Piece 17

295 14 4
                                    

In his arms

It was dark outside. Agad akong tumayo sa kama upang tignan ang oras. It's already seven in the evening. May usapan kaming sabay-sabay kaming kakain sa labas dahil kanina ay namingiwit ang mga lalaki.

Ayoko mang lumabas dahil tingin ko ay namumugto pa ang mata ko, baka mas magtaka sila kung hindi ako lalabas. Isa pa, tadtad na ako ng mensahe at missed calls ni Clau.

Mabilis akong naligo at pagkatapos ay nagbihis at naglagay ng simpleng palamuti sa mukha, sapat para kahit papaano ay matakpan ang pamumugto ng mata ko.

Pagkalabas ko ay saktong paglabas ni Azer sa kanyang kwarto. Halos maupos ako sa kinatatayuan ko ng makitang lumabas din si Stella mula dito. Bakas sa mukha ni Azer ang gulat ng makita ako pero kalaunan ay nagkibit-balikat ito at dire-diretsong naglakad pababa ng hagdan.

"Anong tinitingin-tingin mo?" Halos malaglag ang panga ko ng magsalita si Stella sa harap ko. So she's showing her bitch side now huh?

Nagkibit balikat lang ako at aalis na sana sa harapan niya ng hilahin niya ako.

"You can't have both. Hindi ko alam kung anong nakita niya sayo, but I assure you, magiging akin siya" I can hear desperation in her voice.

She's pretty, I give her that. Hindi malabong magkagusto sa kanya si Azer. People fell inlove with the looks, kaya walang kaso kung hindi maganda ang ugali mo, basta maganda at sexy ka, you can make them drool over you. Sa panahon ngayon, sa sampong tao isa lang ang hindi nagbabase sa panlabas na kaanyuan.

"Oh bakit ang tagal mo? Tara na! Ikaw nalang ang kulang." Naabutan kong nasa kusina si Clau na kinukuha ang ibang pagkain.

"Nakatulog ako," Mukhang hindi naman niya mapansin ang pamumugto ng mata ko dahil hindi naman siya nagtanong. Minabuti kong tulungan siya at pagkatapos ay dumiretso na kami papunta sa dalampasigan.

Pagka labas ay agad kong nakitang nagkakasayahan sila sa baba. Lumapit si Tristan at Chandy upang tulungan kami sa aming mga dala kahit hindi naman kabigatan ay hinayaan na namin silang magdala ng mga pagkain.

Dumiretso kami sa isa sa mga kubo kung saan nakahain ang iba naming pagkain at sa 'di kalayuan ay nagiihaw si Troy at Ivan, mga kagrupo ni Tristan.

Hindi ko naiwasang hindi mapatingin sa paligid, tila may hinahanap ang mga mata ko. It stops when I met his deep brown eyes. Hindi ko  mapigilang hindi mapatitig sa kanya,
Bahagyang nakakunot ang noo na tila ba hindi nagustuhan ang nakikita. The way his muscles tensed when he's serious and the way he stares, everything about him is too much for me.

Ng bumaba ang tingin nito sa suot ko ay lalong nagtagis ang ganyang bagang. Marahan itong napailing at siya na mismo ang naunang umiwas ng tingin. Halos mag init ang pisngi ko ng mapagtanto ang nangyari. Sobrang apektado ako sa presensya niya! At talagang nakipagtitigan pa ako. Na parang walang nangyari kanina!

Napababa ang tingin ko sa suot ko. I'm wearing a maong shorts and a halter top. What's wrong with this? He don't expect me to wear my pants here, don't he?

What the fck Amethyst?!

Natigil ako sa pagiisip ng may mapadpad na bola sa harapan ko. Agad ko 'tong pinulot at bumaling upang ibigay sa kung sino man ang naglalaro nito. "I'm sorry, ang careless ko hindi ko nasalo" She then smiled shyly.

"It's fine, hindi naman ako natamaan. Reiko, right?" I saw her froze when I said her name. Pero kalaunan ay nakabawi at nagabot ito ng kamay sakin. "Reiko Jillian Miller" She's a Miller? That explains her american features. She smiled as we shaked hands.

The Last Piece (Flower Boys Series #1)✔Where stories live. Discover now