Chapter Twenty-Six

1.2K 36 0
                                    

Chapter Twenty-Six

Hindi ako nakatulog dahil sa sinabi sa akin nung matanda kagabi. What if she's really telling the truth? Kaya ko kayang hayaan si thymus na makalimutan ako kapalit ng paggising niya?

"Ang aga aga ang lalim ng iniisip mo."

Napapitlag ako ng mag-salita ang biglang sumulpot na si thymus. Mabuti na lang pala at nakapag-ayos na ako.

"Ang aga mo."

"Hindi kita nakita kahapon that's why I came here early." Sabi niya habang nakahalukipkip.

"Ah."

"Yung totoo, may problema ba?" He asked in a serious tone.

Siguro naramdaman na niya na may problema talaga.

"Wala nga ano ka ba." Sabi ko at sinabayan 'yon ng tawa.

"The fck, Hae Louis! Ba't kasi hindi mo na lang sabihin 'yung totoo! Palagi kitang tinatanong kung may problema ba pero ang palagi mong sagot wala kahit na obvious namang meron!"

"Edi 'wag kang magtanong kung ayaw mong maniwala!" Sigaw ko na ikinabigla niya.

Hindi ko sinasadyang sumigaw. Naiinis lang ako na ang galing niyang makiramdam na may problema nga ako. Nakakatuwa at the same time nakakainis na kilalang kilala niya ako. Ayokong sabihin sa kanya na ang relasyon namin ang pinoproblema ko because I don't want to be a burden. Ayokong maging pasanin pa niya.

"Tapusin na natin ang kahibangang ito, Thymus. Ayoko na, napapagod nako." Sinikap ko na 'wag mabasag ang boses ko.

"What? Are you serious?"

Tiningnan ko siya ng diretso sa mata.
"Seryoso ako."

"C'mon, tell me, nabibigla ka lang."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.

"No. Gusto kong maghiwalay na tayo." I said, firmly.

"Ayoko."

"Diba magaling kang makiramdam? Bakit hindi mo nararamdamang ayoko na?! Napapagod na ako! Napapagod na ako sa estilo ng relasyon natin!" Sigaw ko.

"Eh ikaw. 'Di ba nangako ka? You promised me that you'll stay. Kasi nga 'di ba gagawan ko naman ng paraan?"

I mentally thanked myself from acting tough right now. Hindi ko alam kung saan ko nahuhugot ang lakas na 'wag magpadala sa lungkot at sakit na ipinapakita niya.

"Wala akong pinangako. Kaya, thymus. Isaksak mo diyan sa kukote mo na wala na. Wala ng tayo." Sabi ko at lumabas na ng kuwarto.

"Damn it!"

Dinig kong sigaw niya bago ako makalayo ng tuluyan sa kuwarto.

I'm sorry thymus pero buo na ang pasya ko. Gagawin ko na 'yung sinabi nung matanda. Gagawin ko na kahit hindi sigurado, basta para sayo.

Secretly In A Relationship With A GhostWhere stories live. Discover now