Chapter Nine

1.5K 45 0
                                    

Chapter Nine

"Thank you daw dun sa mga fresh veggies, pinapasabi ni papa kay tito Ernie."

Tinanguan ko lang si Dane. Hindi kase siya nagtagal sa amin noong araw na iyon dahil nagmamadali raw siya. Kaya she wasn't able to personally thank dad that time.

"Anyway, anong ganap last week? Is there something new?" Tanong nito.

Kung alam mo lang Dane. Ang daming new sa akin. New enemy and that's the annoying ghost thymus.

"Wala naman."

"Guys, wala raw ata si sir pabustan ngayon." One of my classmates said.

"Really? Sino namang nagsabi sayo niyan?" Tanong ni Girlie.

"I just heard. But I dunno if it's true."

Ano ba 'yan. Ang boring na nga tapos hindi pa papasok si Sir. After few minutes, dumating si sir pabustan kasabay ng pagsulpot ni thymus.

"Why are you here?" Gulat na tanong ko pertaining to thymus but it looks like sir pabustan thought it was him that I was asking. Siya lang naman kase ang nasa harap. Naku naman.

"Got a problem with that Ms. Alberona?" Tanong ni sir.

I shook my head. "H-ha? I mean nothing sir. I'm just glad you are finally here." I said with a sly smile.

"Okay, you may now take your seat." Sabi nito at mabilis akong na-upo. What a shame! ano na naman kayang ginagawa dito ni thymus?! I looked at him and he is on his usual smirk. Mayamaya ay bigla itong naglaho. Mabuti naman at ng makapag focus ako.

Dane nudged me. "Bes, anyare sayo?"

"Wala."

"Grabe Hae ah. Agaw eksena ka." Sabi nito at bahagyang natawa.

Kating-kati na akong sabihin sa kanya na may masamang espiritong gumagambala sa akin but I chose to just shut my mouth. Hindi rin naman siya maniniwala. Besides, she believes that ghosts are not true.

Matapos mag-discuss ni sir ay agad na niya kaming idinismiss. Nag-ayos na ako ng gamit para maka-uwi na nang maalala ko si thymus.

"Ah, Dane. Mauna ka na sa labas. Mag c-cr lang ako."

"Sure ka?" Sabi nito at tinanguan ko lang. Paglabas niya ay agad kong hinanap si thymus. Saan kaya nag-punta iyon?

"Thymus, magpakita ka na nga!" Nagulat ako nang may kumalbit sa akin at pagharap ko, si thymus na.

"Missed me?"

"Neknek mo! What are you doing here, by the way? Bubwisitin mo na naman ba ako?"

He chuckled. "Nope. I just came here to see your school."

Aba, may balak pa atang mag-aral ang multo? Ibang klase talaga.

"Paano mo nalaman na dito ako nag-aaral?" Tanong ko and raised an eyebrow.

"I've been following you since you went here. Hindi lang ako nagpakita agad."

So sino ngayon ang stalker?

"Muntik mo na naman akong ipahamak kanina alam mo ba 'yon?" Inis na sabi ko.

"Ah, Louis. May kausap ka ba?"

I flinched when I heard Girlie talked. Nandito pala siya! I didnt noticed her presence

"W-wala este m-eron! Nagpra-pratice kase ako ng sasabihin ko sa pinsan ko mamaya."

"Ganun? Ang weird ah." Sabi niya saka lumabas na ng classroom. I sighed. Nagmumukha na ata akong baliw dahil sa pakikipag-usap dito kay thymus!

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?"

"You are funny." he said and stopped himself from laughing.

"Pinagmumukha mo akong baliw you know that?" Padabog na kinuha ko ang bag ko at lumabas na.





"Bakit ang tagal mo? Akala ko nag-retouch ka lang. But just by looking at you, parang hinde. In fact, ang haggard mo." Sabi ni Dane pagkapasok ko ng kotse nila.

Nahiya naman ako dahil ako nalang itong nakikisabay eh ang tagal ko pang kumilos. Si Dane kase eh. Nag-insist kay Dad na sabay na lamang kami tutal naman daw mag-bff ang dad ko at papa niya.

"Sorry, natagalan. Naglabas kase ako ng sama ng loob." Sabi ko at umirap. Naalala ko na naman tuloy si thymus.

"You mean you pooped? Ewww."

"Whatever."





"Dad, tita. Una na ako sa taas. Busog na busog na talaga ako." Sabi ko at bahagyang nag-unat.

"Osige. pagkatapos mong magpahinga. Matulog ka na."

"Yes, dad."

Daddy gave me a nod and I hurriedly went upstairs. Gosh may assignment pala ako! Puro essays pa naman ang mga 'yon.

Agad kong kinuha ang laptop at notebook ko at sinimulan ko ng mag type.

"Hae Louis Alberona."

Napatingin ako kay thymus who is currently holding one of my notebook.

"You have a nice penmanship huh and a name though. Hae." Komento nito.

"Give me that." Sabi ko sabay kuha nung notebook at binigay naman niya 'yon at nanahimik. Thank God.




Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko dahil sa ilang oras na pagta-type at pag-iisip. I reached my phone and checked what time is it.

"10 pm." I murmured.

Tinype ko na ang huling sentence para sa conclusion ng essay ko at pinrint ito. Niligpit ko na rin ang mga gamit.

"Akala ko di ka na matatapos." Reklamo ni thymus.

"And so." I said, bored and yawned. Gahh, I'm so tired.

"I'm hungry."

Jusko. Seriously? Nagugutom ang multo?

"Are you serious?"

"Hell yeah. So go and get me some food." Utos nito.

"What? Why don't you go and get yourself? I'm tired and sleepy. Gimme a break." I groaned.

"Ikukuha mo ako or I'll burn your essays?" He warned.

"Edi sunugin mo." Sabi ko at akmang hihiga nang kunin niya ang mga printed essays ko kaya napatayo ako.

"Ugh. Joke lang! Heto na nga oh. Bababa na." Sabi ko at bumababa na.

Buwist! Dumiretso agad ako sa kusina at kumuha ng kanin, pork chop at juice. Maglalakad na sana ako pabalik nang may nag-salita.

"Hae Louis. Akala ko ba nagpapahinga ka na at bakit may dala kang pagkain? Akala ko ba busog ka kanina?" It was dad! He is still awake. Gosh, how can I explain this.

"A-ah. Bigla k-kase akong n-nagutom daddy. May assignment pala ako kaya ayun ginawa ko tas ginutom ako." I lied. Please believe me, Dad.

"Ganun ba? Okay then join me here. I can't sleep. Dito ka na kumain."

Kinabahan ako kay dad dahil hindi niya ako pinapayagang kumain sa kuwarto.

"Wag na po. Doon na lang sa taas. Please? I'm really tired na po. I want to rest immediately after I ate." Sabi ko at umarteng nagugutom at the same time inaantok.

"Okay. Sige na. Go upstairs."

I thanked God because dad finally let me go.

"Atlast you're here. I'm starving." Sabi ni thymus at nilantakan ang dala kong pagkain.

"Gosh, you are really an unbelievable ghost!" I uttered and went to sleep.

Secretly In A Relationship With A GhostOnde as histórias ganham vida. Descobre agora