Piece 20

315 9 4
                                    

Warning: Contains mature content.

Until

Naghihikab akong nag-unat pag katapos sagutan ang huling numero ng paper ko. Natapos din sa wakas! This will be our last exam for this quarter. Halos dumugo ang utak ko sa sobrang pagkapiga. Apat na oras kami tuloy-tuloy na nag exam ni wala man lang binigay na break samin. Kaya laking tuwa ko ng matapos ito.

"Badtrip!" Nakabusangot na mukha ni Chen ang nagpatuwa sa amin ngayong araw. Kung bakit kasi kokopya nalang ay nagpahuli pa.

Habang naglilinis siya ng gym ay tuwang tuwa naman kami ni Clau sa kakarinig ng mga mura at reklamo niya. May practice game sila ngayon pero heto siya at naglilinis sa gilid! Serves him right.

"Ok team, break muna" Pag kasabi ng coach nila ay sa amin agad sila dumiretso.

"Oh, may bago pala tayong janitor? Kuya paki-mop nga ang banda doon" Tumatawang sabi ni Azer dito.

"Fuck you,"

"Sorry, dude. I don't eat hotdogs." Nandidiring sabi nito habang tumatawa pa din.

ilang kantyawan pa mula sa ka-team ang natamo nito kaya lalo siyang nainis. "Damn it! Ayoko na!" Naasar itong sumalampak sa sahig pagkatapos ihagis ang mop.

"U-uh Chen, kailangan mo ng tulong?" Isang babae ang lumapit samin na kina ngisi ng loko kong pinsan. Damn this man! Wag mong sabihin na pag lilinisin niya ang babae?

Bago pa ito magsalita ay inunahan ko na ito. "Ay nako miss, baka mahuli kayo ni Ma'am Isla mahirap na kung madadamay ka pa" Nanlaki ang mata ng babae ng marinig ang pangalan ng guro. Hindi kasi basta basta ito, marahil ay dahil na din sa pagiging matandang dalaga kaya maging si Chen ay walang palag.

Pagkatapos ng ilang oras ay natapos din ang game kasabay ng parusa ni Chen. Tatawa tawa lang si Chandy at Azer sa gilid. Sumasama na muli sa amin si Tristan medyo tahimik lang ito. Well, tahimik naman talaga ito noon pa.

"Man! You're a disgrace to the family" Napapailing pa si Lake habang pina-pangaralan si Chen.

"Wow! Coming from the guy who've done worst?" Walang ginawa ang dalawa kundi mag talo kung sino ang pinaka black sheep sa pamilya. Nag away pa, pareho lang naman sila.

Nandito kami ngayon sa bahay nila Chen napag planuhan kasi namin mag sleep over tutal ay last day na ngayon dahil semestral break na. At dahil mapang asar si Lake ay pumunta siya dito para lang asarin itong si Chen at para na din makigulo sa amin.

"Ok lang ba kayo dyan? I'll be upstairs. Feel free to ask the maids kung may kailangan kayo alright?" Nakangiting sabi ni tita Nica. Kahit nasa Early 40s na ito ay hindi pa din maitatago ang ganda nito. Natural na maputi ang kanyang balat at ang tangkad nito ang lalong nagpa ganda sa tindig niya. Hindi mapapagkailang maganda ito nung kabataan.

"And Chen, honey. Be good alright?" Natawa kaming lahat sa pahabol nito bago umakyat. Talagang bine-baby nila si Chen bukod sa nag iisang anak ay mommy's boy kasi ito.

"Baby Chen, mag-palit ka na ng shirt basa na ng pawis" Nang-aasar na sabi ni Lake.

"Damn you man!" Habang nagtatalo yung dalawa ay busy kaming nagaayos ng makakain ni Clau. Napag planuhan kasi naming mag-pool party at hindi na din mawawala ang inuman ng mga lalaki.

"What's the score between you two?"

"huh?" Tugon ko sa biglang pagtatanong nito.

"I mean, Azer and you.. You know, lately napapansin kong nagkakalapit na kayo" Mapanuyang sabi nito.

The Last Piece (Flower Boys Series #1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon