Piece 5

362 26 5
                                    

Phone call

Napapikit ako sa sinabi niya. No more Azer after weeks?

Deep inside me sinasabing magiging maganda yun. Tatahimik na ang buhay ko.

But the other side says hindi ko kaya. All my life he's a pest na laging nakabuntot at nanggbubwisit. Pero yung Azer na kaharap ko ngayon, ibang iba. Hindi ko naisip na makikita ko siyang magkaganito.

"Fine. Pumapayag na ako. Pero tuparin mo yung sinabi mo" Hindi ko alam kung bakit ako pumayag pero ang alam ko basta lang ito lumabas sa aking bibig ng hindi pinagiisipan.

I hope I won't regret this. 3 weeks. 3 weeks lang naman and after that. No more Azer

Kaya mo ba? 3 months siyang nawala. Kinaya mo. Kakayanin mo pa ba pag nawala na siya ng tuluyan? Fck. Of course.

"Thank you" Kasabay nito ang pagyakap niya sakin. Mahigpit. Na tila ba ayaw niya akong mawala. Na para bang may aagaw sakin kung bibitawan niya ako.

Hindi ko alam kung tama to. May gusto akong iba, at kung seryoso nga siya sakin ay magkakasakitan lang kami.

Amethyst what did you do? Hindi ka nagiisip!

"J-just make sure na walang makakakita satin na kakilala I don't want them to conclude"

"If that's what you want" Ngiti niya sakin ngunit bakas ang sakit sa mga mata niya. Damn Azer. Please tell me hindi totoo yung nararamdaman mo.

"It's getting late, I'll bring you home" Nakakapanibago. Hindi ganto yung Azer na kilala ko. Bakit parang mas gusto ko pa yung dating siya? Natatakot ako pag ganito siya. Hindi ko alam kung bakit.

Tahimik lang kami buong byahe pero ng malapit na ay binasag niya ang katahimikan

"Can I call you when I got home?" Nagiiwas tingin niyang sambit.

"Uh, sure" Yun lamang ang nasabi ko.

Ilang minuto lang ay narating din namin ang bahay. Nginitian ko siya bago umakbang bumaba pero naunahan niya ako mabilis siyang umikot para pagbuksan ako.

"Thank you. Sige una na ako"

"Uh sure. Goodnight" Sabay ngiti nito sakin.

"Night" Yun lang at umalis din siya agad.

Nakangiti akong pumasok sa gate. Fck. Kaya pala namin hindi magaway. Naisip ko, kung ganito lang kami lagi we could have been friends minus the fact na gusto 'daw' niya ako.

Hindi ko pa nabubuksan ang pinto ay tumunog na ang phone ko.

From: Tukmol

Thank you for this day. Baka hindi ako makatulog neto.

-Azer

Natatawa ako ng natanggap ko ang text niya. Hindi niya alam nakasave na ang number niya sakin dahil minsan ko na siya binalak ifrank call dahil na din pambawi sa lahat ng pangaasar niya sakin.

From: Tukmol

I can still see you from here. Pumasok ka na so I can go and call you.

Napatingin ako sa labas upang tignan kung andun pa nga ba siya. He's kidding right? Kasi kung hindi baka nakita niya akong nakangiting nagbabasa ng text niya.

May isa pa kong text na natanggap, ang kulit pala neto kahit sa text.

From Tristan ko:

Hi are you home?

The Last Piece (Flower Boys Series #1)✔Where stories live. Discover now