Piece 38

255 10 1
                                    

This will be short. Tapos na yung 'til 40 sa drafts ko pero kailangan ko pa iproof read. The last two chapters will be long. Thank you for making it this far! Love lots.

Accept

"Saan ka galing?" tanong ni Chen ng maabutan ko itong umiinom kasama si Lake.

"Mall." Hindi ko na sana hihinintayin na magtanong pa ito, pero hinila ako ni Chen.

"Alam mo na ba?" I looked at him, confused.

"Azer's getting married." Ang marinig 'yon mula sa pinsan ko ay lalong nagpasakit sa puso ko. They're close. Malamang alam niya.

"Cut it, Chen." Saway ni kuya River ng makita ang nahing reaksyon ko.

"It's fine kuya, I knew it already."

"That guy, I'll kick his ass after this, for making you cry." Naguguluhan man ay napangiti ako sa sinabi ni kuya.

Tulala akong nakatingin sa kisame ng aking kwarto, pinipilit ipasok sa isipan ang nalaman. Ano nga ba ang totoo?

"Ma'am Amy, aalis daw ho sila ser tinatanong kung gusto niyong sumama." Narinig kong kumatok ang isa sa kasambahay nila Chen.

"Sabihin mo ay may pupuntahan ako." Ayan nanaman sila, napapadalas ang pagyaya nila sa'kin nitong mga nakaraang araw alam ko naman gusto lang nila pagaanin ang loob ko.

Hindi ako nakatulog ng gabing 'yon. Paulit ulit pumapasok sa isip ko ang sinabi niya. They're getting married, this fast?

Hindi na ba sila makapag hintay na wala man lang akong nabalitaang engagement party?

The thought of it hurts me a lot. Hindi na ba kami talaga pwede?

Pag labas ko ng gate ay may natanaw akong isang bulto ng tao mula sa malayo. Sa kuryosidad ay nilapitan ko ito. Hindi ako pwedeng magkamali.

Nang humarap ito at magtama ang paningin namin, nakita ko ang taong matagal ko ng gustong makita, ang lalaking miss na miss ko na.

Walang pagaalinlangan akong lumapit sa kanya. Alam kong nasaktan niya ako, pero siya lang din ang makakapawi ng sakit. He's my drug and cure at the same time.

At this moment, I know. Eto na yung inilaan ng Diyos na oras para sa'kin. Para sa'min. I won't waste this time. Hindi ko man masabi ay gusto kong mapadama,

Kahit sa huling pagkakataon.

"Y-You're here.." Nanginginig kong sabi.

Hindi ito nagsalita bagkus ay inilapat niya ang kamay sa aking mukha, pababa sa aking labi.

"I can't wait anymore, I miss you so bad. Damn it." Ang luhang akala ko naubos na ay lumabas ng yakapin niya ako.

"Y-You didn't show up.." Nagulat ako ng lumabas sa bibig ko ang dapat ay nasa isip ko lang.

"You asked for it, kahit mahirap ay ginawa ko." Diretso itong nakatingin sa'kin. Tila tinatansya ang reaksyon ko.

"Did you miss me?" Kahit may naglalarong ngisi sa mukha nito ay kita ko ang tinatago nitong sakit.

I miss you so bad. So bad that I'm out of my mind. So bad that I want to forget everything. Lahat ng nalaman ko, lahat ng nangyari at isiping gusto mo pa ako. Kasi 'yon yung.. Hinihiling ko.

But who am I kidding? You're about to marry Stella, my half sister.

"I really miss you so fucking bad." Ani Azer. Napatingin ako sa kanya ng hawakan niya ang magkabilang pisngi ko upang magtama ang tingin namin. Ang mga insekto sa katawan ko ay tila muling nabuhay, tila muling nanumbalik ang sigla.

Akala ko hindi na ito muling mauulit. Akala ko hindi ko na muli mararamdaman ang init sa kanyang mga bisig. I miss him so fucking much.

Bakit ang saya ko, kahit alam kong nasasaktan ako. Na sa bawat pagdikit ng balat namin, naiisip ko kung paano niya hawakan ang iba. Na sa bawat yakap niya, naiisip ko kung paanong pawiin niya rin ang lamig ng iba.
Na tuwing titignan ko siya, nakikita ko yung taong gusto ko.

