Piece 31

270 10 5
                                    

Malapit na matapos😭😭  Magkakapoint of view si Azer not sure lang kung anong chapter. Thank you for making it this far, love lots!

Wait

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakabawi sa mga nangyari sa Palawan ay eto nanaman ako, kasama siya.

Pagka dating sa Maynila ay kinailangan kong pumunta sa opisina. Hindi ko nagampanan ang ibinigay sa'kin na posisyon ni kuya River but the way I see it, sila naman ang nagpasya na ako ang sumama kay Azer sa Palawan.

Ang akala ko ay ihahatid niya lang ako pero nagulat ako ng bumaba din ito. Hindi na ako nag abalang kausapin pa siya. Kagabi ay tahimik kaming natulog at hindi na muling nagusap pag katapos ng sagutan sa dalampasigan.

Tinotoo nito na sa sofa matulog. Ako ang nahirapan para sa kanya pero wala na akong nagawa at natulog nalang din.

Ilang empleyado ang bumati sa amin. Ang ilan dito ay nagbubulungan pa, hindi na nakakagulat na maging sa mga empleyado namin ay sikat siya. A lot of girls admire him. Guys like him is someone you would wish to have.

"Tingin niyo ay nagbalikan na sila? Noong high school ay may namagitan sa kanila, 'yon ang alam ko."

"Pero umalis siya diba? Third party kaya?" Hinarap ko ang walang pasintabi na empleyado sa likod ko, pamilyar ang mukha ng babae pero hindi ko ito ganoon kakilala marahil ay isa sa schoolmate namin noon.

Nag init ang ulo ko sa narinig. How could she spread news such as that? At talagang dito pa, sa sariling kumpanya ng pamilya ko, sa mismong likod ko.

"I didn't know that my cousin hired a bee." Nahihiyang yumuko ang dalawang babae sa likod ko.

Halata ang gulat sa kanila, marahil ay ngayon lang napagtanto ang kaya kong gawin sa kanila.

"S-Sorry ma'am," Agad humingi ng tawad ang babaeng pamilyar sa akin.

"The next time you talk behind my back, make sure that I wouldn't hear it." Kahit gusto kong mas malala pa do'n ang gawin ay hindi ako gano'n kababang tao para sisantihin sila. May puso naman ako.

I just hate people spreading wrong rumors about me, or anyone close to me.

"You, okay?" Sa ilang oras na magkasama kami ay ngayon lang muli ito nagsalita.

"Yeah," Marahil ay dahil naasar din ito sa narinig? O wala lang ito sa kanya.

"Don't mind them, their opinion doesn't matter." I laugh bitterly.

Here he is, talking about the opinion of other people when he, himself, listen to what Stella told him before.

"Yeah, it doesn't matter." I said, as I rolled my eyes.

Tahimik lang itong tumingin sa'kin ng seryoso. After the long stare, siya ang unang nagiwas ng tingin.

"You're back, kamusta? Nakascore ba?" Isang halakhak mula sa pinsan ko ang nagpalingon sakin.

Chen walks gracefully towards us wearing his black suite. Gwapo sana kung wala lang ang malaking ngisi sa mukha nito. Isama pa si Lake na nakipag high-five pa kay Azer.

"Damn man, ang hina mo. Baka naman maunahan ka pa." Umakbay si Chen kay Azer ng makalapit ito sa'min.

I knew it. Hanggang ngayon ay itinutulak pa rin nila ako dito. Lalo na ni Chen.

"Ano ba kasing nakita mo dito sa pinsan ko, you even rejected Chloe delos Reyes. Man, she's a great catch ." Halos patayin ko sa talim ng titig ko si Lake. How can he compare me with that woman? At anong sinasabi niya, na panget ako? Kahit alam ko na inaasar niya lang ako ay naoffend ako, any girl that is issued to Azer is a big deal to me.

The Last Piece (Flower Boys Series #1)✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora