Chapter Ten

1.4K 41 0
                                    

Chapter Ten

Walang pasok ngayon so I decided to clean my room. Nag-paalam kase ang dalawang katulong namin ng isang araw lang naman na aalis muna kaya ako na lang ang maglilinis ng kuwarto ko besides, 'di naman 'to ganon ka rumi kaya keribels ko 'to.

"Hoy, umalis ka sa harapan ko at baka mahampas ko sayo itong hawak kong walis!" Banta ko kay thymus dahil hinaharangan niya ang winawalisan ko. Ngawit na ngawit na ako sa kakayuko tapos siya haharang-harang. What a pest!

"Edi hampasin mo. I don't care, besides I'm enjoying the view here." Sabi niya kaya humarap ako sakanya kaya lang parang hindi siya sa mukha ko nakatingin. Napayuko ako at doon ko narealize na maluwag nga pala 'tong suot ko! Now I knew what view he is talking about. Bastos!

"You pervert!" I hissed and covered my chest.

"You have a nice tits." Sabi nito at ngumisi.

Oh my God! Nakakakilabot siya! Not that mukha siyang manyak. Ay oo mukha nga siyang manyak sa ginawa niya pero guwapong manyak. Kaya kinalabutan ako. Shet, may ganon ba?

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa paglilinis.

"Nga pala, thymus." I broke the deafening silence between the two of us. Ako rin pala ang hindi makakatiis, Geez.

"I know I've already asked you this but... do you mind giving me an exact answer? Not those vague answers you told me last time."

His forehead creased. "Ano?"

Bumuntong hininga muna ako bago nag-salita ulit.

"Bakit hindi ka sa inyo nag-pupunta? I mean, ba't 'di ka roon gumagala?"

Kase diba it's very usual for a ghost na magpagala-gala sa kanila? Yung sa mga kakilala nila. Ganoon kase napaanood ko.

"Sinabi ko na sayo, hindi puwede." Sagot niya.

"I don't understand. Can you give me a clear answer? Or explain to me kung bakit 'di puwede." I demanded.

I heard him sighed and avoided my gaze. Sana lang 'di pa to nakukulitan sa akin.

"Hindi ko alam kung bakit sa tuwing aapak ako sa ospital kung saan ako naka-confine, sa ibang direksiyon ako napapadpad. It looks like something's preventing me to take even a single step there."

Wow, that's weird.

"Talaga? How about in your house?" Tanong ko pa.

"I did. But unlike in the hospital, nakakaapak ako sa bahay namin."

Ah. Siguro kapag wala siya dito sa kuwarto ko ay sa bahay nila siya nagpupunta. Teka, bakit ganon? Sa ospital 'di siya makaapak pero sa bahay nila pwede. Ang gulo ah!

"Ayun naman pala. So, why don't you stay there na lang?"

"Halos walang tao sa bahay. Who knows baka may kanya-kanyang buhay ang mga magulang ko ngayon." Tugon nito at saka umalis.

He sounded bitter. Hindi ata nito alam na nandoon ang mga magulang niya at halos hindi alam ang gagawin magising lang siya. Well, I can't blame him though. Hindi siya makaapak sa ospital na 'yon so hindi niya alam na naroon ang mom at dad niya. Back to the topic, naalala ko bigla 'yung blog na nabasa ko about sa mga ghosts and souls thingy.

According to that blog, ang tao kapag namatay or even in the verge of dying, aalis ang kaluluwa nito sa katawan niya at ang kaluluwa na iyon ay maglalakbay kung saan niya man gustuhin. Pero bakit ganon? Iba ang kay thymus. Pinagpatuloy ko na lang ang pagwawalis. But my mind is still wandering. Baka naman kaya hindi makapunta sa ospital na iyon si thymus ay dahil may dahilan? Sabi nga nila, everything happens for a reason. Di kaya may ginawang hindi maganda 'yung multong 'yon kaya ganyan ang kalagayan niya?

-----------
A/N: Gawa-gawa ko lang po yung blog thingy 😂 k. bye!

Secretly In A Relationship With A GhostWhere stories live. Discover now