Chapter Twenty-Two

1.2K 44 0
                                    

Chapter twenty-two

"Mami-miss kita beshy." Dane hugged me tight.

Ang bilis ng panahon. Aalis na nga si Dane. Medyo napaaga lang siya ng kaunti. Hindi na niya hihintaying matapos ang klase dahil nagmamadali ang kuya niya.

"I will miss you too, Dane. mag-ingat ka doon ha?" Sabi ko habang nagpipigil ng luha.

Sumama kase ako dito sa airport para maihatid siya. Kahit naman loka loka 'to gusto ko pa rin siyang ihatid sa huling hantungan niya. Joke.

"Sure, beshy. Pag-uwi ko, papasalubungan kita ng foreigner." Biro niya.

"Ikaw talaga."

"Basta, Hae Louis ha. Bantayan mo si Dustin."

Tumawa ako ng mahina.
"Oo na po."

"Osiya. Gogora na ako. Bye mom, dad ate Ivy. I will miss y'all." Yumakap din siya sa parents at ate niya saka na naglakad dala ang maleta niya. I'll definitely miss my one and only beshy....

"Ayaw niyo po ba talagang pumasok muna tito, tita?" Aya ko sa mom at dad ni Dane. Sinabay na kase nila ako pauwi.

"Wag na, Hija. Ikumusta muna lang kami sa daddy at tita mo." Tito Rene said.

"Okay po. Salamat. Ingat po kayo."

Tinanaw ko na lang ang papalayong sasakyan nila. Geez. Ang bigat ng pakiramdam ko.

Pumasok na ako sa loob at naabutan kong gumagawa ng sandwich si tita.

"Oh, andito ka na pala."

"Opo. Nasan si dad?" Tanong ko ng mapansing wala si daddy.

"Umalis sandali. May inasikaso."

Hindi na ako sumagot.

"Paakyat ko na lang itong meryenda mo ha?"

"Osige tita. Thank you." Sagot ko at pumanhik na sa kuwarto ko.

Naabutan ko si thymus na nakahalukipkip. I silently went to my bed ignoring his presence.

"Hae Louis." Tawag niya pero di ako kumibo.

"Hey. Did I do something wrong?" Ani niya saka tumabi sa akin.

"Mag-salita ka na man. Iniiwasan mo ba ako?"

Ilang linggo ko na siyang hindi pinapansin at kinakausap ng matino. Simula nung kinuwento sa akin ng mama niya ang talagang nangyari  sa kanya though hindi pa nga raw sure kung suicide nga 'yon, hindi ko na siya kinausap ng maayos. Medyo naiinis kase  ako sakanya.

"Ano nga kasing totoong nangyari thymus? Naaksidente ka ba talaga?" Tanong ko kahit alam ko na ang sagot coz I want him to be honest to me.

"Why are you asking me that? Aksidente nga diba." medyo iritado niyang sambit.

"Girl friend mo na ako, right? Puwede mo namang sabihin sa akin yung to–"

"Bullshit!" Sigaw niya na ikinagulat ko.

"Is this the reason why you're ignoring me? You want to know the truth? Then fine! I will tell you the truth. That wasn't an accident! Sinadya ko 'yon. Because I was so fucked up. My life was so fucked up..."

Kahit ipinapakita na ng tono ng boses niya kung gaano siya nasasaktan, still, blangko lang ang ekspresyon ng mukha niya.

"Walang ginawa ang parents ko kundi manipulahin ang buhay ko so I came up doing this. Hindi ko to pinagsisisihan coz look, im free. I can finally do the things I want without being manipulated."

Ngumiti ako ng mapait. Seriously? Hindi niya pinagsisisihan? Just because he was so fucked up, eh magsu-suicide na siya? Wow just wow!

"Thymus. Hindi option ang pagsu-suicide. Porke gusto mong gawin ang mga gusto mo ng walang humahadlang sayo eh babawiin mo 'yung buhay na pinahiram lang sayo? You are so selfish you know that?" I paused because of the lump forming in my throat.

"You only think about yourself. Hindi mo iniisip yung mga iniwan mo. Akala mo ba masaya akong ganito tayo? No. Im not happy. Kase di ko maipagsigawan sa mundo na ikaw yung gusto ko... Na ikaw yung mahal ko.." tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabadyang kumawala sa mga mata ko. I looked at thymus and his face softened.

"Baby, I'm sorry. Wag ka ng umiyak." he said and cupped my face.

"Hindi mo naman kasi kailangang ipagsigawan sa mundo na ako 'yung mahal mo. I really don't give a damn about the world, Hae Louis. Kase ikaw lang ang mundo ko. Sayo lang umiikot ang mundo ko..."

Secretly In A Relationship With A GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon