Chapter Seven

1.5K 53 0
                                    

Chapter  Seven

Wala na akong naging choice kundi ang hayaan siyang sundan ako dito sa bahay namen. Paano namang hindi? Seryoso pala siya nung sinabi niyang gagawin niyang impyerno ang buhay ko! Hihindian ko na sana siya ulit kagabe but guess what he did? He threw all the books on the floor! At sakto dumating yung librarian pinapili pa talaga ako kung aayusin ko ba yung mga libro o ipapa-office niya ako. My God! Alangan namang hayaan kung ma-office ako kaya ayun. Pinulot at inayos ko na lang yung mga libro ang dami pa naman! Buwisit talaga. Hindi na tuloy ako natatakot sakanya kahit pa multo siya, naiinis na ako super!




"Diba multo ka? Paanong nangyaring nahahawakan mo ako? At ang malala pa 'di  kita mahawakan. Why is that?" I asked while removing my sock.

"I don't know. Pero siguro ang nakasanayang paniniwala ng mga tao tungkol sa mga multo ay mali. But I think it's  an advantage" sabi nito at ngumisi.

Of course it's an advantage for him. He can do what he wants to do. Kasama na don ang pangbla-blackmail sa aken at pagbibigay ng death threats.

"Bakit ba kase sumama ka pa sa akin? Bakit dika gumala sa bahay niyo para mabantayan mo parents mo. Hindi yung binubuwisit mo ako dito!" Sabi ko.

Nabura ang ngisi sa labi niya nang binanggit ko ang mga magulang niya. Ano kayang problema neto?

"I can't."  Yun lang ang sagot niya at tumalon sa bintana ng kuwarto ko. Maga-unwind siguro sa labas 'yong multong iyon. Mabuti pa nga.

"Louis, handa na ang hapunan bumaba ka na diyan"

"Ayan na po." Sagot ko.  Hindi nga muna ako maliligo at baka biglang dumating ang multong 'yon at silipan pa ako.







"Oh, bakit dito ka sa baba naligo? Sira ba yung shower mo sa taas?" Nagtatakang tanong ni 'nay beng.

Ngayon lang kase ako naligo dito sa banyo sa kusina.

"H–ha? Hindi po sira. Feel ko lang maligo dito." Sagot ko at alanganing ngumiti. Ano bang malay ko at nandoon na pala sa taas si thymus habang naliligo ako. Edi nakasilip siya. Neknek niya!

"Ganun ba? Osiya sige. Liligpitin ko na  itong mga pinagkainan."

Hindi na ako nagkomento pa at humakbang na ako sa hagdanan but before I could step again, nay beng uttered my name.

"Louis."

"Po?"

"Uuwi na pala bukas ang daddy mo. Tumawag siya kanina."

Omg. Dad's coming home!

"A–ah. Okay po." Sagot ko na lang at pumanhik na.






"What took you so long?" Nabungaran ko ang multong si thymus na prenteng naka-upo sa kama ko. Aba ayos ah! At home na at home ang mokong!

"Pake mo? Alis ka nga sa kama ko. Matutulog na ko!" Sabi ko at saka ko siya  pinaghahampas but unfortunately tumatagos lang ang mga kamay ko sakanya.

"Ugh! This is so unfair!" I said in frustration. Kaya hinayaan  ko na lang siya. Lintek talaga.

"I didn't know that being ghost is fun. I  can do whatever I want ng walang kumokontra." Sabi nito at humiga.

"Why? Hindi mo ba nagagawa yung mga gusto mo bago ka naaksidente?"

Kumunot ang noo niya sa tanong ko.

"How did you kow that?"

The f. Nakakaalala pala ang mga multo?

"H–ha? Hinulaan ko lang!" I said and looked away

"Really huh? Wait, naaalala ko noong nakita kita sa library. You uttered my name. Don't tell me, hinulaan mo lang din yon?" Sabi nito at nag taas ng kilay.

Wow. Bakit ang guwapo niyang tingnan? Ay, erase! Aaminin ko na nga! Ang talas pala ng memorya ng mga multo ano.

"Alright. I stalked you in Facebook. Noon heard it? Past tense." Pag-amin ko na ikinangisi niya.

"Stalker."

"Nah!" Hiyaw ko.

"Nagkataon lang na nakita ko yung picture mo sa Facebook ko kaya nacurious ako then nagkataon lang din na narinig ko naman yung pangalan mo na binanggit nung babae na mama mo pala sa ospital kaya nagkataon lang din na nung pinasok ko yung private room mo, ikaw nga yung nakita ko sa fb."

"Hindi pala stalker ha?" He said sarcastically.

Hindi nama talaga ako stalker ha! Curious lang!

Secretly In A Relationship With A GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon