Chapter Seventeen

1.2K 41 0
                                    

Chapter Seventeen

"Cause there'll be no sunlight if I lose you baby there'll be no clear skies if I lose you baby just like the clouds my eyes will do the same when you walk away everyday it will rain rain rain raaain."

"Wow. Your voice was good."

Marahas akong napalingon sa nagsalita. I gasped when I saw a handsome chinito smiling widely at me. Shocks, narinig niya akong kumanta! Biglang nag-init ang mukha ko. What a shame! Bumirit birit pa naman ako.

"N–nakakahiya kaya."

Ayan nagkanda-utal pa tuloy ang boses ko. Buwisit talaga. Ngumiti ulit siya kaya lalong naningkit ang mga mata niya. Nakakakita pa kaya 'to?

"Nah. Wag ka ng mahiya. It was really good. Anyway, what's your name?" Nakangiti pa rin niyang tanong.

"Bakit ko sasabihin? Kilala ba kita?" Medyo mataray kong tanong din sakanya para makabawi sa pagkapahiya.

Saka wag niyang sabihing porke nagandahan daw siya kuno sa boses ko at cute siya eh sasabihin ko na ang pangalan ko. Neknek niya.

"Whoa. Ang taray mo naman. Ako muna magpapakilala, sige. I'm Dustin Moto."

Seriously? Moto? Chinito mo 'to. Joke.

Bago ako makasagot ay dumating si Dane. "Beshy, sorry natagalan. Ang hirap naman pala nung quiz niyo. Di ka ba nainip?" Tanong niya at bumaling sa kasama ko.

"Alright. Sa tingin ko naman hindi. Hey, handsome. My name's Dane. How about you?" Dane's voice sounded so girly. Eww! What a bitch.

Ngumiti si chinito mo to este Dustin Moto sakanya. "Dustin. I'm dustin."

"Gosh, beshy. Iniwan lang kita sandali may nadekwat ka agad. Iba ka talaga! Isa kang alamat!" Kinikilig na bulong ni Dane kaya inirapan ko siya at tumigil naman siya sa pagfa-fangirl niya.

"Hey. Di mo pa sinasabi pangalan mo." Baling ni Dustin sa akin.

"Seriously, Hae? Di mo pa sinabi? Ang bagal mo naman pala. Alam ko na kung anong klaseng alamat ka. Alamat ng pagong."

Sa sinabi niyang 'yon ay siniko ko siya kaya napdaing siya sa sakit. Bagay sayo 'yan.

"Fine. Ako si Hae Louis Alberona." I huffed and took his hands.

"Ang taray may shakehands pa. Samantalang ako wala." Dinig kong bulong ni Dane.

Suddenly a cold wind embraced me. Wait, familiar ang lamig na 'to. I looked around to check if he's here but I only got disappointed. Guniguni ko lang siguro 'yon. Binitawan ko na ang kamay ni Dustin.

"Ah, Dustin? Bakit ngayon lang ata kita nakita dito sa school namin?" I heard Dane asked him.

Hindi pa rin ako makaget-over sa nangyari. Ito ba ang epekto 'pag namimiss mo ang isang tao? Nagiging paranoid. Geez.

"Actually. Im a grade 12 transferee student. Galing akong Japan."

"Oh. I see. Hoy, Hae. Tulala ka na naman diyan?"

Napatingin ako sakanya at kay Dustin.
"Wala to." Sagot ko.

"Hay nako, Dust. Wag mo 'tong pansinin. Iniisip niya siguro 'yung mga kapwa pagong niya."

I gave her a glare but she just raised her brows at me. Bruha talaga.

Nag-ring a cellphone ni Dustin kaya lumayo siya sandali at sinagot 'yon.

"Alright. Arigatou Gozaimasu."

"Ah girls. I have to go. May emergency kase sa bahay. Nice to meet you Dane. Especially you, Hae Louis." He said and kissed my left cheek.

Pagka-alis niya ay hindi ako nakagalaw. Not because of what Dustin did. It's because of the guy right now infront of me. Nanlambot ang mga tuhod ko sa mga titig ni thymus. Gosh, he is giving me a heart attack.

Secretly In A Relationship With A GhostWhere stories live. Discover now