Chapter Twenty-Eight

1.2K 40 0
                                    

Chapter  Twenty-Eight

"Thank you talaga anak for forgiving me sa kabila ng lahat ng nagawa ko sayo." Mom said between her sobs.

Limang taon na ang nakaraan nung naisipan kong kausapin na siya. Tinanong ko siya kung saan niya ako gustong dalhin para makasam tutal ay pumayag naman si dad. Sasama ako sakanya pero hindi naman niya ako kukunin, permanently. Sinama nga ako ni mom dito sa London. She introduced me to his husband and he gladly accepted me. Wala silang anak ni mom dahil nagkaron ng komplikasyon sa matres si mommy. Dito, sa London ko na rin tinapos ang college.

"Ano ka ba, 'my! Matagal na 'yon. Nakapag move on na nga ako eh." Sinikap kong lakipan ng tawa ang boses ko para 'di na siya maiyak.

"Yeah. It's just that I'm happy at the same time, sad. Ang bilis kasi ng panahon. Aalis ka nga. Limang taon pa lang kitang nakakasama pero feeling ko 'di pa 'yon sapat."

"Mommy naman! I'll visit you here, promise. Kaya 'wag ka ng sad okay?"

She nodded her head at sinamahan na ako sa airport.




Finally! Nandito na ulit ako sa aking homeland. May dalawang reason kasi  kaya ako sumama kay mom sa London. First, gusto kong magka-ayos kami. Just like what dad said, ina ko pa rin si mom. Ayoko ng magtanim ng sama ng loob sakanya tutal ay humingi na rin siya ng tawad.

Second, gusto kong makalimot from my heartbreaks here but I think, 'di ko pa nagagawa 'yon. Fresh na fresh pa rin sa utak at puso ko ang mga nangyari. But life goes on, I must continue living.

Hindi ko pinaalam kina dad na ngayon ako uuwi para masorpresa sila ng bongga because come back is real!



Pagkabukas ko ng gate ay nagulat ako nang biglang may nagsabog ng confetti.

"Welcome home, Hae Louis!"

Sinalubong agad ako ng yakap ni Dad at Tita rowena. Geez, ako ang nasurprise ah! Paano nila nalaman na ngayon ang uwi ko eh wala naman akong pinagsabihan?

"Thanks, daddy. Tita. Pero, paano niyo nalaman na ngayon ang uwi ko?" Tanong ko.

Kumalas sila sa pagkakayakap at humarap sa akin.

"Tumawag ang mom mo kahapon sabi niya ngayon ka nga daw uuwe." Dad said.

Ugh. Napaka kj talaga ni mom! Sabi ko ng wala siyang pagsasabihan eh. For sure, alam na ni Dane na nakauwi na rin ako.

"Osiya, tama na muna 'yan. Ikaw, Hija. Umakyat ka muna sa kuwarto mo at ng makapgbihis ka." Sabi ni tita kaya ganoon nga ang ginawa ko.

Pumasok ako sa dati kong kuwarto which is kuwarto ko ulit ngayon at tiningnan ang kabuuan niyon. Ganun pa rin naman ang ayos nito. Natigil ang paningin ko sa isang upuan then suddenly a nostalgic feeling embraced me. Sa upuang 'yon siya madalas umupo kapag naririto siya sa kuwarto ko. Damn! Bakit pa ba ako nagre-reminisce eh for sure, limot na ako ng taong 'yon. Pinilig ko na lang ang ulo ko at nagsimulang magbihis.




"Kumain ka ng marami, Hae Louis." Nakangiting sabi ni 'nay beng.

God! Namiss ko rin siya. I can't believe na after all these years sa amin pa rin siya naninilbihan. I was about to eat when my phone rang. Kinuha ko 'yon at sinagot.

"Oh my God! You're back beshy!"

Inilayo ko sandali ang phone sa tainga ko dahil sa tili ni Dane. Jusko, hindi pa rin siya nagbabago. Loka loka pa rin.

"Ano ba! Mababasag ang ear drums ko!"

"Sorry. Na-excite lang ako sayo beshy. Grabe ha, nauna pa akong nakauwi sayo."

"May naghihintay kase sayo kaya excited kang umuwi."

Tumawa naman siya.

"Bakit? Sayo ba wala?"

Natahimik ako pero bigla siyang nag-salita ulit.

"Anyway, susunduin kita mamayang gabi diyan. Magpaparty tayo beshy!"

"What? Ano ka ba, 'wag na no! Besides, wala naman akong masyadong naging kaclose sa school noon. Alam mo 'yan!"

"So what? Edi papakilala kita sa mga friendships ni Dust!"

"Ayoko sabi. Saka if ever, saan naman magpaparty?" I asked

"Sa new bar ni Dustin! Kaya wether you like it or you like it, susunduin kita diyan. Bye beshy!"

Before I could protest ay nahang-up na niya ang tawag. What a bitch!

Secretly In A Relationship With A GhostWhere stories live. Discover now