Chapter Twenty-One

1.2K 41 0
                                    

Chapter Twenty-One

Mabuti na lang wala si thymus ngayon kaya makakaalis ako. Ayoko kaseng ipaalam na pupunta ako sa ospital. Baka magalit 'yon.

"Dad, alis lang kami ni Dane." Paalam ko. I already told him that Dane's leaving kaya ang iisipin ni dad magba-bonding lang kame ni Dane. Which is quite true.

"Okay sige. Ingat kayo."

"Yes po." Sabi ko at hinalikan siya sa pisnge.

Paglabas ko ng gate ay nakaparada na ang kotse nina Dane kaya pumasok na ako.

"Wow beshy. Pinapayagan ka na ata ni tito?"

"Yeah." I smiled.

Nang makarating kami sa ospital ay agad bumaba si Dane ng kotse.

"Kuya. Wag mo na kaming hintayin. Magta-taxi na lang po kami. I already told Dad naman."

"Sige po ma'am."

Pagkapasok namin ay agad tinanong ni Dane dun sa isang nurse kung saan ang kuwarto ni thymus. Grabe, excited much.

"Miss, saan po kuwarto ni Thymus Niccolo Deveraturda?"

Saglit na tumingin sa listahan ang nurse bago sinagot si Dane.

"Room 30. Second floor."

Hinila niya ako agad papunta dun sa room 30 kaya lang bumitaw ako sandali sakanya. Makahila wagas eh.

"Easy ka lang Dane. Nakakarating din tayo." Iritado kong sambit saka naman niya niluwagan ang hawak sa braso ko.

"Finally." Bulong niya nung nasa harapan na kami ng kuwarto.

Shit. I'm getting nervous. Baka 'andito parents niya...

"Teka, Dane. Baka nandyan parents niya."

"Chill ka lang. Akong bahala." She proudly said and opened the door.

Sabi na nga ba! Nandito parents niya. Geez. Nakakahiya.

"Ah. Hi Mr and Mrs Deveraturda. We're here to visit your son, thymus."

Nagmano siya sa dalawa kaya napamano na rin ako. Grabe, feeling close 'tong si Dane.

"Kaano-ano kayo ng anak ko?" Malumanay na tanong ni Mrs Deveraturda I stared at her for awhile because of her brown eyes.

Siguro sakanya nagmana si thymus na mala tsokolate ang mata. Yung sa dad kase niya itim na itim talaga.

"Sinamahan ko po 'tong kaibigan ko. Girl friend kase siya ni thymus." Nakangiting sagot ni Dane. Nanlaki naman ang mata ko.

Godammit Dane!

Nakita kong medyo umawang ang bibig ni Mrs Deveraturda samantalang ang asawa naman niya ay nakangisi.

"May problema po ba?" Tanong ni Dane.

"Uh, none. Maybe I shouldn't be surprise kung may darating ulit dito at magpapakilalang girl friend ng anak ko. Actually, pang Lima na kayo eh."

What? So maraming girl friend 'tong si thymus? What a playboy ghost!

"Ganun po ba?" Nahihiyang sabi ni Dane.

Mabuti naman at tinubuan na ng hiya ang bruhang 'to.

"It's okay. Halika na Lorenzo, hayaan muna natin sila dito." Aya ni mama este Mrs Deveraturda kay daddy ay shit ano ba yan! Kay Mr Deveraturda pala.

"Thank you po."  sabi ko at nginitian lang ako ng ginang.

Paglabas ng dalawa ay agad kong binatukan si dane.

"Ouch! What was that for?"

"Bruha ka talaga! Nakakahiya kaya Dane!" Singhal ko sakanya kaya sinimangutan niya ako.

"Wala akong ibang alibi eh. In fairness, mautak din ang mga babae ni thymus. We all have the same reason. Grabe, ang ganda ko talaga."

"Anong connect?" Inirapan ko siya saka ko na lang tinitigan ang natutulog na mukha ni thymus. Ano ba kasing dahilan bat siya nagkaganito?

"Baka malusaw siya beshy." Biro ni Dane at saka ko siya sinamaan ng tingin.

"Osiya. Lalabas muna ako. Dito ka lang. Enjoy!"

Hindi na ako nagprotesta at hinayaan ko na lang siyang layasan ako.

"Ano ba kasing nangyari sayo thymus?"

"You don't know what happened Hija?"

Naestatwa ako ng marinig ang nanay ni thymus. Shit, di ko man lang naramdaman na pumasok siya ng kuwarto.

"H–hindi po. Umalis po kase ko ng bansa kaya ngayon ko lang n–nalaman." I lied.

Tumango siya at umupo sa kabilang side ng kama.

"Maybe he got fed up kaya niya nagawa 'to. Masyado kase naming pinakelaman ang buhay niya." malungkot na pahayag nito.

"What do you mean po?"

"You are really clueless, huh? though I'm not sure kung sino sa inyong limang babae ang tunay na girl friend ng anak ko, I'll tell you what happened since magaan naman ang loob ko sayo."

Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ni thymus.

This is it!

"Dalawa lang ang anak ko. Which is thymus and Brix. Si thymus ang bunso. Bata pa lang sila, kami na ni Lorenzo ang nagdedesisyon sa kung anong dapat nilang gawin. Wala naman silang reklamo in fact, napaka masunurin nila,"

"But as they grow up, everything changed. Especially, thymus. Though siya yung bunso, sakanya gustong ipamahala ng asawa ko  ang mga kompanya namin. Because my husband wants brix to pursue engineering. Pero sa nakita ko, si thymus ang may gusto ng engineering while his brother wants to take business ad. Hindi pumayag si Lorenzo kaya siguro na pressure ang anak kong ito,"

"Tapos pinaalam pa namin sakanya na he'll marry the daughter of our big-time investor kaya lalo siyang nagalit. Before the accident ay nag-away sila ng asawa ko. Sinabi niya na magpapakamatay na lang daw siya kaysa kami ang magdesisyon sa buhay niya. But of course, we didn't believe him. Inisip namin na baka nabigla lang siya but nagkamali kami. Kinabukasan, we saw his car. Halos di na makilala dahil yuping yupi 'yong kotse niya,"

"Though hindi kami sigurado kung suicide nga 'yon. All I'm asking right now is for him to wake up and forgive us." Pagkatapos magkuwento ni Mrs Deveraturda ay umiyak siya ng tahimik. Nanatili naman akong walang imik.

Hindi gaanong madigest ng utak ko 'yung mga sinabi niya. But God thymus,

What have you done?

Secretly In A Relationship With A GhostWhere stories live. Discover now