Piece 3

407 29 8
                                    


He's true to his words. Tuwing pagkadating ko sa school ay walang Azer na bumubungad sakin ni hindi na rin siya sumasabay maglunch kapag kasama namin sila Chen.

Good for the both of us. Nakakapagod na ang araw araw na bangayan.

Naglalakad ako papunta sa restroom ng madatnan ko siyang may kasamang babae. Dinaanan ko lamang sila dahil wala naman akong paki ngunit hindi naiwasan ang panandaliang kurot sa dibdib ko ng magtama ang mata namin at agad siyang umiwas na tila ba wala lang ako sa kanya.

Fck. Gusto ko to diba? panindigan ko.

Napatakip ako sa bibig ng paglabas ko ay naghahalikan na sila at nakikita kong naglalakbay ang kamay ng babae sa katawan niya. Fck you Azer!

"Get a room" bulong ko sa sarili ko nang nalagpasan ko sila.

Tama lang na kay Tristan ako. Hindi niya man ako gusto, alam kong hindi siya gaya ng lalaking ito.

"Oh? ano nangyari at magmasalubong nanaman ang kilay mo?" natatawang bungad sakin ni Clau.

"Tss. Wala" sabay salampak ko sa upuan ko.

Natapos ang klase na hindi siya pumasok. The hell I care. Naisipan nalang naming magmall ni Clau tutal ay wala namang pasok bukas kaya pupwedeng magpagabi.

"Tara na?" Yaya nito sa akin.

Palabas na kami ng harangin kami nila Chen.

"Uuwi na kayo?" Tanong ni Chandy sa amin.

"Nope Magmo-mall pa kami" nakangiti kong saad.

"Tamang tama sama kami!" Sabi ni Chen.

"Sure kayo? baka mainip lang kayo" napatingin ako kay Tristan na kasunod lang nila.

"No problem namiss namin mag arcade diba Tris?" tanong nito sa kanila.

"A-ah eh--" Hindi ko alam ang sasabihin dahil nakita kong paparating si Azer ayoko naman na sumama siya lalo na sa nakita ko kanina. Nandidiri ako sa kanya.

"Sige na Amy, isama na natin sila" sabi ni Clau sa tabi ko.

"Ayos! Azer? sama ka?" tanong ni Chen dito. Please say no.

"Hindi na, may kailangan akong puntahan" sa gilid ng mata ko ay kita kong nakatingin siya sakin. May pupuntahan? Bakit may round 2 pa ba sila?

Oh gosh! Amy ano ba yang iniisip mo nadudumihan na ni Azer ang utak mo!

"Ok. Next time then? tara na!" masayang sabi ni Chen.

Pagkadating namin sa mall ay napagpasyahan naming kumain sa Jollibee dahil yun ang gusto namin ni Clau kaya wala silang nagawa.

"Sa gwapo kong to nagmumukha akong third wheel sa inyong apat" natatawang sabi ni Chen.

"Siraulo" mahinang sapak sa kanya ni Chandy.

"What? seryoso! You and Clau my cousin and Tristan. Damn dapat pala sinama ko si papa Azer" parang baklang sabi nito.

Nahihiya akong napatingin kay Tristan ngayon ko lang napagtanto na para nga kaming nagdodouble date at epal lang si Chen. Napangiti ako sa napagtanto ngunit agad din ito nawala ng makita ko sa labas ng Jollibee si Azer. Ng tignan ko uli ay wala na siya, marahil ay namalik mata lamang ako.

"Uh anong order niyo?" tanong ni Chan sa amin.

"I'll come with you, Amy?" nagulat ako ng tumingin sakin si Tristan.

The Last Piece (Flower Boys Series #1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon