Piece 21

299 8 3
                                    

One minute

"Isama niyo na kami, boring sa bahay." Pagmamaktol ni Clau. Nandito kami ngayon sa mall naghahanap kami ng maisusuot sa darating na debut ng isa naming kaklase.

"Hindi magandang nandoon kayo. Isa pa, diba hindi ka naman pinayagan Amy?" Baling sakin ni Chen. Ipinag kibit balikat ko lang ito. Ang totoo ay papayagan naman ako basta sila ang kasama. Sila lang itong nagbabawal. Pupunta kasi sila ngayon sa isang bagong bukas na high-end bar sa Makati na pag mamay-ari ng kuya ni Atlas, she's a rising star kaya hindi malabong madaming pupunta sa opening no'n mamaya. Good thing she's Lake's best friend kaya agad kaming makakapasok. Not to mention the place and it's interior is next to Valkyrie!

"Sige na ano ba naman yan! Hindi kami makikielam mambabae kayo kung gusto niyo basta sasama kami" Naka pamewang na sabi nito habang si Chandy ay tahimik lang na nakamasid dito.

"Bahala nga kayo! Basta 'wag kayo sakin magpapahatid" Naka-ngising sabi nito. Tingin ko ay may kasama nanaman ito mamaya. This guy!

"Pass din ako. Kung gusto mo Amy ay kay kuya ka mag pasundo kung papayagan ka" Nakatawang sabi ni Lake.

"You want to go?" Naramdaman kong nasa likod ko si Azer ng magsalita ito kaya heto at kinakabahan nanaman ako.

"I-If Clau wants to, ayoko naman na siya lang mag-isa ang babae" Mahina kong bulong dito. Maging ako ay nagtataka kung bakit kailangan pa naming mag bulungan.

"Hm, ok then. Ako ang maghahatid sa inyo" Ma-awtoridad na wika nito.

Mag aalas kwatro na ng hapon ng makauwi ako sa bahay. Alas-otso ang alis namin kung kaya't madaming oras pa para makapag handa.

Naisipan ko na lamang mag bukas ng aking facebook dahil matagal-tagal na rin simula ng ginamit ko ito dahil na din nabusy ako sa exam.

Ilang posts mula sa mga kaklase ko ang bumungad sa wall ko, kanya kanya sila ng pinuntahan ngayong sem-break. Sinusulit ang dalawang linggong walang pasok. Pero ang nag-papukaw ng atensyon ko ay ang post ni Stella kung saan kasama nito si Azer sa tingin ko ay isang bar. The post was entitled "Let the games begin" medyo nakatagilid si Azer habang nakasandal sa balikat ni Stella halos mahulog na ang mukha niya sa dibdib nito sa picture habang si Stella naman ay naka ngiti sa gilid.

Ilang comment din mula sa kaibigan ni Stella ang nabasa ko. Ang ilan dito ay walang preno ang bibig at talagang dinawit pa ang pangalan ko.

Hindi ko alam kung inis ba sa kay Stella o kay Azer ang mararamdaman ko. Ang akala ko ba ay ako ang gusto niya, ano to?

At ang kinakainis ko pa ay mukhang bago lang ito. Kelan to at bakit hindi ko alam? Nakakainis! Ang tanga ko para maniwala sa kanya!

Mag lo-log out na sana ako ng may mag pop na isang message mula sa messenger ko.

It's from Marco, an old friend.

"Hello"

"Buti at naabutan kitang online. I missed you."

"I heard from a friend that you're going to Night life?" 

Sunod-sunod na chat nito

"Yup. You know, Atlas is Lake's bestfriend. I missed you too."

Reply ko dito. Simula kasi ng nag kaproblema kami kay Stella ay hindi na kami masyadong nagkaroon ng komunikasyon dito. He's Stella's cousin pero wala naman itong maling nagawa samin kaya tama lang na pakitunguhan ko ito ng maayos. After all, he's a friend.

"That's great! See you there then."

Nagulat ako sa sinabi nito. Does that mean Stella would be there too?

The Last Piece (Flower Boys Series #1)✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora