Chapter Twenty-Seven

1.2K 45 1
                                    

Chapter Twenty-Seven

Dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto dala ang cell phone at papel. Pagkatapos ko kasing maligo kanina ay nakita ko na nakalapag sa kama 'tong papel at nakasulat ang pangalan ko kasama ng hindi ko maintindihan na mga salita. Pero ang hula ko, Latin ang wikang ito.

Pagkababa ko ay agad akong pumunta sa bodega para kunin 'yung lumang bike ni dad. Tiningnan ko ang phone ko para icheck ang oras.

"11:30pm."

May kalahating oras pa ako para makarating sa school. Nilibas ko na ang bike at nasimulang magpedal.

Although madilim, sinikap ko na 'wag ma praning para makarating agad sa pupuntahan ko. Eh paano ba namang hindi? Sa sobrang dilim ay feeling ko may magpapakitang multo sa akin or worst, zombie at habulin ako. My God.

Pagkatapos ng nakakapraning na pagpedal sa dilim  ay nakarating din ako sa harap ng gate ng school. Nakalock 'yon kaya 'di agad ako makakapasok neto. Goodness, nakakaloka 'to!

Wala akong choice kung hindi mag-over the bakod. Mabuti na lang nakajogging pants ako kaya hindi ako magkakanda-kanda tusok dito.

Pagkababa ko ng gate ay agad kong kinalap ang cell phone ko at tiningnan ang oras.

"Shit. 11:50 na!"

Tumakbo na ako papunta sa library–the place where I first saw him. At agad akong nakarating sa tapat ng pinto nito. Damn, may problema pa pala ako! Nakalock! Mawawalan na sana ako ng pag-asa nang maalala ko na may sikretong daan pala para makapasok dito.

Dumaan ako sa likod ng library at hinanap ang sira-sirang bintana nito. Good thing, hindi pa nakikita 'yon ng librarian kaya hindi pa napapaayos.

Pumasok na ako 'don at agad na sinwitch on ang mga ilaw. Gosh, I couldn't stand the darkness anymore.

Naglakad ako papunta sa cr ng lib at pumasok doon. Dito ang eksaktong lugar kung saan ko siya unang nakita. Sabi nung matanda, dapat may salamin. I looked around and mentally thanked God. Yes, may salamin!

Humarap ako don at nagsign of the cross. Pero bago ako magpray ay tiningnan ko muna ulit kung anong oras na. Five minutes before 12.

"Alright. Im gonna start."

Bumuntong hininga ako.

"Hail mary full of grace the Lord is with thee, blessed are thou among women and blessed is the fruit of thy womb, Jesus. Holy Mary mother of God pray for us sinners now and at the hour of our death Amen."

Bakit walang nangyari? Hindi naman umilaw 'yung salamin? Diba sabi niya dasalan ko lang 'tong salamin? Hindi kaya may eksaktong dasal para dito? Eh wala namang sinabi 'yung matanda! Jusko naman.

Tiningnan ko ulit kung anong oras na and to my shock, two minutes before twelve na! What am I gonna do now?

Naalala ko na may dala pala akong papel. Hindi kaya 'yon ang dasal para don? Mabilis kong kinalap sa bulsa 'yung papel at agad na binasa.

"Pater Noster, qui es in caelis
sanctificetur nomen tuum,
adveniant regnum tuum
Fiat voluntas tua
sicut in caelo, et in terra.
Panem Nostrum supersbustantialem
da nobis hodie
et dimitte nobis debita nostra
Sicut et nos dimittimus debitoribus
nostris
et ne inducas nos in tentationem
sed libera nos a malo."

Nanlaki ang mata ko nang makitang umilaw ang salamin. Pinakita non pangyayari kung kailan tumatakbo ng mabilis ang kotse ni thymus, pero bago 'yon bumangga ay umilaw ulit ang salamin at nabasag.

Tapos na. I gave him up. Wala na si thymus. Wala na ang boy friend ko.

"Good bye, Thymus. I'm finally setting you free."

Secretly In A Relationship With A GhostWhere stories live. Discover now