Chapter Nineteen

1.3K 42 0
                                    

Chapter Nineteen

"So, nasaan ka for the past two months?" Tanong ko kay thymus habang nakayakap siya sa likuran ko. Ang bilis niya diba? Galawang hokage eh.

"Sa bahay lang. But im secretly stalking you."

"Ikaw ha. Ako pa 'yung sinabihan mong stalker noon eh ikaw naman pala 'yung stalker sating dalawa."

Tumawa siya ng mahina. "Nah. Ikaw naman ang nauna."

Okay. Pahiya ako don. Change topic.

"Thymus..."

He didn't speak.

"Bebe ko."

"Hmm?"

Hinampas ko siya kahit tumagos lang 'yung kamay ko.

"Ang landi mo no!"

"Sayo lang naman."

Okay. Pahiya na naman ako. Lakas din palang bumanat ng multong 'to! Tatanungin ko pa sana siya kung kailan saan paano bakit siya nagkagusto sa akin kaso wag na lang. Hindi naman siguro kailangang may dahilan kung paano mo nagustuhan ang isang tao. So instead of asking him about that maybe I'll just ask him about his parents.

"By the way, nabisita mo na ba parents mo?"

Medyo lumuwag yung pagkakayakap niya sa akin.

"Not really. But umuuwi naman sila kaya minsan nakikita ko sila sa bahay. So, I don't have to visit them in the hospital."

I sighed. Why is he like that? Whenever we talk about his parents, umiiwas siya. Hayaan ko na nga muna. I don't want to ruin this moment.

"May tanong ako...." Sabi ko.

"Ano 'yon?"

"Bakit ka pa umalis dito noon? Iniwasan mo ba ako?"

Hinarap niya ako sakanya kaya natitigan ko na naman ang mala tsokolate niyang mata.

"Yes. Because, I tried to remove you in my system. Ayokong masanay akong nasa tabi kita. Pero huli na. Gusto na pala talaga kita." He seriously said.

Speechless ako. Wala eh. Ginalingan niya. Panalo na siya. Sakanya na talaga 'tong puso ko.

Umiwas ako ng tingin sakanya dahil ayokong makita niyang namumula ang pisngi ko. Kaso pinaharap niya ulit ako sa kanya.

"You are now mine, Hae Louis. Kuha mo?"

I slowly nodded. "Pero, pang ilan na kaya ako sa sinabihan mo ng ganyan?"

"Ngayon ko lang sasabihin 'to sayo. Kaya makinig ka ng mabuti. Yes, hindi ikaw ang unang babae sa buhay ko. But I'll make sure that you will be the last. Though not my first but definetly my last...."




"Hoy. Hae Louis. Ang saya natin ah?" Dane commented.

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko lang ang pagsusulat ng kung ano ano sa likod ng notebook ko.

"Ay wow. Seen."

"Wag ka ng magtanong Dane. Minsan lang akong ganito kaya pagbigyan muna 'ko."

"Weird." Bulong niya pero hinayaan na ako.

Hangang sa makarating si ma'am Chavez ay nakangiti pa rin ako. Hindi ko talaga mapigilan. Good vibes overload.

"Ms. Alberona?"

"Yes ma'am?" I asked.

"Kanina pa kita napapansing nakangiti. May nakakatuwa ba sa discussion natin?" She raised her eyebrows.

"Wala naman po." Nakangiti ko pa ring sagot.

Sus. Kahit ang pinaka terror pang teacher ang pumuna sa akin, 'di nila ako mapipigilan. Walang makakapigil sa good vibes na nararamdaman ko.

Tumawa ang ilan sa mga kaklase ko.

"Hala, baka naaning na 'yang si Hae."

"Hinde. Baka naman in love."

"Quiet! Let's now proceed to our next lesson." Ma'am Chavez said and glared at me. Nginitian ko lang siya ulet.




"Seriously Hae? Ano bang nakain mo ha? Para kang timang diyan." Tanong ni Dane nang makahanap na kami ng mauupuan dito sa canteen.

"Wala sabi."

"I'm getting piss na beshy."

Inirapan ko na lang siya at kumain na. Habang kumakain, nakita ko si Dustin na papunta sa pwesto namin dala-dala ang pagkain niya.

But before he could sit, biglang umatras ang upuan na dapat uupuan niya kaya nasubsob siya. Hala! I looked around and  I saw thymus near a tree.

"Omg. Are you okay?" Concern na tanong ni Dane sakanya saka niya tinulungang tumayo si Dustin.

"I'm fine. Don't worry."

Naku, naku. Si thymus ang gumawa nito panigurado.

Secretly In A Relationship With A GhostWhere stories live. Discover now