This man standing infront of me is the man I love. I can't imagine other girls claiming him. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung makikita ko na ng harapan.

Makasarili ba kung iisipin kong sana akin lang siya? Na sana ako lang yung babae sa buhay niya.

Bakit ba ang sarap ng bawal?
Bakit may mga taong sumusugal pa din kahit alam nilang mali? Bakit may mga taong lumalabag sa batas kahit malaki na ang paskil na bawal ito?

Is it because of the thrill? Kasi ako alam kong hindi lang gano'n it's more than that. He's more than that.

"I'm sorry for not showing up, is it true that you.. Went to London to find me?" Nagulat ako sa sinabi niya. He knew it. Paanong kung makaasta siya ay hindi siya sigurado.

"I-I... Uh." Hindi ako makahanap ng salita, I'm out of words. Nasaan na ang lakas ko ngayon? Akala ko ba ay sasabihin ko ang lahat sa oras na magkita kami, bakit ngayon parang naputol ang dila ko?

"Let's go," Nagulat ako ng bigla ako nitong hilahin. Hindi niya na ako hinintay magsalita. Siguro ay naisip niyang wala siyang makukuhang sagot.

The next thing I knew, I found myself inside his car.

"Nababaliw na ata ako, bakit mo ako pupuntahan sa London, diba?" He chuckled a bit. Pero may pait sa tawa nito.

Asshole. I did. I tried to find you! Hindi ka nababaliw, totoong hinanap kita.

Now I'm confused. Bakit hindi niya alam, anong nangyari?

Diretso lang akong nakatingin dito, sinusulit ang bawat segundo, kinakabisado bawat parte ng mukha niya dahil baka huli na 'to.

"Saan tayo pupunta?"

"Let's runaway." Nakita kong napatingin siya para tignan ang ekspresyon ko. Madilim ang titig nito, nakita kong nasaktan siya ng makitang napahinto ako sa sinabi nito.

"If ever I'll ask you to marry me, will you?" Mas kinagulat ko ang sumunod na tanong nito. I was caught off guard. Nakita ko ang pag landas ng mas matinding sakit sa reaksyon nito pero mabilis din binawi.

"Nevermind, natanong ko lang." Bahagya itong tumawa pero hindi nakapagsisinungaling ang mata.

Damn it. Gusto kong sapakin ang sarili ko. I was shocked, but that doesn't mean na ayoko. Any way to be with him is fine with me, kahit makasal pa sa kanya. Damn it. That's my dream!

"Anyway, I just tried my luck." Nagulat ako ng bigla nitong hinawakan ang kamay ko at inilapit sa dibdib niya.

"You feel it? It's still beating for the woman I love, If you want to know who she is, accept the invitation." He said while he's wearing his usual stare, serious and timid.

"This will be the last Amy," He kissed me in my forhead before he go out of his car. Sa pagkakatulala ko ay hindi ko namalayang nakauwi na pala kami.

Ang sakit na kanina ko pa nararamdaman ay lalong nadagdagan pagkababa ko ng sasakyan niya. Kasabay ng pag alis niya ay dinala niya ang puso ko, puso kong hindi ko akalaing may isasakit pa.

In the end, hindi ko din nasabi sa kanya ang tunay na nadadama. Para saan pa diba? Siya na mismo ang nagpamukha sa'kin na may iba na siyang mahal.

Siguro sa mga panahon na nakasama niya si Stella ay hindi na naging mahirap sa kanyang mahalin ito, siguro naisip niya na hindi siya nito iniwan sa oras na iniwan ko siya, siya yung nagpuna ng espasyong iniwan ko. Siya yung pumalit sa'kin sa puso mo...

Good for him, pero hindi ako isa sa magiging masaya para sa kanya sa araw ng kasal niya. Isa ako doon sa magluluksa. Isa ako do'n sa iiyak, hindi dahil masaya para sa kanya kung hindi dahil nasasaktan dahil alam kong hindi na kami maaari.

"Amy!" Napatingin ako sa lalaking tumawag sa'kin. I smiled at him, with a tears in my ayes.

"What happened?" In the end I found myself hugging the man who doesn't leave me, yung nag iisang karamay ko noong inakala kong tinalikuran ako ng mundo,

"Zac..."

The Last Piece (Flower Boys Series #1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon