty of the sea reflected by the sun's ray. I smiled with what I saw, I admire how nature can effortlessly be beautiful.

God made everything perfectly, like how the sky changes it's color during sunsets, and how it gives light, and shines when it's sunrise.

Kaya kung ihahalintulad ito sa buhay ng tao, sa umpisa ay masaya ka pero panandalian lang ang lahat kasi walang permanente sa mundo. Change is the only constant thing in this world. Everything has it's ending, gaya ng araw, kahit gaano pa ito nagbibigay liwanag sa ating buhay, hindi niya mapupunan lahat, dahil sa gabi, may buwan, may papalit. May ipapalit.

I admire how God made the world, parang sinadya niyang bigyan tayo ng magagandang lugar para sa oras na malungkot tayo, may matatakbuhan at may makikita ka pa ring maganda sa mundo kaya kung tingin mong hindi ka niya mahal, think again. God made the world beautiful for us to see. For us to taste a glimpse of heaven and to show his everlasting love.

God gave us our hearts, to love. But he also gave us mind, to think. Hindi ko piniling gustuhin si Azer, pero nangyari. Hindi talaga matuturun ang puso dahil kahit ilang ulit ko itatak sa isipan na hindi pwede, ay bumigay ako.

I'm falling for him, alright. Pero laging may pero. In this world full of what if's, why can't he be my assurance? Bakit hindi pwedeng maging siya yung sigurado ako, sa mundong punong puno ng bahala na.

Bakit pag nag mahal kailangan may masaktan?

Napatingin ako sa langit, I smiled when I saw a dove, flying. He never fails me. Kahit nasaktan ko ang isa sa anak niya, hindi niya pa din ako pinapabayaan.

I know, it's an act of being selfish. But you wouldn't understand me unless you're in the same situation. I have issues. Kung tutuusin ay pwede kong subukang piliin ang madaling daan, pero mas pipiliin kong mahirapan dahil ito ang makakabuti sa lahat.

To love someone like me is like embracing a cactus. Masasaktan ang sino mang magtangkang lumapit.

"Here," Napapitlag ako ng makitang nasa harapan ko si Tristan na may hawak na juice.

"Thank you" Tipid kong sinuklian ang kanyang ngiti.

"You okay? Parang napapansin ko lagi kang nakatulala. Is something bothering you?" Ngayon ay tumabi siya sakin nakita ko pa sa gilid na may pinulot siyang patpat at may kung anong isinulat sa buhangin.

"Smile for me, please" Pabulong ko itong binasa. Hindi ko nagawang hindi mapangiti sa ginawa niya.

Kung siya nalang sana ay mas magiging madali para sakin. Noon ay masaya na akong titigan siya sa malayo, as soon as I can see him happy, I'm being contented. Pero iba itong kay Azer, I want him mine to the point that I can leave everything behind even my vision in life.

At iyon ang kinakatakot ko. Ayokong dumating sa punto na wala ng matira. Na masira lahat ng itinayo ko.

"I'm not good at this, pero andito lang ako kung kailangan mo ng kausap" Ayan nanaman ang ngiti niya. Minsan niya ng sinabing gusto niya ako pero pagkatapos non, hindi niya na muling binuksan ang tungkol sa kanyang damdamin, which I think is right. Dahil yon ang makakabuti samin. Dahil hanggang kaibigan lang ang maibibigay ko sa kanya. Hindi ko kakayanin kung pati siya ay masasaktan ko.

The Last Piece (Flower Boys Series #1)✔Onde histórias criam vida. Descubra agora