Chapter Twenty-Five

1.2K 41 0
                                    

Chapter Twenty-Five

Umuwi ng La Union sina Dad at tita kaya naiwan ako sa bahay kasama ang dalawa naming kasambahay. Wala rin si thymus ngayon dahil pinauwi ko muna siya sakanila. I don't want him to know that I'm planning to help him about his condition. Ayoko naman kasing nakatunganga lang ako habang nahihirapan siyang maghanap ng solusyon.

"Nay beng, mamaya na po ako magdidinner. Mauna na kayo." Sabi ko at nagsuot ng jacket dahil nakasando lang ako. Gusto ko munang maglakad-lakad sa labas tutal 7pm pa lang.

"Osiya, sige. Iinitin ko na lang pagkakain ka na."

Tumango ako at lumabas na.

May mangilan ngilan pang taong nakatambay at nagliliwaliw kaya malakas pa ang loob kong maglakad mag-isa. Pumunta ako sa park at umupo sa swing. Mabuti na lang walang tao dito at tahimik. I looked up and saw the dark sky filled with stars. Kailan kaya magiging kasing payapa ng gabi ang relasyon namin ni thymus?

"Ang lalim ng iniisip mo, Hija."

I came out from my reverie when I heard someone talked.

"Magandang gabi po, Lola." Nakangiti kong bati sakanya.

Umupo siya sa kabilang swing at mahina niyang tinulak 'yon para gumalaw.

"May problema ka."

Tumingin ako sakanya at bahagyang tumango. Siguro bakas na bakas sa mukha ko na may problema nga kaya nahulaan niya.

"Alam mo, Hija. Pumupunta ako rito sa tuwing ika labin-dalawa ng marso kada taon."

Iniwas ko na ng paningin sakanya at tumingin ulit sa madilim na kalangitan.

"Bakit naman po tuwing march 12 lang? At saka, ang suwerte ko ata, natiyempuhan ko kayo. Today's March 12." I said.

"Ito kasi ang araw ng kamatayan ng lalaking pinakamamahal ko."

Natigilan ako at napatingin ulit sakanya.

"Pasensiya na po."

"Ayos lang. Matagal na rin naman 'yon at matagal ko na ring natanggap." Tipid itong ngumiti.

"So... Ano pong ginagawa niyo dito tuwing march 12?"

'wag niyang sabihing dito sa pwesto ko umuupo 'yung asawa niya!

"Nandito ako para tumulong sa mga taong naaabutan ko na may problema."

Napailing ako. Kung sana ganoon lang kadali 'yung problema ko, matutuwa pa ako na natiyempuhan ko siya.

"Matutulungan kita, Hija."

"Imposible po, Lola."

"Pumunta ka sa lugar kung saan una mo siyang nakita. At kung papalarin ka, dapat may salamin don. Alas dose ng hatinggabi ka pumunta don,Hija. Magdasal ka sa harap ng salamin at kapag ang salamin na 'yon ay nabasag, ibig sabihin ang kaluluwang 'yon ay nakabalik na sa katawang lupa niya."

My brows furrowed because of what she said. Is she serious? Paano niya nalaman na ganoon ang problema ko?

"Pero may kapalit."

Naguguluhan man ay napatanong ako.    "Ano po 'yon?"

"Kapag nakabalik na siya sa katawan niya. Mabubura ang alaala niya. Makakalimutan niya ang mga pangyayari at taong nakasalamuha niya noong kaluluwa lang siya."

Matapos magsalita ng matanda ay bigla itong naglaho. Shit. Totoo ba siya? Totoo ba ang mga napagusapan namin? I pinched my cheeks and I got hurt. Oh my God, totoo nga!

Secretly In A Relationship With A GhostDonde viven las historias. Descúbrelo ahora