Piece 6

391 22 9
                                    

Lunch

"Good morning" Nakangiti kong bati sa kaklase kong nakasalubong.

"Aba ngiting ngiti ka ah" Pambungad sakin ng pinsan kong si Chen na kanina pa pala sa likod ko.

"So?" Wala akong balak sabihin sa kanya ang dahilan ng pagngiti ko lalo na at nakikita ko si Azer na paparating na.

Pag gising na pag gising ko ay nakatanggap ako ng text mula sa kanya.

From: Tristan ko

I'm sorry hindi ako nakapagreply I got busy may quiz kasi bukas. I'll make it up to you, lunch?

And that made my day. First time ko siya makakasabay kumain ng kami lang oh gosh. Kinakabahan ako pero mas kinikilig ako.

"Hey, Amy kanina pa kita kinakausap. Anything bothering you?" Mapanuksong tanong ng pinsan ko.

"Nothing.." Sabay iwas ko ng tingin ng makitang titig na titig si Azer sakin.

"Morning, Nikki." bahagya itong ngumiti na agad din naglaho.

"Morning"

"Aba aba. May dapat ba akong malaman? Parang kelan lang kala ko end of the world na kasi wala ng aso't pusang nagpapansinan tapos ngayon ganito? enlighten me" Parang tangang pag iintriga ni Chen.

"Crazy" sabay batok sa kanya ni Azer.

"Don't we miss something here?" Natatawang sabi ni Chandy na kabuntot si Tristan na nakapamulsang naglalakad.

"Haha mukhang nagkaayos na ang aso't pusa" Hindi ko matakpan ang bunganga nito sa laki. Damn Chen.

"Is it?" Nakangiting baling ni Chan sakin. Nakita ko ring napasulyap sa akin si Tristan na para bang nagaabang ng isasagot ko. Fck.

"Para kayong mga sira. Tara na" Sabay akay nito kay Chen. Nginitian lamang ako ni Chandy at sumunod na rin sa kanila. Naiwan kami ni Tristan. I can't even look at him.

"Hatid na kita" Sht. Sht. Amy anong maganda ang nagawa mo para ideserve to?

Tahimik lang kaming naglalakad ng basagin niya ito.

"Ok na kayo?" Nung una ay naguluhan pa ako pero kalaunan ay naidip kong kami ni Azer ang tinutukoy niya.

"U-uh okay naman talaga kami." kelan ba ako hindi kakabahan pag kausap siya?

"I see." Seryoso itong tumingin sakin.

"Sige pumasok ka na. Susunduin kita mamaya dito" Mariing sabi nito.

"Thank you.." Yun lang at tumalikod na siya at pumasok na ako sa room.

Ngayon ko lang napansin na wala pa ang kaibigan ko. Hindi naman nalelate yun o umaabsent basta. At magsasabi siya kung aabsent siya.

Agad ako nagtipa ng text sa kanya.

To: Claudia :p

Nasan ka na mag-start na ang first class.

ilang minuto lang ay nakatanggap ako ng reply mula sa kanya.

From: Claudia :p

Sorry. Migraine strikes. Try ko humabol ng second subj.

Sinabihan ko na lamang siya na kung hindi niya kaya ay wag na muna niyang pilitin tutal ay wala naman kaming exam or quizzes ngayon.

Natapos ang klase at lunch na. Nagaayos ako ng gamit ng mamataan ko si Azer sa labas. He's on his phone. Agad naman nag vibrate ang phone ko.

From: Tukmol

Lunch?

Oh. Sht. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya dahil siguradong magagalit siya pag nalaman na kasabay kong maglulunch si Tristan ngayon.

The Last Piece (Flower Boys Series #1)✔Where stories live. Discover now