Chapter Thirty

1.5K 48 2
                                    

Chapter Thirty

"Naaalala ko pa noong...una tayong nagkita."

Ang kaninang maingay na mga tao ay biglang natahimik. Lalo na ang mga kasama ko. Maybe they sensed that I'm serious.

"Ay mali. Ako lang pala ang nakakita kase nakatalikod ka."

Nagplay ng instrumental song 'yung DJ. Geez, bakit kailangan pa niyan? Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy ako.

"Hinagisan kita ng sapatos non diba? Kase ginulat mo ako ng sobra.
Tumakbo ako palayo sayo
Ngunit tadhana'y pinaglaro tayo
Naaalala ko pa noong ako lang mag-isa
Naglalakad at parang tangang palinga-linga
Siguro ika'y natawa sa aking itsura
Pero iba ang nakita ko....
Pagharap ko kase nakakunot ang 'yong noo,"

"Nag-usap tayo sandali
Tapos ako'y hindi na mapakali
Doon na nagbago ang aking mundo
Nagbago.....ng dahil sayo
Natatandaan ko pa kung gaano tayo kasaya sa piling ng isat-isa,"

Hindi naman ako makata pero bakit ganito? Kusang lumalabas sa bibig ko 'tong mga pinagsasabi ko. Epekto ba 'to ng alak? Pumikit ako at pilit na inalala ang mga panahong kasama ko siya. Ikukuwento ko 'to ng parang ngayon ko lang gagawin 'yung ginawa ko five years ago. Kase masakit pa rin...

"Pero siguro nga tama sila. Tama sila sa sinasabi nila
Na may mga taong pinagtagpo ng tadhana pero...'di itinakda
Ginawa ko naman ang lahat para manatili ka sa 'kin
Ngunit... Sa tuwing aking iisipin
Nasasayang lang ang bawat segundong ginugugol mo sa akin.
Oo! Hindi ko kakayaning mawalay sayo
Dahil ang isiping mawawala ka ay pinapatay na 'ko....,"

"Pero kung ang paglayo at pagbitaw ko sayo...
Ay makakabuti sa kapakanan mo
Tatanggapin ko ito ng buo
Mawasak man ang aking puso
Pero mahal....pasensiya na at aasa na rin ako ha?
Na sana sa pagmulat mo ng 'yong mata...
Maalala mo na may isang taong
Nagmahal... magmamahal at mamahalin ka parin ng sobra...."

I saw Dane wiped her tears. At malungkot din ang ilan. Umakyat sa stage si Dustin.

"Thank you Hae Louis sa heart breaking spoken words mo. Magaling ka pala ha? To think impromptu 'yan." He laughed.

"By the way, nag request sakin 'yung kaibigan ko. He wants to sing. So, brother! Come here. Own the stage."

Hindi ko nakita 'yung lalaking kaibigan ni Dustin dahil abala ako sa pagpupunas ng luha. Shit. Lagi na lang ganito.

"Going back to the corner where I first saw you..."

I suddenly got froze when I heard that familiar voice. Oh, no.

"Gonna camp on my sleeping bag I'm not gonna move."

Lord. Don't tell me nandito siya at siya ang kumakanta! Tiningnan ko ang stage at ganon na lang ang kaba ko ng  magtama ang aming mga mata.

That chocolate eyes. Hindi ako pwedeng magkamali. He's here! Thymus Niccolo Deveraturda's here!

"Cause if one day you'll wake up and find that you're missing me
And your heart starts to wonder where on this earth I could be
Thinking maybe you'll comeback here to the place that we'd meet
And you'll see me waiting for you on the corner of the street
So I'm not moving... I'm not moving"

Oh gosh. Marunong pala siyang kumanta? Pero teka, bakit nandito siya? Naaalala pa ba niya ako?

"Wow. Para kanino 'yon Thymus? May pinaghuhugutan ka na din?" Dustin asked while laughing.

Ngumisi lang si Thymus at pumunta sa kanilang table di kalayuan sa amin.

Geez. My heart is pounding very fast! 'yung tingin niya kanina.... Parang....parang naaalala niya ako. Parang, kilala niya ako! Is that possible?

"W–what is he doing here?" Tanong ko ng makalapit si Dustin sa table namin.

"Huh? Who?"

"T–thymus..." I breathed.

"He's my friend. Madalas siya dito."

Oh God. Tiningnan ko si Dane at nakangisi siya.

"Dane? May kinalaman ka ba dito?" I asked

Baka kasi matagal na niyang nalaman na kaibigan ni Dustin si Thymus tapos sinabi niya na pupunta ako dito... Damn! Diba nga 'di nya ako kilala? Nagaassume na naman ako.

Dane just shrugged.

Napaupo ako ng tuwid ng lumapit sa table namin si Thymus.

"Oh, bro! Tutal 'andito kana rin. This is Hae Louis, kaibigan namin ni Dane."

Nanginig ako sa sinabi ni Dustin. Geez. Kalma, girl.

Tumingin sakin si Thymus at ngumiti
"Nice to meet you Hae Louis Alberona..."

My heart stopped beating. Paanong.... Paano niya nalaman ang apelyido ko?
Inabot ko ang nakalahad niyang kamay at muntik na akong mahimatay dahil sa init non.

After how many years... Naramdaman ko rin 'yung init niya. Nangingilid na ang luha ko dahil sa sobrang pagkamiss, lungkot at saya.

Lumapit siya sa akin at bumulong.
"How are you?  Do you still remember the ghost you fell in love with?"

Secretly In A Relationship With A GhostWhere stories live. Discover now