Chapter Fifteen

1.3K 39 0
                                    

Chapter Fifteen

Nagdaan na ang ilang linggo pero wala akong nakitang thymus. Wala na siya sa kuwarto ko. Wala ng nambabadtrip sa akin. Which is good but I'm not use to it. Sanay kasi akong binubuwisit niya. Siguro narealized na niya yung sinabi ko noon na sa kanila na lang siya gumala at manggulo. Pinagsisisihan ko tuloy 'yon. Hindi ako sanay na wala siya kahit pa sabihing hindi ko naman nararamdaman ang presensiya niya. Well, nagkamali pala ako don. I can feel his presence, his cold presence. Kapag nandyan siya, laging umiihip ang malamig na hangin.

"Hoy beshy!"

"Ano ba!?" Angil ko. Tinapat kase ni Dane ang bibig niya sa tenga ko at don sumigaw. What a bitch! Ugh.

"Bakit ba tulala ka na naman? Kanina pa ako tanong ng tanong sayo eh!" Reklamo niya.

"Sorry. May iniisip lang ako."

"Wag mo munang isipin 'yan! Ang isipin mo Muna ay yung tinatanong ko. Ano na? May multo nga sa inyo?" She asked, terrified.

Thymus really made it. Natakot niya talaga itong si Dane. Kahit maarte kase 'to hindi naman matatakutin.

"Yes."

"Oh my gosh! So nakikita mo siya? Grabe. I always thought that ghosts doesn't exist." She exclaimed.

Since naniniwala na siya sa multo maybe this is the right time for me to tell her about thymus.

Ngunit bago pa ako magsalita ay nagtanong agad siya.

"Is he or she scary? Duguan ba ang mukha niya? May saksak ba siya? God! Can you even sleep at night?" Pahisterya niyang tanong.

Tinampal ko ang noo niya because she's exaggerating things.

"He's not scary. Wala siyang saksak or whatsoever. He's decent"

Natutop niya ang kanyang bibig. "Omg beshy. So, Isa siyang He? Anong itsura niya?"

I rolled my eyes because of her silly question. Grabe rin ang isang ito. Kanina takot na takot siya habang nagtatanong ngayon parang excited na siya malaman ang itsura ni thymus.

"Well, he is handsome." I admitted. What's the point of denying right if he's guwapo naman talaga.

Her eyes widened and started to scream without voice coming out of her mouth. Geez. Mukha siyang engot.

"Oh. My. Gosh! Anong pangalan niya? Gimme his name and I'm gonna stalk him even though he's already a ghost."

Basta guwapo talaga hindi palalampasin nito eh. Tsk. Kinuha ko na lang ang phone ko at hinanap ang Facebook account ni thymus. Nang makita ko 'yon ay agad kong nitap ang profile picture niya at ipinakita ko agad 'yon sakanya.

"For real!? Thymus Niccolo Deveraturda? Seryoso ka ba talaga?" Gulat na tanong niya.

Oh. May second name pala si thymus?

"Oo sabi. Do you know him?" I curiously asked.

Dane heaved a deep sighed. "Of course! My God. He is a well known basketball player beshy! And he is popular kahit saan. Pero taga kabilang campus siya."

Oh, right. Alam ko na taga kabilang school siya but I didn't know that he's a well known basketball player.

"Okay." Tipid na tugon ko.

"Bakit parang 'di mo alam? Oh. Wala ka nga palang alam sa mga lalaki. Si Hae Louis na walang alam." Humalakhak siya.

Sinimangutan ko siya. Ang hard nito saken. Ano ba kasing magagawa ko? Sa halos ilang buwan na nakasama ko si thymus wala siyang kinukuwento tungkol sa buhay niya. Samantalang ako, naikuwento ko na lahat sakanya. Yes, he make fun of me but he's distant. Pag alam niya na seryoso na ang usapan lalo na pag sakanya ang topic, umiiwas na siya.

"Wait. Edi beshy patay na si thymus?"

"Nah. Comatose siya. At pagalagala lang ang kaluluwa niya." I said.

"Ah. Maybe because of the accident."

Napatingin ako kay Dane. Alam niya 'yon?

"Alam mong naaksidente siya?"

"Yeah. Usap-usapan 'yan dito sa school last month. As what I've said, he's popular. Siguradong nagdadalamhati na ang mga flings niya. Kawawa naman."

Asus, kaya pala ang yabang ng mokong eh playboy pala. Bat pa nga ba ako magtataka eh ang guwapo niya. Damn, bakit parang may kirot akong naramdaman nung sinabi ni Dane na nagdadalamhati ang mga flings niya? Geez.

"Eh dito? May fling ba siya?" I tried my best not to sound curious.

"Jusko. Oo naman. Alam mo 'yang si Nicka? Isa siya sa mga flings ni thymus dito. Kala mo kung sinong magaling na lider eh lalandi-landi naman." Sumimangot si Dane.

"Nga pala beshy. Saan mo siya nakita or na meet?"

Kinuwento ko sakanya lahat. Mula doon sa nakita ko si thymus sa washroom hangang sa binlackmail niya ako para magstay sa bahay namin.

"Talaga?! Ang suwerto mo beshy! Bakit ngayon mo lang sinabi ang lahat ng ito?!"

Napaigtad ako ng hampasin niya ako sa braso. Shit. For sure namula agad 'yon. Ang putla kaya ng balat ko.

"Eh kasi nga alam kong hindi ka maniniwala. Kaya tinago ko muna sa sarili ko." I explained.

Natahimik siya pero mayamaya ay hinampas ulit ako. Gah! Nakakarami na siya huh.

"Ano na naman?!" Asik ko.

"Para 'yan sa pananakot niya sa akin." Irap niya.

"Eh bakit ako hinahampas mo?"

"Hindi mo kasi siya pinigilan! Nakikita mo naman pala. Siguro tuwang-tuwa ka sa itsura ko no?" Maktol niya.

I chuckled a bit. " Hindi naman. Makulit kase 'yon eh. Hindi titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto."

"Ganon? I have an idea. Let's visit him in the hospital!"

"Ha? Anong gagawin natin 'don?" Takang tanong ko. Ang laki ng problema nito sa utak eh. Kung ano ano naiisip.

"Wala naman. We'll just visit him. O kaya, punta na lang tayo sa inyo. Pakilala mo 'ko." She grinned.

Napalunok ako bago sumagot. "Wala na siya sa amin eh."

Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako nung sinabi ko 'yon. Bat ba kase sobrang  affected ako sa biglaang pag-alis ni thymus.

"Ha? Bakit? If that's the case, our last option is to visit him. Come on, akong bahala kung may nagbabantay man 'don."

May parte sa utak ko na nagsasabing wag ng tumuloy dahil hindi ko naman siya makikita 'don. Pero ang puso ko ay umaasa na kahit papaano 'siguro' makikita ko siya. For now, i'll let my heart decide. Bahala na.

Secretly In A Relationship With A GhostDonde viven las historias. Descúbrelo ahora