Chapter Four

1.6K 56 0
                                    

Chapter Four

"Ihja, we will be gone for two weeks. Kailangan kong asikasuhin yung mga pananim natin sa La Union. Isang linggo ko rin kasing di naasikaso iyon." I was reading  when dad told me that.

Siguro ito na ang pinakamagandang mga salita ang narinig kong binigkas ni dad.

"Sure, dad." I stopped myself from grinning baka akalain na naman nito na masaya akong aalis siya dahil magagawa ko kung anong gusto kong gawin. Oh well, I won't deny it. Masaya akong aalis siya but that doesn't mean I'm gonna gimik na.

"No gimik ha? Stay at home especially kung wala ka namang gagawing importante sa labas. You can call Dane to sleep over here para may Kasama ka liban sa mga kasambahay natin."

"I'll do that po."

"Osige na. We're leaving." Sabi nito at pumasok na sa kotse.

"Ingat po kayo ni Tita!" I waved my hand and watched the car move.




"Nay beng, paki kuha nga po yung ice cream diyan sa Ref."

This will be a boring afternoon, ikakain ko na lang 'to.

"Heto na Louis."

"Thanks po."

Sinimulan ko ng kumain and took my phone para makapag Facebook. I tapped the chat button and looked for Dane's name. Online ang bruha.

I-chat ko na kaya para maaya ko na? Ay, wag na nga.  I'm gonna call her nalang later. Tinatamad akong mag-type.

I kept on scrolling hanggang sa may maalala ako. Si thymus. How is he na kaya? I don't know what made me searched his name on facebook. Parang kusang nag-type ang mga kamay ko. Weird. Nang makita ko ang nag-iisang account niya ay agad ko itong pinindot at tiningnan ang timeline niya.

Puro "get well soon" at "please wake up" ang nababasa ko. Maybe these are his friends or relatives. Taga kabilang school pala ito and we are both senior. Yun nga lang, he's in grade 12 na while I'm a grade 11 student. So, sayang pala talaga kung hindi ito magigising. Nasa huling taon na pa naman  to ng highschool. I suddenly felt sorry for his family.

Gosh. Bakit ko nga ba inii-stalk to? He got my curiosity talaga kase. Napaka coincidence kase ng pagkakakilala ko sa kanya eh. Biruin mo 'yon, I just saw him on facebook tapos malalaman ko na naaksidente pala to at we are in the same hospital pa talaga noon.  To think, hindi ko siya kilala niyan ah? Tama na nga to. Nagiging tsismosa na tuloy ako sa buhay ng ibang tao.









"Bes, sorry natagalan. Humiram pa kase ako ng mga CD's sa pinsan ko. Kinalkal pa niya yung mga horror movies na to! Kaloka ka ba't kase ang hilig mo sa horror?"

I chuckled. "Walang basagan ng trip."

"Wait, diyan ka lang muna. I'll get some snacks."

"Make it fast, Hae. Nakakatakot itong pinapanuod mo baka kainin ako ng multong to!" Sabi nito na halatang takot na takot.

"Kalokohan mo talaga." Tumayo na ako at bumaba tapos dumiretso agad sa kusina.

Patay na ang mga ilaw. Tulog na siguro sina 'nay beng. Since medyo maliwanag naman ang buwan, di ko na binuksan ang mga ilaw kaya lang nung papunta na ko sa ref, biglang humangin ng malakas lumikha tuloy ito ng nakakatakot na tunog.

Tinuloy ko na lang ang pagpunta sa kinaroroonan ng ref para makakuha na ng pagkain at pagkasara ko nito ay halos himatayin ako sa nakita. Omg! Ano yon? Parang may anino na nakatayo sa pinto malapit sa bintana! I blinked and sighed. Jusko, akala ko may multo na naman. Pusa lang pala! Nakatungtong kase to sa bintana tapos nasisinagan pa ng buwan. Dahil sa inis ko kinuha ko yung walis tingting at hinmpas ko siya.

"Buwisit ka, tinakot mo ako. Layas! Kulay itim ka pa naman akala ko tuloy multo. Tsupi!"

Siguro naman hindi ako makakasuhan sa ginawa kong panghampas sa lintek na pusang iyon, hay!

Secretly In A Relationship With A GhostWhere stories live. Discover now