Piece 33

243 11 3
                                    

Safe

One week have passed, but he's still unconscious. One week na din akong tulala, I was just here outside his room. Umuuwi lang ako para magpalit ng damit pero pagkatapos ay bumabalik agad.

Gusto ko andito ako pag nagising siya. Gusto ko andito ako pag hinanap niya ako. Pero wala akong lakas ng loob pumasok. Maybe Mr and Mrs. Saavedra is just considerate and kind not to put the blame on me, o talagang mas pinili lang nilang tumahimik. But deep inside, alam kong kasalanan ko.

I'd rather stay outside and wait for him. At gusto kong isipin na hindi siya nakahiga doon. I just want to wake up from this nightmare. The last time I saw him, malakas ito, he's mad at me pero hindi ganito, hindi yung nakaratay siya at walang kasiguraduhan kung kelan magigising.

"I know my son will be glad if he'll see you once he open his eyes." Mrs. Saavedra is now standing infront of me, kakalabas lang nito sa silid ni Azer.

I bowed my head, I don't think I can fame them right now, baka ngayon ay alam na nila ang lahat ng nangyari. I wouldn't be surprise if she'll throw me hurtful words, ngayon na kaming dalawa lang ang magkasama.

"Azer is my only child, all I want is the best for him, years ago ipinagkasundo ko siya sa isang pinagkakatiwalaang kaibigan I thought that is the best choice for him, not until I discover that he's inlove with someone else," Ikinagulat ko ang biglang pag oopen up niya, aaminin ko, kinakabahan ako sa kahahantungan ng usapang ito. Eto na ba yung ikinakatakot ko?

"Akala ko wala lang, akala ko mawawala. But that day he knew about her fiance, naglayas siya. Pinutol niya ang lahat ng koneksyon niya sa'min. He's my son, I can't handdle losing him, kaya kahit pangalan ko ang nakataya, basta para sa kanya at sa ikakasaya niya, I'll give everything up. I'll do whatever it takes to make him happy, kaya sino ako para ipagkait ang karapatan niyang pumili ng mamahalin niya." Hindi ko alam kung saan kami dadalhin ng usapang ito pero pinili kong makinig, I want to comfort her just how Stella can do it, pero wala akong lakas, pinili ko nalang tumahimik at makinig sa kanya.

"Nasasaktan ako pag nasasaktan siya, but who am I to ask for your forgiveness? I know everything iha, he've hurt you, wala na akong magagawa kung hindi mo siya kayang patawarin. Ayoko man makielam pero kung wala ka ng nararamdaman sa anak ko, please stop giving him false hopes."

Naiintindihan ko, gusto kong intindihin siya pero ang hirap. Iba pala talaga pag magulang na ng mahal mo yung kaharap mo? Ang hirap lumaban. Ang hirap sumagot kahit alam mong wala kang ginagawang masama, kahut alam mo ang tama.

That same day, pinili ko nalang umalis. I don't want to be a hindrance in their family. I love him, pero hindi ako ang kailangan niya. I will be the death of him, ako ang ikakabagsak niya, tama sila. Noong nawala ako ay kinaya niyang maging matagumpay, kinaya niya ng wala ako.

Abala ako ngayon sa pagaayos ng mga papeles na kakailanganin ko, nakapagdesisyon na ako na manatili dito, hindi dahil para mangyari ang kami' kung hindi dahil pinili ko kung ano ang tunay kung gusto. I'm tired of running, I'm tired of hiding. This time, I'll face my destiny. If I'm destined to stay here, without him, tatanggapin ko ng bukal sa loob kung ito ang maglalayo sa kanya sa kapahamakan.

He's almost two weeks unconscious. Gustuhin ko man puntahan siya, ayoko ng ipilit. All I could do is to pray for him to be safe. Going there will cause me trouble, hindi rin naman niya ikakagaling 'yon. Sa ngayon ay masaya na ako sa ibinalita ni Lake na  sinabi ng doktor na anytime soon magigising din ito. Atleast he's still here in this world. 'Yon nalang ang hinihiling ko, hindi man siya maging akin basta alam kong buhay siya, I'll be sad but glad and happy at the same time.

"Where do broken hearts go, do they find their way home-" Masamang tingin ang ipinukol ko kay Chen. He's not a good singer, I tell you.

"The fuck Chen?" Napapailing na sabi ko dito.

The Last Piece (Flower Boys Series #1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon