Chapter Thirteen

1.3K 41 0
                                    

Chapter Thirteen

Kasalukuyan kaming nagre-review ni Dane dahil may quiz kami sa literature  bukas at dito sa amin niya napiling mag-review at mabuti na lang napaki-usapan ko si thymus na manahimik muna.

"Nood tayo ng horror movie pagkatapos?"I suggested.

Dane made a face. "Ayoko nga."

"Ayaw mo? Diba hindi ka naman naniniwala sa mga multo or aswang? Don't tell me natatakot ka?"

"Duh! Ba't naman ako matatakot? Gaya ng sinabi ko ghost doesn't exists." Sagot nito at inirapan pa ako.

Nahagip ng paningin ko si thymus na prenteng naka-upo sa upuan sa tabi ng lamesa ko. Sa kama kasi kami nagre-review ni Dane. Nakatingin lang siya sa amin at mayamaya'y napangisi. Uh-oh, this is gonna be a trouble. I know that smirk so damn well.

Nagpatuloy kami sa pagbabasa nang makarinig kami ng kalabog 'yon ay dahil tinapon ni thymus ang libro sa sahig na kanina'y nasa mesa. Hindi ko 'yon pinansin at maging si Dane ay walang kibo. Tsk, as if namang matatakot itong bruhang 'to.

After a deafening silence, Dane stood up from bed and picked up the book. Inilagay niya iyon sa lamesa. Hindi siguro siya nakatiis. Ayaw kase niya ng mga librong nakakakalat. Pagkatapos niyang mailagay sa lamesa 'yon ay bumalik siya sa tabi ko at nagbasa ulit. But knowing thymus, hindi 'yan titigil hanggat hindi niya natatakot ang kaibigan ko. Remember, siya raw si Thymus Deveraturda and he get what he wants. Asus, asa siya!

Wala pang isang minitong nakakalipas nang ibato ulit ni thymus ang librong inayos ni dane. This time, Dane looked at me with confusion in her eyes.

"Bes, tayong dalawa lang naman dito ah? Paanong nahulog na naman 'yang libro?"

"I don't know." Sagot ko.

Hindi na siya umimik at nagbasa na lang ulit. See? Hindi uubra kay Dane ang mga ganyang galawan. But, it looks like thymus badly want Dane to be scared kaya this time tumayo siya sa prenteng pagkaka-upo at kumuha ng dalawang libro sa bookshelf saka niya inihagis iyon sa sahig. Sige, hahayaan ko siyang magkalat. Ako pa ang maglilinis niyan kapag natakot niya ang best friend ko.

Tumingin ulit sa akin si Dane at sa librong nasa sahig.

"H–hae Louis, this isn't funny!" Galit na sabi niya.

"Ano? Wala akong ginawa." Depensa ko.

Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o ano sa itsura niya dahil parang matatae siya.

"Oh my God! May m–multo dito! Ahhhhhhh!" Sigaw niya at nagtatakbo palabas ng kuwarto.

Shocks, this is the first time I saw dane cry real hard because of fear. Sinulyapan ko si thymus and he just gave me  a smirk. Ngisi na para bang nagsasabing "I-told-you-I-can-get-what-I-want" gosh, he just nailed it! I wanna give him slow claps for that.

Secretly In A Relationship With A GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon