Piece 23

262 13 7
                                    

Forget

Everything was a pure bliss. Hindi nakalagpas kila mommy ang nangyari ilang sandali ay nalaman din nila. Kuya River made him pay for what he did, pero agad ko din inatras ang kaso. Ilang beses nito sinubukan humingi ng tawad pero hindi ko ito binigyan ng pag kakataon. What he did is enough, kung ako ang papapiliin ay ayoko ng makita pa siya.

But here I am, facing everyone for the last time. Atleast bid them good bye. It's been 2 weeks since it happened at simula noon ay hindi na ako pumasok inasikaso ni kuya River ang lahat ng papel ko sa pag lipat. Nakakalungkot na hindi ako dito ga-graduate.

Sayang at ang mga plano namin ay hindi na matutuloy. Sayang dahil apat na buwan nalang sana ay makakapagtapos na ako pero mas pinili kong pumayag sa gusto ni mommy.

Nalaman kong may plano sila na pag katapos ko ng senior high ay doon kami magsisimula ng panibagong buhay sa america. Magiging madali din kasi iyon sa ama ko dahil doon ang bagong business ng mga Sanchez. It was one of the hotel chains that our family built. Pero dahil sa nangyari ay napag pasyahan ng pamilya ko na gawin ito agad para na rin sa ikakabuti ko.

Siguro ay kung normal pa ang lahat ay gagawin ko ang lahat para lang huwag sumama sa kanila pero sa nag daan na dalawang linggo ay marami ng nagbago.

Ang mga ala-alang nabuo sa skwelahang ito ay mananatili nalang na masasayang ala-ala na babaunin ko sa pag alis.

Agad kong pinahid ang luha na lumandas sa pisngi ko. Hanggang kelan ba ito matatapos? Ang mga huling salitang binitawan niya ay higit na masakit kumpara sa nangyari. Of all people, akala ko ay kilala niya ako. Pero bakit ganoon, isa siya sa unang humusga?

"A-Amy.." Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa likod.

"S-sorry. Hindi ko sinasadya marahil ay nabulag lang ako sa pag mamahal ko sayo kaya ko nagawa iyon. W-walang nangyari, palabas lang ang lahat" Pinili kong 'wag siyang harapin dahil alam kong mas masakit. Nanatili lamang akong tahimik. May nangyari o wala, hindi nito maiaalis ang naramdaman kong takot noong panahong iyon. Hindi nito mababago ang nangyari na.

"Since the day I met you, gusto na kita. Pero hindi mo ko napapansin. It was a desperate move, I know pero nagpadala ako sa plano ni Stella. I'm sorry."

Yes, you heard it. Inamin niya na plano nila ni Stella iyon. Nalaman ko na din na si Stella ang nag padala ng mga litrato kay Azer but it don't matter anymore. It won't change the fact that we can no longer be together. Hindi na mababalik ang bagay na may lamat na.

"Then your love is selfish." Mahina kong sabi dito.

"Alam kong mahirap patawarin ang nagawa ko pero sana malaman mo na nagsisisi ako. Mahal na mahal kita, patawad" Garalgal na ang boses nito pero pinili ko pa ring 'wag humarap sa kanya. Hindi ko alam ang magagawa ko kung sakali.

"It's not love. You don't hurt someone you love intentionally. Y-You ruined me, sinira mo ang pag katao ko. Sa ginawa mo ay halos talikuran ko na ang mga pangarap ko. Matututunan kong mag patawad pero yung sakit na dinulot nito ay habang buhay ng mananatili sa puso ko." Marami pa akong gustong isumbat dito pero may mababago ba? Maibabalik ba nito ang oras?

Nanghihinayang ako sa pag kakaibigan namin. Mabait ito, kaya hindi ako makapaniwala sa nagawa niya. Pero alam ko sa nangyari hindi na mababalik ang dati. Mananatili nalang siya na isang kakilala pag dating ng panahon.

"Hindi ka na ba mapipigilan? Paano na ang plano natin pag dating ng kolehiyo?" Naiiyak na sabi ni Clau.

Mahirap para sakin ito pero tingin ko ay ito ang tama. Hindi ako makakaahon kung mananatili ako sa lugar kung saan may mga ala ala ng nangyari at sa lugar kung saan ko siya minahal.

I admit, he's one of the reason why I accepted their offer. Masyado na kaming nagkasakitan. Ang bagay na may lamat na ay patuloy lang mababasag kung ipipilit pang ayusin.

Clau, I need this. Tingin ko ay isang hakbang na din ito para mabuo ang aming pamilya" This time, itutuloy kong ayusin ang bagay na naudlot noon. I'll fix the puzzle piece and bring it back to it's place.

"Amy, mamimiss kita" Lalo lang itong humagulgol at niyakap ako ng mahigpit. With that, alam kong tanggap niya na.

"We'll visit you after graduation" Nakangiting sabi ni Chandy pagtapos ay niyakap din ako.

"Mababawasan na ang maingay dito. Alam kong mamimiss mo ko so I'll give you a hug" Mahanging sabi ni Chen.

"As if we won't see each other on christmas" Nakairap kong sabi dito.

"You take care okay? We won't be there to protect you" Mahigpit kong niyakap si Tristan. Marahil kung siya ang minahal ko ay mas naging madali ang lahat pero hindi matuturuan ang puso.

Ilang kwentuhan at tawanan pa ang nangyari bago ko piniling magpaalam sa kanila. Isang sulyap pa ang ginawa ko sa buong paligid, umaasang makikita siya kahit sa huling pagkakataon,

But I guess it's really our end, hindi ito gaya ng napapanood mo kung saan pipigilan ka ng mahal mo na umalis. In reality, it doesn't exist.

"Amy, let's go?" Nakangiting sabi sakin ni Lake. Sila ni kuya River ang maghahatid sakin dahil kasi sa emergency sa trabaho ay nauna na sila mommy pumunta doon.

Napabunting hininga ako. Isa-isa kong pinasadahan ko ang mukha ng aking mga kaibigan. Marahil ay matagal tagal din bago ako makabalik. I'll miss them. Kinawayan ko sila bago tuluyang pumasok.

In the end, he's true to his words. He really don't want to see me, huh?

Mapait akong ngumito kasabay ng pagbahid sa nagbabadyang luha. I need to be tough enough to face tomorrow without him.

My world should not only revolve around him, I still have my family, ito naman ang matagal ko ng pinangarap noon pa man, dapat ay magpasalamat nalang ako sa kung ano ang meron ako.

We should just be thankful of what we have. In life, I learned that you can't have all the things that you want but you can work hard for it. Happiness is a choice and will never be a chance, and this time, I'll choose to be happy with the people who care for me not with the people who doesn't care at all.

Enough with the dramas, sa pag alis ko ay gusto kong iwan lahat ng lungkot, ng pighati lahat ng sakit. Tanging masayang ala ala nalang ang babaunin ko at gagawin itong inspirasyon para bumangon muli.

I'll miss him, that's for sure. Pero kailangang kalimutan siya. Maybe he's just one of the people I met to mold me to become a better person.

"I'm sure you'll love it there. People out there were kind. And well, a bit liberated but I'm sure you can handdle them" Natatawang sabi ni kuya River.

Ilang oras ang itinagal ng byahe halos mamanhid ang likuran ko pagtayo ng eroplano. The travel was smooth and long, nakakapagod ang halos isang araw na pag upo sa eroplano.

It was past 7 am when we arrived at the airport. Sa ilang beses ko na pag punta dito noong bata ako ay tila ngayon ko lang napuna ang ganda nito.

Los Angeles International Airport is the largest and busiest airport in the Greater Los Angeles Area. Kaya hindi mapagkakaila ang laki ng kagandahan nito kumpara sa iba.

Sinundo kami ng isa sa driver ni daddy. Lake is having a jetlag matagal na din kasi simula ng bumalik ito dito. While me and kuya River is busy talking.

"Is that Manhattan beach?" Namamangha kong turo kay kuya River. Mula sa malayo ay kita ang malawak na tubig mula sa dagat.

"Yes, I'll tour you tomorrow, but for now you should take some rest." Nakangiting saad nito.

Sa nakita ay hindi ko naiwasang hindi maisip ang pag punta namin noong nakaraan sa villa nila Azer. Ang tubig at ang white sand nito ay hindi magpapatalo basta basta. Ang ganda din ng tanawin dito. Nakakatawang isipin na parang kaylan lang ay masaya kaming magkasama. Kaylan lang ay hindi nito magawang hindi sumulyap sakin o makita ako. Pero kaylan lang din ay parang ang bilis sa kanyang bitawan ako.

Ang bilis sa kanyang saktan at pakawalan ako.
 

The Last Piece (Flower Boys Series #1)✔Where stories live. Discover now